CHAPTER 13
HINDI NA AKO MAKAPAG HINTAY na makauwi. Sobrang miss na miss ko na si Kev. Simula 'nong dalhin ako nila mommy and daddy sa US para magpa gamot, halos wala ng langaw ang lumilipad sa 'tyan ko.
Ngayon ay halos hindi ako mapakali habang bumabyahe kami pa uwi sa bahay namin ni Kev. Parang tinutusok tusok ang pwet ko sa excitement.
'Nong araw na dalhin ako nila mom and dad sa US ay sobra ang pag iyak ko. Dahil ayokong iwan si Kev, pero inisip ko na kapag hindi ako umalis ay mamamatay ako, paano nalang si Kev?
Inisip ko na nga na baka hindi na ako mabuhay eh. Dahil sabi ni Doc. Rio, sobrang hina na daw ng puso ko at halos hindi na ito tumitibok.
Pero naisip ko si Kev. Kaylangan kong mag pa gamot at mag pa galing para magkasama na kami ulit. Pagkadating namin sa US ay diretso akong inoperahan. Hindi naging problema samin ang Heart Donor dahil naka ready na ito bago pa kami dumating.
Nagpapa salamat ako dahil naka survive ako. At duon nilakasan ko ang loob ko. Ginawa ko lahat, sinunod ko ang mga sinasabi ng doctor na dati ay hindi ko ginagawa ng si Kev pa ang doctor ko.
Mas mabilis palang gumaling kapag sinusunod mo lahat ng sinasabi ng doctor. At ayon nga, pinilit ko sina mom and dad na dito nalang sa pilipinas mag pa galing.
Tutal may mag aalaga naman sakin eh, ang Possessive Doctor ko..
Aaaaay! ayan nanaman ang mga langaw bhie! nag sasayaw sila sa 'tyan ko ng 'Ako kinikilig! pag ikaw lumalapit ako'y nanginginig..'
Hindi nag tagal ay nakarating na kami sa bahay ni Kev. Inalalayan ako ni mom na bumaba ng kotse.
"Be careful Callista.." Mahinang tugon ni mommy.
Inalalayan niya ako hanggang sa maka pasok kami sa loob. May naisip ako para kay kev. Susurpresahin ko siya. Tutal gabi naman na siya umuuwi.
Nang maka upo ako sa sofa ay tinawagan ko ang mga kaibigan kong si Shy at Earn. Mag pa patulong ako sa kanila sa pag aayos para sa surprise ko kay Kev.
Matapos naming mag usap ay sinabi nilang, sila na raw ang bahala sa lahat at mag pahinga nalang daw ako. Hindi na ako nag matigas at sinunod ko nalang ang sinabi nila.
HINDI nag tagal ay dumating rin sila. May bitbit silang mga balloon's at lights. May bitbit rin silang mga pagkain galing sa Café ni Earn.
"Tara, bilisan na natin. Pauwi na raw sila." Sabi ni Shy.
Bigla ay nag taka ako. Paano niya nalaman? Hmm.. I smell something fishy.
Ngumisi ako ng nakaka loko. "Hoy Shy! pano mo nalaman na pauwi na sila?"
"Kay Eiko." Diretso niyang sabi. Pero mukang nagulat rin siya sa sinabi niya kaya natakpan niya ang bibig niya.
Pinaglapat ko ang dalawa kong palad. "Sinasabi ko na nga ba eh!"
"Mali ang iniisip niyo."
"Nako Shy, nakikita kita minsan sa oras ng trabaho nag se'cellphone." Si earn na busy sa pag kabit ng mga lights sa Table.
"Shy, wala bang mga langaw na lumilipad sa 'tyan mo?" Umiling siya. "Eh yong parang tinutusok ang pwet mo?"
"Anong tanong yan? Anong langaw? akala ko ba butterfly yan?"
"No! Langaw yon! Old na yang butterfly."
Ngumisi lang siya at kaagad akong tinalikuran. Matapos ang pag aayos nila ay saktong bumukas ang pinto ng bahay. Kaya napa tayo ako.
Andito na siya! nanginginig ang pwet ko sa Kaba!
Ng umilaw na ay nag simula na akong maglakad papalapit sa kaniya. Kitang kita ko ang pag ka gulat sa muka niya. Yong parang hindi makapaniwala na may diyosang may sakit sa puso na naglalakad sa harap niya? Haha ganon!
YOU ARE READING
Doctor Possessive (COMPLETED)
Roman d'amourSi Callista Yvonne Ladesma ay isang pasyenteng may sakit sa puso. Super hate niya ang hospital at higit sa lahat ang Doctor niyang si Kev Jerson Madrigal. Hindi alam ni Cali na habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya kay Kev. Ano kaya ang mangya...