CHAPTER 17

14 1 0
                                    

CHAPTER 17

HAPON NA NG MAGISING AKO. Pero hindi parin bumabalik si Kev. Nasan naba ang gagong yon? Siguro ay busy siya sa pakikipag landian don sa koreana'ng 'yon.

Ah! Kainis!

Kaagad akong bumangon dahil naka ramdam ako ng gutom. Pag ka bukas ko ng pinto ay may tumumbad saking isang babae na may bitbit na malaking kahon.

Baka isa nanaman ito sa mga babae ni Kev! Nako nanggigigil na talaga ako sa lalake'ng yon!

"Sino ka at anong kaylangan mo?" Mataray kong tanong. Ngunit ngumiti lamang siya.

"Sawadee kha! I'm loverukk Pattranite. Kev, send me here to give you a make over. So let's go?" Nanatili akong naka nganga dahil sa sinabi niya. Dirediretso lang ang pasok nito sa loob na parang kaniya ang lugar.

Isinara ko ang pinto at sinundan siya. Nakita kong inaayos niya ang mga dala niyang make up. Nang dumapo ang paningin ko sa isang malaking kahon ay kaagad ko itong nilapitan.

"Ano to?" Tanong ko. Kulay pink ang kahon kaya para sakin magandang tingnan.

Lumapit sakin ang nag ngangalang Loverukk. "Oh! I'm sorry, I forgot." Binuksan niya ang kahon at kinuha ang isang kulay pink na dress. Hindi ko ito makita ng buo dahil naka balot pa sa plastic.

"Before you wear this, first, I'll give you a fantastic make over! So come here! Sit."

Parang nahalata ko na masiyahin siya. Ano kaya niya si kev?

Nang maka upo ako ay kaagad niyang tinali ang buhok ko. "Loverukk? Pilipina kaba?"

Nakita ko sa salamin na umiling siya. "No, I'm pure Thai."

"Pero bakit nakaka intindi ka ng Tagalog?"

"I live here for 2 years, I understand Tagalog but i don't know how to speak." Tumawa siya kaya tumawa nalang din ako.

Hindi na ako nag tanong pa dahil nakita kong naka focus siya sa pag aayos sakin.

HANGGANG sa matapos ang dalawang oras na pag aayos ay natapos din. Lumabas ako ng banyo na suot suot ang dress na dala niya.

"Oh my god! You're beautiful! Stunning! Pretty! Gorgeous!"

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Nakakatuwa siya dahil medyo kikay.

"Ayos ba?" I asked. Umikot-ikot ako. Grabe! Alam kong maganda ako, pero hindi ko alam na may igaganda pa pala ako.

"The time was running! Let's go Cali." Hinila niya ako palabas ng Room. Pakiramdam ko ay matatapilok ako kahit na hindi naman ganon ka taas ang takong ng sandals ko.

Diretso lang ang lakad namin hanggang sa maka labas kami ng hotel. Nakita ko rin ang mga kulay pink na bulaklak na nakalutang sa dagat. Naka linya ito, sobrang dami! Hindi ko mabilang.

Habang papalapit kami sa dagat ay napansin kong may mga kandila rin palang nakalutang.

"Congratulations Cali.." Niyakap ako ni Loverukk tsaka iniwang mag isa.

Ano to?

Humakbang pa ako hanggang sa maka tapak ako sa kulay pink na box. Mukang sinemento ito upang maka tawid. Sinundan ko ang mga box. Muntikan pa akong mahulog dahil gumagalaw ang mga box dahil sa malakas na alon.

Hanggang sa makarating ako sa gitna ng dagat ay duon nanlaki ang mga mata ko. Mayroon ng isang malaking cottage sa harap ko! Kanina wala pa 'to dito eh!

Nakita ko rin ang mga magulang namin ni kev, ang mga kaibigan ko na sina Shy at Earn. Si Kihr na kapatid ni Kev. Nagulat ako na nandito rin si Eiko at ang mapapangasawa niya! Pati sina nurse Cha at Doc Rio nandito rin! Yong mga nurses na nag alaga at naging kaibigan ko ng panahon na may sakit pa ako sa puso, ay nandito rin!

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now