CHAPTER 3

25 2 0
                                    

CHAPTER 3

ILANG ARAW na ang nakalipas pero parang sariwa pa sakin ang lahat. Kagaya ng sinabi ni Kev ay hindi ko inaalis ang bracelet sa kamay ko hangga't 'di niya sinasabi.

Papunta akong hospital ngayon kong saan nag tatrabaho si Kev. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko habang papasok sa loob. Palinga linga ako habang naglalakad ng mahagip ng mata ko si Nurse Cha.

"Nurse Cha!" Tawag ko. Nilingon niya ako at tumakbo papalapit sakin.

"Cali! buti napadalaw ka." Mahigpit niya akong niyakap. Halata ang excitement 'nito sa muka.

"Oo eh, na miss kita. Pati yong mga nag aalaga sakin dati."

"Wow, ang sweet. Para sakin ba yan?" Nginuso niya ang dala kong lunch box. Hindi ko kayang sabihin sa kanya kong para kanino talaga 'to at baka mag tanong pa siya.

"Nako! sabihin mo nalang na para 'yan kay Doc. Kev." Dahil alam na niya ay dahan dahan akong tumango. "Ikaw ah! may dapat ba akong malaman?"

Umiling ako. Ito na ngaba ang sinasabi ko eh "Nako wala ano kaba."

"Asus.."

"'Nasan siya?" Tanong ko.

"Oh diba? Duon sa opisina niya puntahan mo nalang."

Nag umpisa na akong mag lakad. Kumaway ako. "Salamat Nurse Cha!"

"Oo na. Mag tatampo na talaga ako sayo cali!" Pahabol niya.

"Babawi ako!" Sigaw ko.

Tumakbo ako mula 'rito hanggang sa opisina ni Kev. Nasa first floor lang naman ang opisina nilang mga doctor kaya hindi na kaylangang umakyat sa taas.

Nang makarating ako ay dahan dahan kong pinihit ang door knob. Tumumbad sakin ang pagod na muka ni Kev. Abala ito sa pag chicheck ng mga papel. Hindi ko alam kong ano 'yon at wala akong alam. Dahan dahan akong humakbang papalapit sa table niya ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.

Inilipat ko ang lunch box sa mismong harapan niya kaya napaangat siya ng tingin.

Nakita kong nabitawan niya ang mga papel na hawak niya at hinawakan ang kamay ko. Tila namula ng parang kamatis ang muka ko ng halikan niya ang likod ng palad ko.

"You're here, i was waiting for you." His voice was husky, sarap sa ears.

"Kumain kana ba? dinalhan kita ng lunch mo." Pinakita ko sa kanya ang laman ng lunch box. "Ako ang nag luto niyan kaya dapat ubusin mo."

"Wow, I'm starving. Can I eat you now?"

Nagitla ako sa narinig ko. Na maywang ako at sinamaan siya ng tingin.

"What did you say?"

Tumayo siya at lumapit sakin. "I mean, can i eat this now?" Tumango ako.

Siguro yong pandinig ko lang ang may diperensya kasi seryoso naman siya.

Gusto niyang sabayan ko siyang kumain kaya wala akong nagawa, kahit na busog pa ako ay kumain ako ulit. Masaya kami habang kumakain marami siyang kinuwento tungkol sa nakaka hassle niyang trabaho. Habang nag bibiruan kami ay biglang tumunog ang telepono ng opisina niya. Kaagad niya itong sinagot.

'Hello, this is Doc. Kev Madrigal Speaking.'

'What?!'

'Okay...'

Lumapit siya sakin at niyakap ako mula sa likuran. "I'm sorry, i can't take you home. May emergency."

Humarap ako sa kanya at tumango. "It's okay, uuwi nalang ako."

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now