CHAPTER 10

19 1 0
                                    

CHAPTER 10

PAGKATAPOS NG NANGYARI ay masaya akong bumalik sa opisina ni Kev. Hihintayin ko nalang siya don para maka kain narin kami.

Hindi nag tagal ang pag hihintay ko dahil dumating narin si Kev ng may ngiti sa labi. Niyakap niya ako at hinalikan sa nuo.

"Let's go? Gutom na 'ko." Natatawang sabi niya.

Mag kahawak kamay kaming lumabas ng opisina. Ramdam kong pinag titinginan kami ng mga nurses at doctors. Well, nakangiti naman sila.

Sumakay kami sa kotse niya. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. At huminto ang sasakyan niya sa isang Thai Restaurant. Sabay kaming bumaba. At ganon parin, mag kahawak kamay kaming pumasok sa loob.

Pumuwesto kami sa table na malapit sa entrance. Dahil gusto ko mabilis kami makalabas, sakto namang maraming tao.

Tumawag na si Kev ng waiter at nag order. Hindi man lang ako tinanong kong anong gusto ko hmp!

"I like it when you call me babe. It's sound sexy when it comes to you." Mahina siyang humalakhak. Sampalin ko kaya 'to kaliwa't kanan? 

"Hoy! tigilan mo nga ako, ginawa ko lang yon dahil nasa harap natin si Angel."

"Baby, wag mo na nga siyang banggitin."

Itinaas ko ang dalawa kong kamay para sa pag suko. "Okay, Okay.."

"Good.."

"Cali!" Nabigla ako sa malakas na sigaw nayon. Sino yon? Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng Restaurant.

At ganon nalang umawang ang labi ko ng makita ko ang High school bestfriend kong si Natt! Oh my god!

Nakita kong palapit siya sakin kaya tumayo ako upang salubungin siya. Mahigpit niya akong niyakap at ganon din ako.

"Natt? Ikaw ba talaga yan?" Hindi maka paniwalang tanong ko.

Sinuklay nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. "Cali, yes! It's me!"

Dahil hindi talaga ako maka paniwala ay muli ko siyang niyakap. Ngunit kumawala din ako ng may marinig na umubo sa likod ko. Uh oh! Nakalimutan kong kasama ko pala si Kev, paktay!

"Oh, I'm sorry.. boyfriend mo?" Tanong ni Natt kaya Tumango ako.

"Natt, This is Kev." Tumayo si Kev at naramdaman ko ang mga braso niyang pumulupot sa bewang ko. "Kev, this is Natt. High school bestfriend ko."

"Ah... Bestfriend ba? You sure?" Tumango ako.

"So Natt, kaylan kapa umuwi?" Tanong ko.

"Kahapon lang. So, I'll go ahead, baka nakaka istorbo ako sa inyo." Ngumiti ito at saka tumalikod.

Ayoko pa sana siyang umalis pero parang nag mamadali siya. Nang dumapo ang paningin ko kay Kev ay nakita kong masama ang tingin niya habang naka titig sa papalabas na si Natt.

Tinampal ko ang braso niya. "Hoy! 'bat ang sama ng tingin mo sa kanya?"

Bumalik ito sa pagkaka upo, ganon din ako. "Bakit mo siya niyakap?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Kev! natural lang na yakapin ko siya dahil na miss ko! matagal din kaming hindi nagkita." Malungkot kong sabi. Nakita ko namang ngumiwi siya.

"Talaga bang kaibigan mo lang yon? Eh kong maka tingin sayo parang kanya ka ah." Nag seselos nanaman siya.

"Kev! Pwede ba? Ang OA mo!" Ngumisi ako. "Kalma kalang okay? Baka atakihin ako nito sa puso eh."

"Don't say that!" Galit na sabi niya.

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now