CHAPTER 33

54 3 2
                                    

JAXON pov.

Dalawang araw na pero hindi parin namin matagpuan si Xiah. Bukas na magaganap ang elimination, at kung hindi pa rin namin siya mahanap, tiyak wala ng pag asa.

"May balita na ba?" Umupo ako sa tabi ni Equel at umiling. "Pinahanap ko na rin kay Blair, maaasahan naman iyon sa pag hahanap. Pero sadyang mailap  si Xiah" Uminon siya ng juice

"Anong gagawin natin ngayon?" Keda

"Mag isip ng pangalawang plano" Ethan

"At ano naman iyon?" Takang tanong ko

"Sasanib tayo kay Mask"

"Ano!?" Napa ayos kami nang upo "Gagana kaya 'Yan!?" Equel

"We don't have a choice kundi ang sumugal! Kung gusto natin maka labas dito gagawin natin iyon!Bukod kay Xiah , Si Mask lang ang may kakayahan na lumaban sa Management"

He's right.

Kung tutuusin, mas mapag kakatiwalaan si Mask kaysa kay Xiah. Si mask, masyadong over protective pag dating sa nasasakupan niya. Sa Ora's nang labanan, hindi niya ipinapadala ang tao niya sa panganib,bagkus, siya ang pumupunta doon para protektahan sila..

Nakakainis man isipin pero, hindi ko maipag kakaila, si Mask ay isang mahusay at maalagang Pinuno, na bagay na ginagaya ko.

" Kung hindi natin susubukan ang bagay na iyon, ay malabong manalo tayo." Dwayne

"Ha-hahanapin na muna namin si Xiah Lord" Mitz

"I'll go" Frost

"Sasamahan ko na rin Lord" Sapphire
Tinanguan ko nalang sila.

"Sama na ako sa kanila Ethan, baka sakaling pag nag sama sama kami ay makita namin siya"Averie

"Teka, join ako..."Dwayne

"That's good Idea" Ethan.

Umalis nanga sila, kaya ang ending kaming apat nalang

"Bukas na ang digmaan. at balita ko marami na ang nawawala at na mamatay. Nag uumpisa na sila" Keda

"Nag uumpisa na sila na takutin tayo. I'm sure, they known that Xiah is free, para mas mag tago siya ay pumapatay na ang management" Ethan

"Paano mo naman na sabi na si Mask ang pwedeng maka tulong satin?" Keda

"He's only one have the power to face the management" Ethan

"Hindi ba wala naman siyang nagawa sa management? kahit isa wala siyang napatay gaya ni Xiah. Kung sa tingin mo ay dahil napatay niya si Xiah...e buhay si Xiah?"

Oo nga...

Pero...bakit ganoon kapanatag si Eyna na hindi sila masasaktan?

"I don't know either. Kailangan lang nating gawin ang lahat para maka alis dito. Buhay tayong makaka alis" Tinapik ni Dolor sa balikat si Ethan.

Sa ngayon, dapat ang goal namin ay maka labas ng mag kakasama, at ligtas.

Naka ilang propose ng plano si Ethan, mero ang main goal ay si Xiah at Mask.

"Kailangan kong bisitahin ang Clan ko. Nag hahanda na kasi sila para sa gagamitin" Tumango sila.

Umalis nanga ako at tinahak ang daan pa punta sa Clan namin.

Medyo mapuno ang daan palabas sa pad nila Ethan, dahil  nasa gita rin ng gubat ang pad nila.

Kasalukuyan akong nag lalakad sa mapunong parte ng daan ng biglang...

"Booooo HAHAHAHAHAH" agad naman na na alerto ako at umatras saka inilabas ang patalim ko.

Nangunot ang noo ko nang tatawa tawa siyang naka tingin sakin at naka turo.

BEHIND THE MASKWhere stories live. Discover now