CHAPTER 1

50 3 1
                                    

CHAPTER 1

Napa angat ako ng tingin sa kanya. Nakita kong malapad ang ngisi ng mokong! anong akala niya sakin? na katulad ng mga babae niyang nurse na madadaan niya sa karisma niya? No way!

Tinulak ko siyang muli at umayos ng upo. Kong pwede lang akong tumayo ay kanina ko pa ginawa at pinag susuntok 'tong bwesit na 'to.

Nang matauhan ako, ay duon lang ako nakapag salita. "Hoy! ang kapal din naman talaga ng muka mo no?" Sigaw ko.

"Hey Cali baby easy, yong puso mo." Seryosong sabi niya. Huminga ako ng malalim dahil parang pakiramdam ko naninikip na ang dibdib ko. Dahan dahan akong bumalik sa pagkakahiga at inabot ang cellphone ko. Tinignan ko rin kong merong mensahe si Jc, ngunit bigo ako.

Halos isang buwan na ako dito sa hospital. Naiinip na ako. Gusto ko ng lumabas at maka langhap ng sariwang hangin. At sabik narin akong makita si Jc. Kong hindi lang ako inatake sa puso ay masaya sana kami ngayon.

"Cali, come'on inumin mo na 'to."

Inirapan ko lang siya.

"Iniisip mo nanaman 'yong boyfriend mong manloloko?"

Kaagad akong napalipat ng tingin sa kanya. Halos araw araw na niya itong sinasabi na niloloko ako ni Jc. Pero hindi ako naniniwala sa kanya. At sino naman siya para pagkatiwalaan ko? He's the most annoying doctor I've ever met.

"Bakit ba pinagpipilitan 'mong niloloko ako ni Jc? hindi siya ganon okay?"

"Alam kong hindi ka maniniwala kasi hindi ikaw mismo ang nakakita. It's your choice kong maniniwala ka sakin or hindi."

"Talagang hindi ako maniniwala sayo!"

"Okay then."

Pagkatapos ng walang kwentang usapan namin ay lumabas na siya ng room ko. Habang ako naman ay iniisip ang mga sinabi ni Doc. Kev. Niloloko ba talaga ako ni Jc? alam ko sa sarili ko na hindi siya ganon. Kilala ko siya at hindi siya gagawa ng mga bagay na ikasisira ng relasyon namin.

Sumapit ang gabi ng hindi ko nakikita si Kev. Si nurse Cha ang nag pakain at nag painom sakin ng gamot.

"Ayan mag pahinga kana Cali." Nakangiting sabi niya.

Kaylangan kong malaman kong bakit hindi si Kev ang umaasikaso sakin ngayon. Kasi hindi ako sanay na walang Doc. Kev ang nanggugulo sakin oras oras.

"Nurse Cha, si Doc. Kev? bakit hindi siya ang umaasikaso sakin ngayon?"

"Nako Cali, maagang umalis si Doc. eh, May pumunta kasi dito kaninang babae, niyaya 'ata si Doc kumain sa labas. Alam mo naman si Doc." Nangingiting sabi niya habang inaayos ang mga dextrose.

Napaka babaero talaga ng lalaking yon! masyadong friendly! sarap bigwasan!

"Miss mo agad?" Umiling ako.

"Yak! nurse Cha! bakit ko naman ma mimiss yon? eh mas gusto ko nga'ng hindi siya nakikita dahil na bubwesit ako sa taong yon. Tsaka wala akong pakialam kong may dine-date siyang iba. As in wala talaga!"

"Oh? bakit ang OA mo?" Tumayo ito ng tuwid. "Oh siya, alam ko namang crush mo si Doc. Alis na ako ah, mag pahinga kana." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako at lumabas ng kwarto.

Yes, bakit ang OA ko? at nakuha ko pa talagang mag paliwanag huh? Oh my god!

Ginulo ko ang buhok ko at pipikit na sana para matulog ng biglang bumukas ang pintuan. Bigla ay parang lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat lahat sa ulo ko! Ang gagong 'to! nakuha pa talagang ngumisi! nakakainis!

"Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong tanong.

"Kumain kana ba? yong mga gamot mo ininom mo ba lahat? sinong nag asikaso sayo? Tsaka bakit hin-"

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now