CHAPTER 11
KAKATAPOS LANG NG OPERASYONG ginawa ko. And yes, successful naman ang operations. Mabilis akong nag tungo sa opisina ko dahil alam kong naghihintay sakin si Cali.
Malaki ang ngiti ko ng pumasok ako sa loob. Pero madali iyong nawala dahil walang Cali na naka upo na parang boss sa swivel chair ko.
Kinuha ko ang cellphone ko sa purse ko at tinawagan siya. Nangunot ang nuo ko ng may nag ring na telepono dito sa loob ng opisina ko. Nag lakad ako patungo sa mesa ko at nakita ko ang bag ni Cali na nasa sahig mukang nahulog 'to.
Pinatay ko ang tawag. Ibig sabihin nandito siya? Saan nanaman kaya nag punta ang babaeng 'yon? Tsk hindi naman mahilig mag surprise yon.
"Cali , kong 'nasan kaman lumabas kana, wag ka ng mag tago" Sabi ko. Pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong natanggap na sagot.
Maghuhugas muna ako ng kamay tapos hahanapin ko siya. Nangunot ang nuo ko ng may maapakan akong isang matigas na bagay. Yumuko ako, at ganon nalang ang pagtataka ko ng makita ko ang bracelet na binigay ko kay Cali.
Bakit nandito to? Iniwan niya ba 'to dito? Lagot ka talaga sakin Cali!
Pinulot ko ang bracelet ng makita kong sira ito. Nasira niya ba 'to kaya niya iniwan nalang dito? wala talaga sigurong halaga 'to sa kanya!
Tumayo ako at padabog na pumasok sa banyo. At tila nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Cali na nakahiga at walang malay!
Kaagad ko siyang dinaluhan. Hinaplos ko ang pisnge niya. Namumutla na ang buo niyang katawan! Halos nanlamig ako habang tinititigan ang kabuoan niya.
"C-cali.....C-cali w-wake up!" Niyogyog ko na siya ngunit hindi talaga siya gumagalaw.
"Babyyyy.....wake up please...."
Fuck! Gaano na siya katagal nandito?
Hindi na ako nag isip pa at kaagad siyang binuhat palabas ng Office. Buhat buhat ko siya habang malalaki ang hakbang papasok sa ER. Maraming nurse at doctor ang naka sunod sakin.
Nag maihiga ko siya, ay magsisimula na sana ako ng pigilan ako ni Rio.
"K-kev, calm down. Alam mong may batas tayo na bawal gumalaw ng pasyente kapag kinakabahan ang doctor, kaya ple-"
"Rio! Please! Shup up! Kaylangan ko siyang gamutin! Please! Pwedeng kalimutan ko muna ang batas na 'yan?" Nag simula ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kong bakit parang sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.
Pero ang iniisip ko ay si Cali, ang kalagayan niya a-at ang p-puso niya! Fuck!
"Kev!" Sigaw ni Rio. "Gusto mo bang mas lalong mapahamak si Cali ha? kapag ikaw ang hahawak sa kaniya mas magiging komplikado ang buhay niya! Tignan mo nga yang sarili mo halos manginig kana sa kaba! Kaya please lang kev, kami na ang bahala 'rito at sa labas ka nalang."
Umiling ako habang sabay sabay parin ang pag tulo ng luha ko. "H-hindi ko kayang mag hintay nalang ng walang ginagawa! Doctor ako, mahal ko siya! Dapat ako ang gumagamot sa kaniya!" Dahil sa sobrang inis ko ay nasuntok ko ang pinto ng ER!
Narinig kong napatili ang mga nurses na nandito sa loob. Pero wala akong pakialam. Hinarap kong muli si Rio. "Palibhasa kasi hindi niyo ko naiintindihan! Dahil hindi naman kayo nag mamahal!" Ng hindi ko na talaga kaya ay humagulgol na 'ako.
Kong sana ay hindi ko hinayaang mag isa si Cali sa opisina sana masaya kami ngayon. Sobrang tanga mo kev!
Habang yong ibang tao napapagaling ko, nagagamot ko at naaalagaan ko. Tapos y-yong babaeng mahal ko na mayroong iniindang sakit ay hindi ko man lang naalagaan! Galit ako sa sarili ko! Gustong gusto kong saktan ang sarili ko!
Hindi ko alam kong anong gagawin ko kapag nawala ka Cali....Baby, please wake up!
Nasabunutan ko na ang sarili ko. Parang mababaliw na ako! Cali! Please, don't leave me baby, please!
"Kev, tumatakbo ang oras.. please lumabas kana. Nurse, ilabas niyo muna si Doc. Kev." Rinig kong sabi ni Rio.
Nang makalapit sakin ang mga Nurse ay kaagad akong nag pumiglas. Tumigil lang ako ng may maramdaman akong matalim na bagay na tumusok sa braso ko.
At ilang sandali pa ay nawalan na ako ng malay.
NAALIMPUNGATAN AKO SA ingay na nang gagaling malapit sakin. Unti unti kong idinilat ang dalawa kong mata. At nataranta ako ng maalala ko si Cali.
Nag madali akong tumayo ngunit kaagad din akong pinigilan ni Nurse Cha.
"Doc. Okay lang po ba kayo?" She asked.
Taranta akong tumango. "Si Cali? Ayos na ba siya? Pwede ko ba siyang puntahan?" Tuluyan na sana akong tatayo ng pigilan niya akong muli.
"Nurse Cha, ano ba!" Galit kong sabi. Nakita ko sa muka nito ang pag kalungkot at pagka balisa.
"D-doc.." Basag ang boses nito.
Hindi ko alam pero kaagad akong ginapangan ng kaba. Naikuyom ko rin ang dalawa kong kamao.
"M-may nangyari ba kay Cali? Where is she? Answer me!" Sigaw ko!
Nararamdaman ko nanaman na parang maiiyak ako. Gusto kong makita si Cali, gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan!
"Kev.." Rinig kong tawag sakin ni Rio. Kakapasok lang nito sa kwarto kong saan ako nahiga.
Kaagad ko siyang nilapitan. "Is she okay Rio? Maayos naba ang lagay niya? gising naba siya? Saan siya pupuntahan ko siya!"
Yumuko lang ito. Nagagalit ako dahil hindi sila nag sasalita! Dahil sa sobrang galit ko ay kinuwelyuhan ko si Rio.
"Anong ginawa mo?!" Sigaw ko.
Ramdam ko ng nanginginig ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako nanghina ng ganito. Hinawakan ni Rio ang kamay ko at dahan dahang binaba.
"Kev, huminahon ka pwe-"
"Putangina! paano ako hihinahon Rio?! Sabihin mo nga sakin! Ako kakalma lang dito? Tapos hindi pa kayo nag sasalita!"
Akmang susuntukin ko siya ng pigilan ako ni Nurse Cha. "Doc. Tama na po."
"Kev.....Kritikal ang lagay ni Cali...H-hindi siya okay." Malungkot na sabi niya. "Hindi na kaya ng puso niya Kev."
Hindi ko namalayang bumagsak na pala ang mga luha ko. Sinabunutan ko ang sarili ko.
Cali! bakit mo nagawa sakin to?
"Nasan siya? Gusto ko siyang makita." Basag ang boses ko.
"Umalis sila Kanina 3 hours ago. Dinala siya ng mga magulang niya sa US para ipagamot. Titignan nila kong makakaya pabang gumaling ni Cali kapag duon siya."
Kaagad akong lumapit sa kaniya at kinuwelyuhang muli. "Bakit hindi niyo sinabi? Bakit hindi niyo man lang ako ginising?!"
Mga walang kwenta!
"Sinabi kasi ni Cali na 'wag ng ipaalam sayo. Dahil a-ayaw niyang makita na umiiyak ka. Mas lalo daw siyang nanghihina."
May inabot siyang USB. Kaya kaagad ko itong tinanggap. "Ano 'to?"
"Panuorin mo nalang." Pagkatapos ay tinalikuran na niya ako.
Anong magagawa ng walang kwentang USB na 'to? Susundan ko siya sa US. Hindi ako papayag na mag isa siyang lumalaban.
Nilagay ko sa bulsa ko ang USB at mabilis na tumakbo palabas ng hospital.
Saka kuna aalamin kong anong nangyari kay Cali at sinong may gawa 'non. Sisiguraduhin kong babalatan ko ng buhay kong sino man ang gumawa 'non sa pinaka mamahal ko.
YOU ARE READING
Doctor Possessive (COMPLETED)
RomanceSi Callista Yvonne Ladesma ay isang pasyenteng may sakit sa puso. Super hate niya ang hospital at higit sa lahat ang Doctor niyang si Kev Jerson Madrigal. Hindi alam ni Cali na habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya kay Kev. Ano kaya ang mangya...