CHAPTER 7
KASALUKUYAN AKONG naghahain ng marinig ko ang mga yapak ni Kev pababa ng hagdan. Nag angat ako ng tingin at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang siya habang inaayos ang neck tie niya.
Hindi na tuloy ang binabalak ni Kev kanina sa banyo. Dahil pag kahigit niya sakin papasok sa loob ay kaagad kong pinitik ang ari niya. Syempre naka pikit ako no! Ayokong mabinyagan 'tong mga mata ko.
Yes, marami akong naging boyfriend pero hindi kami umabot sa ganitong bagay. At hindi ko rin hahayaan na may mangyari samin ni Kev. And hell? sa banyo?
Akmang yayakapin ako ni Kev ng bigla akong lumayo sa kanya.
"Baby? Come here, gusto kitang yakapin." His voice was soft.
"Yakapin mo yang muka mo!" Padabog akong umupo at nag salok ng pagkain. Umupo nalang din siya sa tapat ko habang nangingiti.
"Hindi mo man lang ba ako lalagyan ng pagkain?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Kaylangan ko siyang asikasuhin dahil obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya. Sinalukan ko siya ng kanin tsaka ulam at bumalik sa pagkakaupo.
Nang makita ko na parang may tinititigan siya ay lumingon ako upang malaman kong saan ang paningin niya. Ng humarap ako ay bumaba ang tingin ko sa dibdib ko. Naka sleeveless lang ako at walang bra! Ng ibalik ko kay kev ang paningin ay tama ang hinala ko! nakatitig siya sa dibdib ko!
Bakit nakalimutan kong mag suot ng bra?! Ang tanga tanga mo talaga cali!
Kaagad kong pinag krus ang mga braso ko. Nakita kong umayos naman siya ng upo.
"Ngayon ko lang na pansin na malaki pala talaga ang boobs mo." Sinabi niya 'yon habang nakatitig sa mga mata ko! ginapangan ako ng kahihiyan! Shit!
Itinutok ko sa kanya ang hawak kong tinidor kaya napa atras siya. "Nakikita mo ba 'to?"
He chuckled. "Of course baby, I'm not blind."
"Oo! At hindi ako mag dadalawang isip na itusok 'to sa mata mo!" Galit kong sabi.
Ngumisi lang siya. Habang kumakain ay pinag usapan namin ang tungkol sa trabaho niya at kong anong oras ba siya umuuwi. Sinabi niya sakin lahat para 'daw alam ko.
Nang matapos kaming kumain ay hinatid ko ko siya sa labas.
"Mag iingat ka.." Sabi ko.
"You too. Tawagan mo ako kapag aalis ka ng bahay. Wag na wag mag pa papasok ng kong sino sino maliban sa mga kaibigan mo."
"Yes, captain!" Ngumisi siya at niyakap ako. I hugged him back.
Kumawala siya sa yakap ko at dahan dahan akong hinalikan sa labi ng tatlong beses. "I love you."
Parang may lumilipad na langaw sa 'tyan ko. Haaay! ganito pala yong feeling 'non? Kinagat ko ang labi ko at mabilis na hinalikan ang labi niya. "I love you too!"
"I'll go ahead.." Tumango ako. Sumakay na siya ng kotse. Bumusina muna siya bago iyon umandar. Nang makaalis na siya ay pumasok na ulit ako sa loob.
Ano kaya ang pwedeng gawin dito? siguradong ma bo bored ako 'rito.
Umakyat ako sa taas. Wala naman na akong lilinisin kasi malinis na ang bawat sulok ng bahay. Pumasok nalang ako sa kwarto namin at tumihaya sa kama.
Ayoko sanang dito matulog sa kwarto niya. Ngunit mapilit si kev, gusto niyang mag katabi kami. Syempre wala akong nagawa dahil pamamahay niya 'to.
Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng pagka bagot. Kaya Lumabas ako ng kwarto at inisa isang binuksan ang isang kwarto na katapat ng kwarto namin ni Kev. Ngunit naka lock ito, sa bagay mahilig talaga siyang mag lock ng pinto. Kaya hinayaan ko nalang.
YOU ARE READING
Doctor Possessive (COMPLETED)
RomantizmSi Callista Yvonne Ladesma ay isang pasyenteng may sakit sa puso. Super hate niya ang hospital at higit sa lahat ang Doctor niyang si Kev Jerson Madrigal. Hindi alam ni Cali na habang tumatagal ay nahuhulog ang loob niya kay Kev. Ano kaya ang mangya...