CHAPTER 9

22 1 1
                                    

CHAPTER 9

PAGKA PASOK KO AY KAAGAD akong dumiretso sa taas. Gusto ko ng mag pahinga. Masyado ng masakit kapag inaalala ko pa.

"Cali let's talk.." kakapasok niya lang ng kwarto at halata sa itsura niya ang pagka balisa.

Walang buhay ko siyang nilingon. "Pwedeng bukas nalang Kev? pagod na pagod na 'ko." Pagkasabi ko 'non ay nahiga na agad ako. 

"Pagod?" Biglang tumaas ang boses niya kaya nilingon ko siya. "Saan ka na pagod? Bakit anong ginawa mo? Anong ginawa niyo ni Eiko?!"

Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko. Padabog akong bumangon ng kama at sinamaan siya ng tingin.

"Cali! I'm asking you! Anong ginawa niyo ni Eiko at bakit napagod ka?! may ginawa ba siya sayo?! Tell me!!" Nakita kong kumuyom ang kamao niya at dinampot ang flower vase na naka patong sa Coffee table. Napatili ako ng bigla niya itong basagin!

Kinabahan ako. Ngayon ko lang siya nakitang ganon ka galit. Bumangon ako ng kama at dahan dahan siyang nilapitan. Naka upo siya ngayon habang naka yuko sa gilid.

Inangat ko ang ulo niya at hinaplos ang pisnge niya. May namuong luha sa mga mata ko ng makita kong umiiyak siya.

B-bakit ganon? Bakit ako nasasaktan pag nakita ko siyang umiiyak? Pinunasan ko ang basa niyang pisnge.

"Cali.....m-may ginawa ba siya sayo?" 

Umiling ako. "Wala kev, wala.."

"Naniniwala kaba sa mga sinabi niya?"

Dapat ba akong maniwala? Dapat ko bang paniwalaan ang mga sinabi ni Eiko? 
Hindi na ako nag isip pa. Kaylangan kong paniwalaan si Kev. Kaylangan ko siyang pagkatiwalaan.

"Cali...."

"Hindi, hindi ako naniniwala sa kanya dahil may tiwala ako sayo." Naiiyak kong sabi.

"Mahal na mahal kita Cali. Alam kong may nakita ka sa opisina. Pero mag pa paliwanag ako cali, basta wag mo lang akong iwan.." pag mamakaawa niya.

Umiling ako tsaka niyakap siya. "Hindi, hindi kita iiwan baby. Hindi."

Nang makita ko siyang umiyak ay parang nakalimutan ko ang lahat ng nangyari sa araw na 'to. Nawala ang galit ko sa kanya at naawa ako. Ganito pala talaga kapag mahal mo.

"Mahal na mahal kita Kev.."

"Mahal na mahal din kita Cali, bente kuwatro oras."

Mahina akong natawa dahil sa sinabi niya.

TATLONG araw na ang naka lipas simula 'nong manyari. Pinaliwanag 'sakin lahat ni Kev kong bakit ganon ang naabutan ko sa hospital.

• FLASHBACK •

Bago kami natulog ay pinaliwanag 'sakin ni Kev ang nangyari sa hospital.

"Hinihintay kita 'non kasi gusto ko sabay tayong kumain. May biglang kumatok, pinag buksan ko. Nagulat ako ng makita ko si Angel may bitbit siyang bote ng wine." 

"Teka, sino ba si Angel? bakit siya nandon? Anong meron sa inyo? Ano mo siya?!" 

Niyakap niya ako para kumalma. Huminga ako ng malalim.

"Angel is my fling. Pero dati 'yon ng hindi kapa dumating sa buhay ko. Wala akong kahit katiting na nararamdaman sa kaniya. Ng malaman kong boyfriend niya pala si Eiko, 'don kuna tinigil kong anong meron kami ni Angel. Pero hindi siya tumigil. Kahit alam niyang may girlfriend na ako, palagi parin niya akong pinupuntahan. At inamin niya saking mahal niya raw ako. Tapos 'nong niyakap niya ako, may matalim na bagay na tumusok sa tagiliran ko. Hindi ko alam kong ano yon, basta bigla nalang akong nawala sa sarili." Bumuntong hininga siya.

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now