CHAPTER 28

45 3 0
                                    

AVERIE pov.

"Ang pretty mo talaga" naka nguso na sabi ko habang naka tingin sa ka niya. She's staring herself in front of wall mirror.

"Huh?"

"Tsk. Of course you will react like that. What a pure" Tumayo na ako at kinuha ko ang things ko. "Let's go na, kanina pa nag hihintay sila Ethan" Ngumiti siya at kinuha ang bag niya saka siya sumunod sa akin sa pag labas

"Uyy sa wakas! Muntik na tayong hindi malate!" Sinimangutan ko si Dwayne at inirapan "Naks naman, ang ganda natin Gane ah?"

"Huh?"

"Hahahahah sa lahat ng may bangas na muka ikaw ang pinaka maganda" sumimangot si Gane

"If you didn't stop, I'll cut your tongue "
Nilingon namin si Ethan na sibrong sama nang tingin kay Dwayne na nag surrender ng kamay

" Damot, kahit purihin bawal? "

" Tsk" Walang sabi sabing hinila niya si Gane na agad nag pahila at iniwan kami

Tignan mo nga itong dalawang ito

"Hindi ko alam kung matatakot ako sa pinapakita ni Ethan o matutuwa" I look at Dwayne

"What do you mean? They look good together"

"Kung usapang bagay, sobrang bagay sila. Pero hindi kaba kinakabahan? Paano kung kagaya ni Xiah ay masaktan nanaman si Ethan? Pano kung isang araw ibigay niya nanaman ang buong feeling's niya?"

"Gane is different Dwane, you know that"

"Alam ko iyon. Ibang iba siya kay Xiah, pero hindi mo maiaalis na hindi lang si Ethan ang nahuhumaling kay Gane." naikuyom ko ang kamay ko "Si Lord Mask Averie... At alam mo kung gaano siya kalakas. Kung sakaling gustohin niyang makuha si Gane magagawa niya. At pa ano kung makuha niya si Gane? Paano na si Ethan? Masasaktan nanaman siya. Halos mabaliw siya nang mawala si Xiah, Averie."

"At hindi ko hahayaan mangyari 'yon. Hanggat na bubuhay ako, Pro-protektahan ko si Ethan at Gane."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo"

"Alam ko. Hindi mo ba napapansin ang Ang pag babago ni Ethan simula nang dumating si Gane? Dwayne, Unti unti nang humihilom ang sugat na dulot ni Xiah"

"Pero tama ba na gawing panakip butas si Gane? Tama ba na gamitin natin si Gane para lang mailigtas sa kalungkutan si Ethan? Averie, maling mali"

"Mas mali ang hayaan natin siyang mag dusa! Mas mali ang panoorin natin siyang gabi gabing nag mumukmok sa isang babaeng alam naman natin na hindi siya kailanman minahal! Ayoko kay Xiah!"

"Patay na si Xiah!"

"Na mas lalong kinaiinisan ko! Wala siyang karapatang mamatay! Wala! Ni wala man lang akong nagawa para kay Ethan! Masyado siyang suwerte! Dahil walang kahirap hirap binawian siya nang buhay!"

"Averie!"

"Kung na bubuhay man siya Ngayon, kahit na magalit sakin si Ethan, ako ang papatay sa babaeng 'yon!" Inis na iniwan ko nalang siya doon at sumunod kanila Ethan.

Si Gane ang magiging daan para bumalik sa dati si Ethan. Silang dalawa ang para sa isat isa, at walang sino man ang makaka handalang doon. Kung kailangan kong maging si kupido para sa kanilang dalawa ay gagawin ko. Kalabanin ko man si Lord Mask, ay gagawin ko. Sabay ko silang pro-protektahan, sabay ko silang ilalaban.

Nang maka rating nako sa room ay nadatnan ko na naka upo na sa madalas naming puwesto sila Ethan. Nasa pinaka gilid si Ethan, habang si Gane naman ay nasa kabilang side niya. Lalapit na sana ako nang biglang lumapit si Ina na umiiyak.

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now