CHAPTER 8

18 2 0
                                    

CHAPTER 8

MATAPOS KAMING MAG hapunan ay nag pasya ng umuwi ang mga magulang ni Kev. Sobrang saya ko dahil marami akong nalaman kay kev dahil sa ina niya.

Ang buong akala ko ay mataray ang ina niya pero sobrang daldal pala 'nito at masayahin.

Inaayos ko ngayon ang kama namin bago nahiga. Hay, ang gaan ng pakiramdam ko. Maya maya ay naramdaman ko na may yumakap 'sakin. Of course it was kev, may ibang tao paba dito bukod samin?

"How are you?" Malumanay ang boses niya. Halata na pagod siya at parang gusto ng matulog.

"Ayos lang naman." Tinitigan ko siya na ngayon ay naka pikit. "Wait, Kev. Kanina y-yong text mo a-ano yon?"

Napamulat siya ng mata at matalim na tinititigan ako. Sabay kaming napa bangon ng higa. "K-kev.."

"It's nothing, I'm just teasing you." Ngumisi ito. "Bakit? Lumabas kaba ng bahay kanina?" Tumalim muli ang titig niya.

Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Baka pag sabihin ko tatadtadin nanaman niya ako ng tanong. Tapos mag seselos nanaman siya. Tapos magagalit siya sakin. Tapos mag aaway kami. Tapos hindi niya ako papansinin!

Kilala ko na siya! Lintek!

"Baby....?"

Umiling ako. "N-no, hindi ako lumabas.."

Bumuntong hininga siya saka ngumiti. "Tulog na tayo.."

Tumango ako at sabay na kaming nahiga. Niyakap niya ako ng sobrang higpit, ganon din ako.

"Ang haba talaga ng hair mo!" Kinikilig na sabi ni Shy. Nandito ako ngayon sa Blue Sky Café. Kinuwento ko sa kanya ang ganap samin ni Kev simula 'nong mag kakilala kami sa hospital. Sa tuwing mag Ku kwento ako ay tili siya ng tili! may manok 'ata sa lalamunan nito eh.

Ilang bwan na ang nakalipas simula 'nong lumipat ako sa bahay ni Kev. Okay naman kami minsan nag tatampuhan dahil sa oras, pero mabilis din naman kaming mag kaayos. Pero madalas ay nag aasaran.

"Gusto ko 'ring mag ka boyfriend ng doctor cali! Gusto ko 'yong kagaya sa love story mo! nakaka kilig grabe! parang na tatae ako sa kilig!"

Tumawa ako, baliw talaga. "Gusto mo katulad sa love story ko?" Tumango siya. "Mag pa sagasa ka 'don sa labas tapos dadalhin kita sa hospital. Then ikaw na bahala kong pano mo aakitin 'yong magiging doctor mo."

Tumaas ang dalawa niyang kamay. "No way! baka mamatay pa ako ng dahil diyan!"

Sabay kaming tumawa. "Cali...."

"Oh?"

"Na tatae ako wait lang." Mabilis siyang tumakbo papasok sa loob. Kahit kaylan talaga Haha.

Tinignan ko ang cellphone ko 'kong may mensahe ba si Kev, pero bigo ako. Akmang tatayo na ako ng may tumawag sa pangalan ko.

"Cali...."

Pamilyar 'sakin ang boses na 'yon. Na curious ako kaya inilibot ko ang paningin ko sa loob ng café. At nahagip ng tingin ko si Eiko na naka taas ang kamay.

Bakit parang lagi kaming nag kikita dito? Mukang hindi na 'to coincidence ah.

Lalabas na sana ako ng café ng bigla niyang higitin ang braso ko. "Cali wait.."

Nag angat ako ng tingin. "Eiko, may kaylangan ka?"

"Grabe ka naman." He chuckled. "Gusto lang sana kitang yayaing kumain ng lunch."

Kaylangan kong tumanggi dahil kaylangan ko pang pumunta ng hospital. Ang sabi kasi ni Kev sakin kanina bago siya umalis ng bahay ay sabay daw kaming mag lu-lunch. Syempre kaylangan kong piliin ang mahal ko.

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now