CHAPTER 20

27 1 0
                                    

CHAPTER 20

5 YEARS LATER

SABAY sabay kaming kumakain ng hapunan ngayon. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing dumadapo ang paningin sa Asawa at triplets ko.

Yes, tatlo sila. 'Nuon ay nagulat ako kong paano sila nag kasya sa 'tyan ko. Nang makita ko ang itsura ng Asawa ko habang sunod sunod niyang kinakarga ang mga anak namin, 'nong kakalabas palang nila ay parang natutunaw ang puso ko sa tuwa.

Nakikita ko sa muka ng Asawa ko kong gaano siya kasaya habang karga karga ang unang lumabas na si Caliver Kev. Ilang segundo lang ang agwat nila ni Calliev Yasser, habang si Calliope Keverson naman ay minuto bago lumabas. So kino' consider naming bunso si Calliope.

"Papa! I'm done, can i get my iPod? I want to play na po." Nakangiting sabi ni Calliev sa ama. Napangisi ako ng makita ko ang makalat nitong muka. Ang mga labi nito ay napapalibutan ng ketchup.

"Okay, but first let's clean your mouth. Magagalit si mama kapag madumi." Iginaya ni Kev si Calliev patayo at dinala sa kusina.

Kaagad na dumapo ang paningin ko kay Caliver na may hawak na libro. "Caliver anak? Pwedeng tapusin mo muna 'yang pagkain mo at mamaya kana mag basa." Si Caliver ay mahilig mag basa. Araw araw niyang hinihiram sa papa niya ang mga libro pang doctor, dahil gusto daw nitong maging kagaya ng ama niya.

"Okay mom.." Binitawan nito ang hawak na libro at nag patuloy sa pagkain.

Nakaramdam ako na parang may yumayakap sa paanan ko. Ibinaba ko ang tingin ko kay Calliope na ngayon ay natutulog sa paanan ko.

Si Calliope naman ay matakaw sa tulog. Kapag tapos na itong kumain ay matutulog na ito. Kaagad ko siyang binuhat at dinala sa kusina para linisin ang mga kamay.

"Tulog na siya?" Kaagad na tanong ni Kev. Kakatapos lang nitong linisan si Calliev.

"Mama! Papa! Akyat na po ako sa taas mag lalaro na ako." Pagkasabi ni Calliev ay kaagad na itong tumakbo paakyat.

"Calliev! Don't run!" Sigaw ni Kev, ngunit mukang hindi siya narinig ng bata dahil mabilis lang itong tumakbo paakyat.

"Baby, Ako na ang mag bubuhat sa kaniya. Mabigat si Calliope."

Tumango ako at binigay sa kaniya si Calliope. Sinimulan ko naring hugasan ang bata.

"Baby, pag katapos natin silang patulugin pwedeng ako naman ang alagaan mo? Palagi nalang sila, pano naman ako? Baby mo rin ako diba?" Nakangiting sabi ni Kev.

Kinurot ko siya sa tagiliran ngunit hindi siya maka react dahil baka magising si Calliope.

"Baby! It hurts!" Pabulong niyang sabi.

"Yan ang bagay sayo.

MATAPOS namin silang dalhin sa kaniya kaniyang kwarto ay kaagad kaming nag tungo sa kwarto namin. Kaagad na napasalampak ng higa si Kev.

"God! Ang hirap mag alaga ng bata. Sana lumaki na sila agad." Rinig kong sabi niya.

Humiga ako sa tabi niya tsaka siya niyakap. "Gusto ko nga sana na ganyan nalang sila habang buhay eh."

"At bakit?"

"Kasi kapag lumaki na sila Syempre aalis sila. Lalaki silang tatlo babe, tsaka walang maiiwan 'satin."

"Edi gumawa tayo ng babae." Biglang sagot niya.

Tinampal ko ang braso niya. "Baliw ka talaga."

Nagulat ako ng bigla niya akong kinabubawan. Ngumiti ako at pinalupot ang dalawa kong braso sa leeg niya.

"I love you.." Malambing kong sabi tyaka hinalikan ang tungki ng matangos niyang ilong.

"I love you more, bente kuwatro oras." Dahan dahan niya akong hinalikan sa labi pababa sa leeg ko hanggang sa dibdib ko. Ngunit bago pa niya mababa ang sleeveless kong suot ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa 'non ang tatlong mag kaka muka.

"Papa? Anong ginagawa mo kay Mama?" Kaagad na tanong ni Calliev habang naka krus ang mga braso.

"Oo nga papa, inaaway mo ba si mama?" Tanong naman ni Calliope.

"Ayon sa nabasa ko, ay kapag nakapatong daw ang lalaki sa babae ay may mangyayari sa kanila. Kapag may mangyari sa kanila at kapag nag mix ang sperm ng lalaki and egg cell ng babae, ay makakabuo sila ng baby." Seryoso sabi ni Caliver habang ang mga mata ay nasa librong hawak.

Halos lumuwa ang mata namin ni kev dahil sa narinig kay Caliver! Hindi namin akalain na ang isang 5 years old na bata ay alam na kong ano ang ibig sabihin ng ginagawa ng babae at lalake!

Pero kahit ganon ay hindi parin umaalis sa ibabaw ko si Kev. Namumutla siya at parang nahihiya na humarap sa mga anak niya.

"Papa? Sagutin mo ang tanong namin. Kasi wala kaming naintindihan sa sinabi ni Caliver kahit na Tagalog yon. Pero kapag nag English yan siguradong sabog ang utak namin." Si Calliev na ngayon ay nasa harap na namin.

Nakita kong lumunok si Kev. "K-kasi m-mga anak...a-ano, ano k-kase.."

"Papa? Yong dede ni mama parang makikita na." Si Calliope na ngayon ay nakadapa sa kama namin.

Ngayon ko lang din napansin na may mga dala dala silang unan. Siguradong dito sila matutulog.

Kaagad na inangat ni Kev ang damit ko at mabilis siyang umayos ng upo. "A-ano kasi mga anak. M-may langgam sa dibdib ni mama kaya hinanap ni papa." Paliwanag nito. "Diba baby?"

Tumango ako. "A-ah o-oo may langgam."

"So mommy? Bakit nilalanggam ang dede niyo? matamis ba yan?" Lumingon si Caliver sa ama. "Daddy? Anong lasa ng nipple ni mommy? Ngayon ko lang nalaman na nilalanggam pala ang dede." Humiga si Caliver sa tabi ni Calliope.

Parehong laglag ang panga namin ni Kev. We're speechless!

"Umaabot pa pala dito yong langgam?" Tanong ni Calliev sa kawalan. Humiga narin siya sa tabi ni Caliver.

Hinarap ni Kev ang mga bata. "At sinong nag sabi sa inyo na dito kayo matutulog?"

Sabay sabay akong itinuro ng tatlo. "Si mama."

Matalim akong tinitigan ni Kev. Ngumisi nalang ako at tyaka niyakap ang tatlo Kong chikiting. Ilang segundo pa ay naramdaman ko ng yumakap sa likuran ko si Kev at bumulong.

"The hell cali! yon na sana yon eh! tsk!"

"Matulog kana.."

"Muntik ng magalit yong kaibigan ko baby!"

"Okay, I love you." hinalikan ko siya sa mga labi. Isa isa ko ring hinalikan ang mga anak ko. "Good night Caliver, Good night Calliev, and good night Calliope."

"Good night mama..." Sabay sabay nilang sabi.

NGAYON ay wala na akong hihilingin pa, dahil mayroon na akong mapagmahal na asawa at mga pasaway na anak.

Nag papasalamat rin ako sa paninoon dahil hindi niya pinag kait sakin ang masayang buhay na pinapangarap ko.

Pinapangako kong mamahalin ko sila hanggang sa huli kong hininga. Because they're my treasure and strength. Mahal na mahal ko sila at walang ibang makakapalit sa kanila.

Ang natutunan ko sa buhay ko ay ang 'wag sumuko basta basta, dahil may plano ang diyos para sa atin. Matuto rin tayong mag patawad. Dahil kapag tayo ay nagkimkim ng galit sa isang tao ay mas mahihirapan tayo. Kaya dapat ay good vibes lang.

I'm Callista Yvonne Ladesma- Madrigal, ito ang aking kuwento, kasama ang nag iisang Possessive Doctor ng buhay ko...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now