CHAPTER 5
TARANTANG TARANTA ako habang buhat buhat si Cali papasok sa ER. Hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
"Ako na ang bahala sa kanya Kev." Hinawakan ako ni Rio sa balikat. "Sa labas ka nalang muna." Wala akong nagawa kundi lumabas at mag hintay sa labas ng ER.
Tinawagan ko na rin ang mga magulang ni Cali ng mawalan siya ng malay kanina. Hindi ako mapakali, palakad lakad ako sa labas ng ER. gusto ko man na tumulong 'don ay hindi pwede. Gusto ko ako ang gagamot sa kanya. Gusto ko ako lang! Damn!
Kong hindi lang sana ako kinakabahan ngayon, ay ako dapat ang gumagamot sa kaniya. Arhhhhhh!
Kasalanan ko 'to. Kong nakita ko lang sana siya kanina at nasundan, sana hindi umabot sa ganito.
•FLASH BACK•
Kausap ko si Samantha ngayon. Nagpapa tulong siya sakin kong saang hotel maganda ilagay ang reception ng kasal niya. Hindi ko kayang hindian si Samantha dahil malaki ang naitulong niya sakin habang nag aaral palang ako ng doctor.
Hinayaan kong naka bukas ang pinto ng opisina ko para hindi mag isip ng masama si cali sakin. Oo nagalit ako sa kanya kasi binintang niya sakin ang nangyari kay Eiko. Ayokong lumaki pa ang gulong ito. Ngunit nagkamali ako. Matapos ang usapan namin ni Samantha ay may narinig kaming parang may bumagsak mula sa labas kaya agad akong nag tungo sa labas.
Walang tao. Nang naramdaman kong parang basa ang inaapakan ko ay ngayon ko lang nakita ang kapeng natapon. Pinulot ko ang Cup dahil parang may nakasulat 'don.
'I'm sorry Doc. Kev, forgive me please! i miss you. Go out with me ^_^'
Parang may kumurot sa puso ko ng mga oras na 'yon. Hindi na ako nakapag paalam kay Samantha dahil kumaripas na ako ng takbo palabas ng hospital. Inilibot ko ang paningin ko pero hindi ko na siya nakita.
Sumakay ako sa kotse ko. Pinuntahan ko lahat ng mga pwede niyang puntahan. Hanggang sa may nakapag sabi 'saking nurse na nakita 'daw nila si Cali sa Lila's Bar.
Agad agad akong nag maneho papunta duon. Baka anong mangyari sa kanya! bawal siya sa lugar na 'yon!
"Damn!" Paulit ulit kong mura hanggang sa makarating ako sa Lila's Bar. Kaagad akong pumasok at inilobot ang paningin. Naglakad lakad ako hanggang sa makita ko si Cali na pilit kumakawala sa yakap ng isang lalaki.
"Sinasabi ko na ngaba." Biglang kumuyom ang kamao ko. Hindi ko na kaya! walang pwedeng gumawa sa kaniya ng ganyan! malalaki ang hakbang ko palapit sa kanila.
Nang makalapit ako ay kaagad kong sinuntok ang gagong lalaking 'to, ang kapal ng muka niyang hawakan ng ganyan si Cali!
"Damn!" Hinigit ko palabas ng bar si Cali.
Galit na galit ako! Kumukulo ang dugo ko sa galit! Galit ako sa lalaking 'yon! Galit ako kay cali! At mas lalong galit ako sa sarili ko!
Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Nasasaktan ako dahil hindi ko kayang may ibang lumalapit kay cali!
Nang aminin sakin ni Cali ang nararamdaman niya ay gustong gusto kong sumagot na 'Gusto rin kita Cali, No. I love you' pero huli na ang lahat dahil bago ko pa sabihin 'yon ay nawalan na siya ng malay.
Yes, I like her since day one. Kahit sinusungitan niya ako lagi. Habang tumatagal ay hindi ko namalayan na mahal ko na pala siya. Kaya 'nong malaman kong niloloko siya ng boyfriend niya ay gumawa ako ng paraan.
'Nung makita ko kong pano humagulgol si Cali sa harap ko, hindi ko kayang makita siya ng ganon, dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan ang taong mahal ko.
Inaamin ko na nagalit ako kay Cali ng sabihin niyang ako ang may gawa ng nangyari kay Eiko. Hindi ko matanggap na mas kakampihan niya si Eiko kesa sakin. Hindi ko kayang gawin 'yon. Dahil iniisip ko kong ano ang magiging tingin sakin ni Cali kapag ginawa ko 'yon.
Sobrang sama ng loob ko. Pero ngayon ko lang nalaman na kapag mahal mo, hindi mo kayang magalit sa kanya. Yes, ganon ako. Hindi ko kayang magalit kay cali dahil....
Mahal ko siya... Mahal na mahal...
•END OF FLASHBACK•
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakahintay dito sa labas. Eksaktong pag gising ko ay lumabas ng ER si Rio, kaya agad ko siyang nilapitan.
"Rio, k-kamusta na siya? ayos lang ba siya? Y-yong puso niya Rio?"
Nakita kong ngumisi siya. "Easy dude. Maayos na ang lagay niya. Kaya nawalan siya ng malay dahil nakulangan siya sa hangin. Doctor ka kaya alam mong bawal siyang pumunta sa mga masisikip na lugar." Hinawakan niya ang balikat ko. "Alagaan mo siya. Pati ang puso niya. Kasi nag iisa lang ang puso 'natin, at pag nawala 'yong sa kanya mahirap 'yon hanapin." Yon lang at tinalikuran na niya ako.
Napayuko ako. Ngayon lang nag sink in sa utak ko ang mga sinabi ni Rio.
"Doc. Kev!" Rinig kong tawag sakin ng kong sino. Nilingon ko ito at nakita ko Sina Mr. And Mrs. Ladesma. Ang mommy at daddy ni Cali.
"How is she?" Kaagad na tanong ni Mr. Ladesma.
Tumango ako. "She's fine Mr. Ladesma."
"Thanks god.. pwede ba namin siyang makita?" Ang mommy niya.
Tumango ako. Kaagad nila akong tinalikuran. Papasok na rin sana ako pero kaagad akong ginapangan ng kaba. Nasa isip ko parin ang mga sinabi ni Cali.
'Ang tanga tanga ko! masyado akong assuming para isipin na may gusto ka sakin Kev! hinihintay kong sabihin mo sakin na gusto mo ako! na mahal mo ako! p-pero, w-wala'
Bigla ay na konsensiya ako. Kong sinabi ko lang sana ng mas maaga, edi sana hindi umabot sa ganito ang lahat.
'Wag kang mag alala Cali. Pag gising na pag gising mo, sasabihin ko na sa 'yo kong ano ang tunay kong nararamdaman..
'Mahal na mahal kita Callista..'
Hindi na ako ng isip pa at pumasok na sa loob. Pagkapasok ko ay nagtama kaagad ang aming paningin. Kitang kita ko kong gaano kalungkot ang mga mata niya habang nakatitig sakin.
Hindi ko kayang makita siya ng ganito. Humakbang ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
Wala akong pakialam kong nasa harap namin ang mga magulang niya. Basta ang importante ay kayakap ko ngayon ang babaeng nagpapatibok ng puso ko..
YOU ARE READING
Doctor Possessive (COMPLETED)
RomanceSi Callista Yvonne Ladesma ay isang pasyenteng may sakit sa puso. Super hate niya ang hospital at higit sa lahat ang Doctor niyang si Kev Jerson Madrigal. Hindi alam ni Cali na habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya kay Kev. Ano kaya ang mangya...