CHAPTER 12 (SPECIAL CONTENT: Kev's Side)

17 2 0
                                    

CHAPTER 12

NANG MAKALABAS AKO NG hospital ay kaagad akong pumasok sa kotse. Huminga muna ako ng malalim at kinuha sa bulsa ko ang bracelet ni Cali.

Mariin ko itong tinitigan. Parang nakikita ko ang muka ni Cali sa bracelet. Iyong kumikinang kapag tumatawa. Tumulo ang ilang butil ng luha ko. God! I miss her!

Hinalikan ko ang bracelet bago ibalik sa bulsa ko. "Wait for me baby, sasamahan kitang lumaban.. sabay tayong lalaban.."

Pina andar ko na ang sasakyan at pinaharurot 'yon papunta sa bahay.

NANG makarating ako ay kaagad akong bumaba. Nangunot ang nuo ko ng makita ko si Angel na nag aabang sa labas ng bahay. Mukang kanina pa siya diyan dahil nilalamok na siya. Madilim narin kasi.

Kaagad ko siyang nilapitan. "Angel, what are you doing here?"

Parang kagagaling lang nito sa kakayakap dahil kahit madilim ay nakikita ko ang pamumula ng mga mata niya.

"Are you okay?"

"K-kev..sinaktan ako ni Eiko." Humihikbing sabi niya at kaagad akong niyakap.

Marami na akong problema tapos dumagdag pa ang isang 'to. Kumalas ako sa pag kakayakap niya. "Umuwi kana Angel. Marami pa akong dapat gawin." Akmang lalagpasan ko na siya ng pigilan niya ako sa braso.

"Wala akong matirhan.."

I rolled my eyes. "Umuwi ka sa bahay ng mga magulang mo Angel, dahil hindi kita maaasikaso dito. Aalis ako." Naiirita kong sabi.

Tumigil ito sa pag iyak. "Pwedeng dito nalang ako tumuloy? At tsaka saan ka pupunta?"

Bumuntong hininga ako. "Pumasok kana.." wala akong magawa dahil babae parin siya. Nauna akong pumasok sa loob at ramdam kong naka sunod siya sa likod ko.

"Kev, saan ka pupunta?"

Hindi ko siya pinansin. Diretso ang akyat ko hanggang sa makarating ako sa kwarto namin ni Cali.

"Kev! Ano ba tinatanong kita!" Galit niyang sabi.

Hinarap ko siya dahil naririndi na ako sa kaniya. "Bakit ka nandito? 'don ka sa guest room. At magagalit si Cali kapag nalaman niyang umapak ka dito."

Ngumisi siya pero galit. "Kev, wala na si Cali. Patay na siya!"

Tumalim ang titig ko sa kaniya. Para hindi ko siya mapag buhatan ng kamay ay tumalikod nalang ako.

"Ano kev? Simula ngayon kakalimutan mo na siya. Dahil hindi na siya babalik! sinabi lang nila na dinala si Cali sa US para hindi ka mag alala!" Sigaw niya.

At duon na ako napa lingon. Hindi ko napigilang hablutin ang braso niya tsaka kinaladlad siya palabas ng kwarto.

"Marami akong problema Angel, pwede ba? Wag mo ng dagdagan." Pagkatapos ay bagsak kong sinara ang pinto.

Anong sinasabi niya? No, ramdam ko na buhay si Cali. Sinasabi 'yon ng puso ko.

Hindi na ako nag aksaya ng oras at nag simula na akong mag impake. Bukas na bukas ay aalis ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kapatid kong si Kihr. Isa rin itong doctor.

(Hello, my dear broth-)

"Ipa book mo ako ng ticket papuntang US. Bukas ng umaga. Bye."

(Bro! woah easy. Bakit? Anong gagawin mo sa US?)

"Just do what i I said! Tumatakbo ang oras!" Pag katapos ay pinutol ko na ang linya.

Habang patuloy na nag eempake ng may biglang kumatok. Tumayo ako at kaagad na binuksan. Tumumbad saakin si Angel na may dalang Tray ng pagkain. Kakatapos lang din nito maligo.

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now