CHAPTER 15

13 1 0
                                    

CHAPTER 15

KINABUKASAN AY SABAY kaming nag agahan sa isang restaurant na malapit sa hotel na tinutuluyan namin.

Habang kumakain ay napansin kong maraming magagandang babaeng' foreigners ang nakatingin kay kev.

Gusto kong tusukin ng barbeque stick ang mga mata nila dahil sa sobrang lagkit ng kong makatitig!

"Baby, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo." Rinig kong sabi ni Kev.

Ngunit ang paningin ko ay nasa babaeng Koreana. Halos mawala na ang mga mata niya dahil sa kakatawa habang nakatitig sa boyfriend ko.

Sa dami-dami ng mga babaeng nakatingin kay kev ay siya ang naka agaw ng atensyon ko. Parang baliwala lang ako dito.

"Hey baby.." Hinawakan niya ang kamay ko.

Padabog akong tumayo at hinila ko siya palabas ng Restaurant. Hindi ko kayang makita ng matagal ang pag mumuka ng koreana'ng 'yon!

"What happened to you?" Kaagad na tanong niya ng makalabas kami. "Kumakain tayo diba?"

Hindi ko siya pinansin at nag patuloy sa pag lalakad. Hindi ko alam kong saan ang punta ko. Basta kong saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Nang mapansin kong hindi na nakasunod si kev ay lumingon ako. At ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita kong tinutulungan niyang tumayo ang babaeng Koreana. Yong kinaiinisan ko 'don sa loob ng Restaurant!

Kitang kita ko kong paano maka tingin ang babae kay kev. Hinihimas himas din nito ang braso ng boyfriend ko.

Ang kapal naman talaga ng muka!

Kaagad akong lumapit sa kanila. "Kev! ano ba tara na!" Nilahad ko ang kamay ko para sana tulungan siyang tumayo. Ngunit binaliwala lang niya 'yon.

"M-masakit..." Maarteng sabi ng babae. Anong nangyari dito?

"Baby, na injured siya." Sabi sakin ni Kev.

"Injured lang yan babe, makakalakad pa naman 'yan." Galit na sabi ko.

"Pwedeng maghintay ka muna dito? dadalhin ko lang siya sa pinaka malapit na clinic." Pag kasabi niya ay kaagad niyang binuhat ang babae na parang prinsesa.

Hindi na ako naka sagot dahil nakalayo na sila. Nakita ko rin kong paano ngumiti ang babae. Bigla ay parang kinurot ang puso ko. Alam kong trabaho niyang tumulong sa mga nangangailangan dahil doctor siya. Pero bakasyon namin 'to, dapat kami lang dalawa, walang trabaho. Ako at siya lang dapat! Pero ano to?

Hindi ko alam pero may nakaramdam ako ng pag tatampo kay kev.

Nag patuloy nalang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mga bilihan ng souvenir's. May nakita akong kulay pink na super cute na teddy bear. Gusto ko sanang bilhin ngunit wala naman akong dalang pera.

Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng mga paa ko hanggang sa huminto ako sa harap ng photo booth. Gusto ko rin sanang mag pa picture diyan na kasama si Kev. Pero wala naman siya dito. Ewan ko kong busy siya sa trabaho niya o sa babae.

Akmang tatalikod na ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Cali!" Boses lalaki 'yon. Kaya kaagad kong nilibot ang paningin ko ng mahagip ng tingin ko ang malungkot na muka ni...

Jc!

Napalunok ako ng makita kong nag simula na siyang mag lakad papalapit sakin. Gusto kong umatras at tumakbo dahil baka biglang bumalik si Kev. Pero huli na ang lahat. Nasa harap ko na siya.

"Cali...."

Napalunok akong muli. "J-jc....a-anong ginagawa mo dito?"

"Vacation? don't worry, I'm alone."

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now