CHAPTER 36

44 3 0
                                    

ETHAN pov.

Kasalukuyan kaming nasa likod ng pad ni Mask. Nababalutan na ito ng apoy sa harap at mga gilid. May mga apoy rin sa likod pero mabilis na naaapula ng mga tauhan nila. Nilingon ko ang mga kasama ko.

"Mag hiwa-hiwalay tayo. Make sure na hinding hindi kayo mag papakita sa mga management naiintindihan niyo? Just secure the whole area. Hahanapin lang namin si Mask. "

"Hindi ba dapat sama sama tayo?" Dwayne

"Hindi kami mag tatagal sa loob" Nilingon ko si Jaxon na naka tingin lang sa loob na nasusunog na bahay. "Jax, come with me" Tumingin siya sa akin at tumango.

"Sasama na ako" Nilingon ko si Dwayne at inilingan.

"Mas Kailangan ka nila Equel Dwayne, I'm with Jax don't worry"

"You sure?" Nag aalalang tanong niya

"Yeah. Go" Tumango nalang siya saka kami tumuloy sa pag pasok ni Jax.

Medyo nahirapan kami sa pag pasok. Medyo may kalalikaham kasi ang bakod na tinalon namin, salamat sa malaking puno na naging silbing akyatan namin para maayos na marating ang kabilang bahagi ng pader. Pag pasok namin, tumambad samin ang sandamakmak na wala ng mga buhay na tauhan ni Mask, ang iilan ay naka hiwalay na ang ulo sa mga katawa at ang iba naman ay may mga palaso na sa mga katawan at ulo.

Bahagya akong napa iling.

Nakaka awa...

"Naka bukas na ang back door" nilingon ko ang tinutukoy ni Jaxon

Tama nga siya, mukang sinandya talagang hindi sunugin ang likod na bahagi ng bahay para may pasukan pa sila.

So it's mean, ang plano lang nila ay kornerin si Mask at hindi maka takas.

Mauutak....

Agad naman na kaming pumasok ni Jaxon, at gaya sa kaninang natagpuan namin sa labas, marami na ring mga wala ng buhay dito, mukang mas marami nga lang kumapara sa labas.

Inilibot ko ang paningin ko, halos mabalutan na ng dugo ang buong lugar, puro bangkay na rin ang matatagpuan..

Halos tauhan pa ni Mask ang nakikita ko..

Nagulat naman ako nang hilahin ako ni Jaxon papunta sa malaking Sofa na itim.

"May tao..."bulong  niya, at itinuro ang second floor.  Nang tignan ko iyon doon naka tayo si Mask, katabi niya si Eyna at zico, habang nasa likuran niya si Dylan. Sinundan ko naman ang tinitignan nila, nanlaki ang mata ko nang makita ako ang ilang miyembro ng management.

D*mn it!

They're doomed!

Mas nag tago pa ako nang lumakad sila palapit sa amin at huminto sa tapat ng hagdan.

"HAHAHAHAHA Mask! it's nice to see you again!"

"Ano't naririto kayo?"Eyna

"Bakit naman tinatanong mo pa iyan? of course darling, Kailangan nanaming maningil hahahaha"

"Maningil saan? ang pagkakatanda ko ay kayo ang siyang may utang sa amin."

"Talaga? parang hindi ko tanda? hahahaha wala akong matandaan! maliban na lang sa utang na buhay ng Lord mo. Hindi ba Mask? May utang ka sa aming buhay." Wala man lang naging reaction si Mask

"Alam mo kung bakit mas kating kati ako sa pag patay ngayon sayo mask? dahil jaan sa ugaling mong walang kapake-pakealam! Naiinis ako sayo ngayon! At alam mong hindi mo magugustuhan pag nainis ako!"

"Dude, pati ba naman sa ganoong bagay kinaiinisan mo? Ang babaw ah?" mayabang na sabi ni Zico.

"Pakelamero"

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now