CHAPTER 4

23 2 0
                                    

CHAPTER 4

MATAPOS ANG sagutan namin ni Kev 'nong isang araw ay hindi ko na siya nakita. Siguro ay nagalit talaga siya sakin dahil sa mga sinabi ko.

Maayos na rin ang lagay ni Eiko, nakakatayo na siya pero yong mga pasa niya ay nandon parin.

Nasa Blue sky Café ako ngayon para bumili ng kape. Naisipan kong puntahan si Kev sa hospital para humingi ng tawad dahil sa mga nasabi ko. Hanggang ngayon ay nako konsensiya parin ako.

"Cali, 'eto na ang kape mo." Inabot niya sakin ang kape, kaagad ko naman itong tinanggap.

Akmang babalik na sa loob si Shy ng tawagin ko siya. "Shy!"

"Oh bakit?"

"Meron ba kayong Pentel pen?"

Inabot niya sakin ang pen kaagad ko naman itong tinanggap.

Naisip kong sulatan ng 'I'm sorry Doc. Kev, forgive me please! i miss you. Go out with me ^_^' Diba ang sweet ko talaga?

Ibinalik kona kay shy ang pen at kaagad na lumabas ng café. Sumakay ako ng taxi papunta sa hospital.

Nang makarating ako ay kaagad akong pumasok sa loob. Nginitian ko lang ang mga nurses na nakasalubong ko. Wala na akong oras makipag chikahan sa kanila.

Kaagad akong nag tungo sa opisina ni Kev. Nagulat ako ng makitang bukas ito. Eh hindi naman hinahayaan ni Kev na bukas ang pinto.

Akmang papasok na ako sa loob ng may marinig akong tawanan galing sa loob. Boses ni Kev 'yon at ang isa naman, boses babae.

Parang may kumurot sa puso ko. Okay, hindi muna ako mag iisip ng kung ano ano at baka mag kamali nanaman ako. Pero hindi ako natuloy sa pag pasok ng bigla kon narinig na nag salita ang babae.

"So ano? Tuloy ba tayo mamaya?" Maarteng sabi nong babae.

"Yes.." sagot naman ni Kev.

"Okay then, ako na ang pipili ng hotel."

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. A-anong hotel? Anong gagawin nila don?

Nakalimutan kong wala nga palang kami. Napaka tanga mo naman Callista! At wala akong karapatang magalit o mag selos dahil walang kami.

Umiinit na ang sulok ng mga mata ko. Bago pa bumagsak 'to ay kaylangan ko ng umalis. Pero parang hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Nanginginig rin ang mga tuhod at kamay ko.

Nang umatras ako ay hindi ko sinasadyang mahulog ang bitbit kong kape. Napansin ko rin na natahimik sa loob. Kaya bago pa nila ako makita ay tumakbo na ako paalis 'don.

Pumara ako ng taxi at nag pahatid sa isang bar na pag aari rin ng kaibigan ko. Habang nasa taxi ako ay hindi na tumigil sa pag tulo ang mga luha ko.

Gusto kong isaksak sa kokote ko na walang kami! wala! Wala! Wala!

Ilang segundo ng pag iyak ko ay naramdaman kong naninikip na ang dibdib ko. Huminga ako ng malalim at pinigil na hindi maiyak.

Nang makarating ako sa Lila's Bar ay kaagad akong pumasok 'don. Gumagabi na kaya dumarami na ang mga tao.

Nakipag siksikan ako sa mga taong sumasayaw. Mas lalong sumikip ang dibdib ko dahil nahihirapan akong huminga. Nagpunta ako sa counter upang umorder ng drinks. Nang maramdaman kong may tumabi sakin ng upo ay nilingon ko ito.

"Hi miss, you alone?" Naaamoy ko ang alak mula dito. Namumula narin ang mga mata nito' halatang kanina pa nag lalasing. Inirapan ko siya at tinanggap ang order kong Martini.

Naramdaman ko ang mga kamay ng lalaki na naglalakbay sa likod ko kaya tinaboy ko ito.

"What the hell! Don't touch me!"

"I know you like it. Lets go upstairs may room 'don and let's fuck each other hard." Ngumisi pa ito.

Hindi ko napigilang sampalin ang lalaki. "Bastos!" Aalis na sana ako ng higitin niya ang braso ko.

"Wag ka nang pakipot." Niyakap na niya ako mula sa likuran. Pilit akong kumakawala sa kanya ngunit malakas siya.

"Sinabing bitawa-" Nanatili ako ng bigla tumilapon ang lalaki. Napatingin ako kay kev na nag aapoy sa galit. Akmang susuntukin niyang muli ang lalaki ng pigilan siya ng mga bouncer.

Nanatili akong tulala. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Bigla ay hinigit ako ni Kev palabas sa lugar na 'yon. Rinig na rinig ko ang bawat mura niya.

"Damn! Damn it!" Ginulo niya pa ang buhok niya. Bakit ganon? Ang gwapo parin.

Galit siyang humarap sakin.

"The hell cali! ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Tangina! Get in!" Sigaw niya.

PINARADA NIYA ang sasakyan niya sa harap ng bahay namin. Hindi pa ako bumaba, at wala akong balak na bumaba.

Gusto ko malaman mismo sa kanya kong ano niya ba ako. Kong ano ako sa kanya. Dahil sa totoo lang ay gulong gulo na ako sa kakaisip kong may papel ngaba ako sa buhay niya.

Narinig kong tumikhim siya.

"Anong ginagawa mo sa punyetang lugar na 'yon Callista?" Galit niyang tanong. Hindi ko siya nilingon at yumuko lang.

"Callista I'm asking you!"

Nilakasan ko ang loob kong mag angat ng tingin. Kita ko sa muka niya ang sobrang pagka dismaya.

"Ano ba dapat ang ginagawa sa Bar Doc. Kev?"

Gusto kong maging malambot sa kanya pero nangibabaw sakin ang sama ng loob yong narinig ko kanina.

"Stop being sarcasm cali." Bumuntong hininga siya. "I'm asking you again cali. Anong ginagawa mo 'don? bawal sayo yong mga lugar na kagaya 'non cali!" Galit na sabi niya.

Umiinit nanaman ang sulok ng mata ko. "Pwede ba Kev! tigilan mo na ako!" Duon ay napahikbi na ako, sumasabay narin ang paninikip ng dibdib ko. "Itigil mo na 'to please lang! dahil gulong gulo na ako kong ano ba ako sayo! kong mag selos ka parang girlfriend mo ako, tapos nagpapahiwatig ka ng mga bagay na ikagugulo ng isip at puso ko!"

Sobrang sikip na ng dibdib ko. Nahihirapan narin akong huminga. A-ayoko ng g-ganito.

"Ang tanga tanga ko! masyado akong assuming para isipin na may gusto ka sakin Kev! hinihintay kong sabihin mo sakin na gusto mo ako! na mahal mo ako! p-pero, w-wala......." Tumigil ako sa paghikbi at hinaplos ang dibdib kong nasaan ang puso ko. "G-gusto k-ko na m-malaman m-mo na g-gusto k-kita K-kev......g-gus-"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magdilim ang paningin ko.

Kong magigising man ako na nasa ganoong sitwasyon parin, sana hindi na mangyari 'yon. Mas gugustuhin kong mag pahinga nalang.

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now