CHAPTER 11

31 2 0
                                    

GANE pov.

"All students, proceed to the gymnasium"

Gymnasium?

"There’s something happened " Nilingon ko si ethan na kunot na kunot ang noo

"I guess too" Siyang sabi ni averie, nanatiling naka kunot lang ang noo ni Dwayne habang ngumunguya at sumusubo,

"Let's go" Agad na tumayo si ethan, pero hawak parin ang Shanghai, kumagat pa siya ng minsan at nauna na sa pag lalakad, habang si averie naman ay humabol pa ng subo at umalis din,

"Dwayne?" Nilingon nya ako

"Ah?"

"Hi-hindi kapa ba aalis? umalis na sila averie oh" Turo ko pa, nanlaki ang mata nya at bahagyang napa kamot sa ulo

"ahh.. hehehe sige," Tumayo na nga siya at mabilis na sumunod, pinag masdan ko naman ang paligid, lahat sila ay aligagang nag tayuan, kahit hindi pa tapos sa tanghalian

Yung iba naman, ay pasimpleng na takot, ewan ko, kahit itago nila ay nababasa ko sa muka nila ang takot, bagay na hindi ko maintindihan

Kadalasan, nag tatawag din naman ng emergency meeting ang dean namin, pero masaya kami sa pinag uusapan, pero bakit sila ay iba?

Parang pakiramdam ko, may mali eh...

nilingon ko ang pwesto nila ina, mas nag taka ako, ng lahat sila ay naka nganga na naka tingin kay Jaxon na nag papaliwanag

Ano kayang pinag uusapan nila?

Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si thea at lucas, pero gaya ng iba, nag mamadali silang lubas,

Eh?

nilagpasan nila ako, na parang hindi nag e-exists ang presence ko...

Pero, ayos lang 'yon, eto na ang magandang way, para maka alis na ako...

nilingon ko sila ina muli, nang Makita ko na seryoso parin silang nag uusap usap... umalis nako,

panigurado naman na makaka istorbo ako pag nag paalam pa ako...

Lumabas nanga ako, muli nanaman akong binalot ng curiosity, ng lahat sila ay seryosong nag lalakad, na para bang, may sari-sarili silang mga panaginip at nananaginip ng dilat...

Kaya kesa tumakbo ako, naki sabay nalang ako...

Kahit puro pag tataka, kung anong meron at anong magaganap sa gymnasium, mas pinili ko munang puntahan si lola, para bigyan ng tanghalian, kapansin pansin kasi ang pamamayat nya eh...

Susunod nalamang ako, pag nahatidan ko na si lola, hindi ako mag tatagal...

*LIBRARY*

Lumingon muna ako sa paligid, bago buksan ang malaking pinto at pumasok,

agad naman na sinara ko 'yon, para walang maka kita..

"Ano nanaman ang ginagawa mo dito?" nilingon ko si lola, bago ngitian, naka upo siya sa information desk, at mukang busy na busy siya sa ginagawa niya

"May ibibigay lang po sana ako eh" lumapit nako sa kanya

"Ano naman? at bakit mas pinili mo pang pumunta dito kesa sa gym?"

Kinuha ko ang bag ko sa likod ko at ipinatong sa information table, kinuha ko ang baunan na inihanda ko para sa kanya

"Para po sa inyo lola, hehe, nag Luto po kasi ako kanina ng umagahan, naisip ko po na dalhan kayo, kaya ayun po hehehe" nangunot ang noo nya, bago nya balingan ang baunan na inilapag ko

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now