CHAPTER 16

17 1 0
                                    

CHAPTER 16

NAGISING AKO NA PARANG HINAHALUKAY ang 'tyan ko. Mabilis akong bumangon para mag punta sa banyo para sumuka.

Walang ibang lumalabas kundi tubig lang. Masakit narin ang lalamunan ko. Nang matapos akong sumuka ay nag mumog ako. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko sa salamin si Kev na nakatayo sa pintuan at mariing naka titig sakin.

Lalagpasan ko na sana siya ng pigilan niya ako. Inabot niya sakin ang dalawang piraso ng PT na hawak niya. "Use this."

"Anong gagawin ko diyan? Hindi ako buntis." Akmang lalagpasan ko siya ulit ngunit napigilan niya akong muli.

"Sundin mo nalang ako. Doctor ako kaya alam ko kung anong nangyayari sayo. Gamitin mo 'to para maka sigurado tayo." Seryosong sabi niya.

Inirapan ko siya saka inabot ang hawak niyang PT. "Umalis ka diyan." Singhal ko.

"Why? iihian mo lang naman 'yan, tsaka nakita ko naman ya--"

"Pwede ba Kev!" Sigaw ko.

"Okay, okay.." Nang umatras siya ay kaagad kong sinarado ang pinto.

Hindi na ako nag isip pa at ginamit ko na ang PT. Tutal gusto ko rin namang maka sigurado kong buntis ngaba talaga ako.

Ilang segundo ang nakalipas ng matapos kong gamitin ang PT. Kinakabahan ako, dahan dahan kong inangat ang dalawa kong kamay, hawak ang dalawang bagay na yon.

At ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang dalawang linya sa bawat PT!

I'm pregnant?

Buntis nga ako! Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa sayang nararamdaman. Thank you lord! isa itong pinaka magandang blessing na natanggap ko. Magiging mommy na ako!

Pinunasan ko ang muka ko bago lumabas. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kev kapag nalaman niyang buntis ako? God!

Nang buksan ko ang pinto ay naroon parin siya nakasandal. Nang makita niya ako ay kaagad siyang umayos ng tayo. "What's the results?"

Bumuntong hininga ako. "3 lines.."

Nakita kong nangunot ang nuo niya sa sinabi ko. "3 lines? nag bibiro kaba?"

"Malamang oo! bakit may 3 lines ba sa pt?" Nako! nanggigigil ako ah.

Inabot ko sa kaniya ang dalawang piraso ng PT.

"I knew it!" Sigaw niya at mahigpit akong niyakap. "Buntis ka!" Sigaw niya.

"Oo! 'Wag mo 'kong sigawan!" Galit kong sabi.

Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan sa mga labi. "I'm sorry baby, I'm sorry.. na stress ka ng dahil sakin." Muli niya akong hinalikan. Buong puso ko naman itong tinugon. Hanggang sa lumalim ang halik na pinag saluhan namin.

At hindi ko namalayang naihiga na niya pala ako sa kama. "K-kev.." Sabi ko sa gitna ng halik.

"Don't worry baby, Doctor ako alam ko kong anong dapat gawin. I want you Cali, and i know you want me inside you.." Bulong niya. Tumango nalang ako at niyakap siya ng mahigpit.

Hindi ako makapaniwalang mag kaka pamilya na ako! and yes! kasama ko sa pag buo ng pamilya ang lalaking pinaka mamahal ako.

PANGALAWANG ARAW NA NAMIN ngayon dito. Matapos ng mainit na pagtatalik namin ni kev kagabi, ay niyaya niya akong mag lakad lakad hanggang sa dalawin kami ng antok.

Ngayon ay naka upo ako sa buhangin habang nag hihintay kay kev na umahon. Halos kanina pa ito naka lusong sa dagat. Ayaw na 'atang umahon eh.

Pero hindi nag tagal ay nakita ko na siyang umahon at nag lakad papalapit sa gawi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapa tingin sa magandang katawan niya.

Parang nag v'vibrate ang pwet ko dahil sa kilig. Nang maka upo siya sa tabi ko ay kaagad ko siyang binalutan ng tuwalya dahil baka mag ka sipon pa 'to.

"Ayaw mo ba talagang maligo?" Kaagad na tanong niya.

Umiling ako. "Mamaya nalang.

Sumandal siya sa mga balikat ko. Naramdaman ko na rin ang mga kamay niya sa 'tyan ko.

"I can't wait na lumabas na si baby.."

The hell? Hindi pa nga namin alam kong ilang weeks na akong buntis tapos gusto niya ng lumabas? Ang totoo adik ba talaga 'tong si kev?

"Baby? Anong gusto mong kasal?"

Bigla akong napa lingon sa kaniya. Nakatitig narin siya sakin habang nakangiti. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Siguro sa dagat?" Tumawa ako. "Para kakaiba? Kahit casual na kasal lang."

"Baby? Are you serious? Hindi naman tayo mga isda para sa dagat tayo ikasal."

Inirapan ko siya. "Eh yon yong gusto ko! bakit ba? Hindi naman ako umaasa na tutuparin mo 'yon."

Natahimik siya. Napaganda talaga ng tanawin. Sobrang nakaka relax.

"Teka kev, bakit mo pala na tanong? Pakakasalan mo na ba 'ko?" I asked. But he ignored me.

"Let's go? Kumain na muna tayo." Pagkatapos ay inalalayan niya akong tumayo.

Kaagad nawala ang mga ngiti ko ng hindi niya sinagot ang tanong ko. Seryoso ba talaga siya sakin? ano to? magkaka anak na kami pero hindi parin niya ako papakasalan?

Uminit bigla ang sulok ng mga mata ko. Bago pa niya makita 'yon ay tumayo na ako at naunang maglakad.

Habang nag lalakad kami papunta sa hotel room namin ng may biglang mag salita mula sa likod. Kaagad akong lumingon upang tignan kong sino yon. At duon na bumagsak ang mga luha ko ng makita ko si kev na nakikipag usap sa babaeng Koreana.

Yong babae kahapon!

Hindi na ako nag salita. Kaagad akong tumalikod upang mag patuloy sa pag lalakad. Inaasahan ko na hahabulin ako ni Kev, pero nakalayo lang ako ay wala manlang kev na pumigil sakin.

Sunod sunod na tumulo ang mga luha ko habang papasok sa room namin. Ni lock ko ito para hindi maka pasok si kev.

Parang bumalik nanaman ang pakiramdam na hindi siya sigurado sakin. Katulad 'nong dati. 'Nong hindi pa kami..

Nang maramdaman kong nahihilo nanaman ako ay dahan dahan akong humiga sa kama at natulog..

Ilang sandali pa tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito at nakitang may text sa isang unknown number.

'Cal, can we meet? let's talk about us..'

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now