CHAPTER 40

44 3 0
                                    

JAXON pov.

"Thank you" Tumango si Averie

"Kaya mo na ba dito mag isa? pupuntahan ko na kasi si Gane e" Bahagya akong natawa at tumango.

"Sige na. Salamat dito" ngumiti siya at dali dali nang lumabas. Napa tingin ako sa orasan. Mag uumaga na pala. Sure ako aatake sila mga gabi.

Nang makuha ko na ang gagamitin ko ay lumapit na ako kay Xiah na naka Cross arm habang naka upo sa kama.

"Xiah" nag mulat siya ng mata at saktong tumama iyon sa mata ko. Muli nanaman ako naka ramdam nang awkwardness. "P-pwede ko bang linisin ang muka mo?" Tumingin siya sa hawak kong maliit na towel at bottled water

"Do what you want. Make it fast I'm sleepy" Ngumiti ako at inumpisahan nang dampian ng basang pamunas ang muka niya at nilinis iyon..Puro kasi mga natuyong dugo na, may iilang cut rin siya sa labi at may sugat sa sentido,noo at gilid ng mata.

Habang pinupunasan ko ang muka niya ay pinag mamasdan ko ito. Naka pikit siya, kaya kitang kita ko ang mahaba niyang mga pilik mata. Halos wala rin ka pores pores ang muka, ani mo'y hindi tunay ang napaka puting balat. Eksakto ang kapal ng maganda niyang kilay, na bumagay sa napaka liit at matangos na hulma ng ilong.

Bumaba ang tingin ko sa bahagyang naka awang niyang labi. Namumula na ito dahil may sugat siya. Pero kahit ganoon, hindi nabawasan ang ganda noon. Pakiramdam ko, labi niya palang ang kauna-unahang labing masasabi kong perekto. Maliit ito na manipis, natural ang pamumula na nakakadagdag sa karisma nito.

Ngayong natitigan ko siya nang malapitan, doon ko nasabi na may pag kakaiba sila ni Gane.

Halos pa perekto na ang muka ni Gane, lagi pang maaliwalas at naka ngiti. Maganda rin ang mata niya,pero hindi sing-angas ng sa ate niya.

Sa boses  mag kaibang magkaiba sila, at lalo naman sa ugali. Pero napapansin ko na nag iiba si Xiah pag nasa harap niya si Gane

"Ano ba!? ilang oras mo bang pupunasan ang muka ko!?" Bahagya naman akong Napa iwas....

Hays....

Muli kong binanlian ng tubig ang hawak kong tuwalya saka ko kinuha ang kamay niya at pinunasan.

Pati kamay ay ang ganda, ang haba ng mga kuko....

Etong kambal na ito ay talagang inako na lahat ng kagandahan.

Pero napansin ko na payat si Xiah kumpara kay Gane.

" Gano kana katagal dito?" Nagulat ako nang itanong niya iyon.

"F-Five Years? I guess?"

"Tsk. At bakit ka nandito?"

"Ligaw ako, at isinama dito." Hindi na siya sumagot "Ikaw? paano ka napunta dito? gaya ba ni Gane iyong tita mo ang nag hatid sayo dito?"

Nag mulat siya ng mata at tumingin sa harapan niya

"No. Ninakaw ko ang Death Book sa step mom namin"

"Huh!? Pa-pano..pano napunta sa ka niya iyon?"

"Tsk. Huwag mo itong sasabihin kahit kanino maliwanag? Bukod kay Eyna ay wala pang nakakaalam nito. Mukang mapag kakatiwalaan ka naman. Tama ba?" Hindi ako sumagot pero naka titig lang ako sa ka niya. Ngumisi siya "Good"

Huh?

"We are the real owner of this University"  Nanlaki ang mata ko

"H-ha?"

"My Grandma and Grandpa created this school for The under grounds. You know what is that?" Umiling ako. Kinuha niya ang hawak hawak kong pamunas at inumpisahang  punasan ang sa may bandang legs niya. Pero hindi nawala ang mata ko sa mata niya

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now