CHAPTER 14

16 1 1
                                    

CHAPTER 14

NAUNA AKONG LUMABAS NG BANYO. Dahil sabi ni Kev gusto niya pang umisa. Naka dalawa kami sa loob ng banyo. Oo dalawa! tapos gusto niya pang ng isa dahil para I love you daw.

Nag punta ako sa closet para kumuha ng damit at para mag bihis. Habang pumipili ako ng pantulog ay may nakapa akong isang bagay. Kinapa ko pa hanggang sa makuha ko.

Yong USB! napanuod na kaya niya 'to?

Napaigdad ako ng bigla akong yakapin ni Kev mula sa likuran. Pareho kaming naka tapis lang ng tuwalya.

"Traydor ka talaga baby, iniwan mo 'ko sa banyo." Kunwaring malungkot na sabi niya. Ang arte niya talaga!

Hindi ko siya sinagot at muling dumapo ang paningin ko sa USB. Ako lang ang nag video sa sarili ko 'nong bago kami umalis papuntang US. Iniisip ko kasi 'non na baka hindi na ako maka balik at mamatay na. Kaya naisip kong I video ang sarili ko at 'don ko sinabi lahat ng gusto kong sabihin kay Kev.

Hinarap ko siya. "Napa nuod mo na ba 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang USB.

Umiling ito. "Hindi, wala akong time na panuorin yan dahil busy ako kakahanap kay angel 'non."

Tumango tango ako. "Panuorin mo."

"Bakit ano ba yan?"

"Panuorin mo para malaman mo." Irita kong sabi.

Kinuha niya sakin ang USB at biglang tinapon sa basurahan. The hell?

"Ano man ang laman 'non o kong paliwanag mo man yon. Wala na sakin yon. Ang importante ay magkasama na tayo. Naiintindihan mo yon?" Seryosong sabi niya. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko, napa ngisi nalang ako.

"Wait.." May kinuha siya sa Closet niya. At pagbabalik niya ay sinuot niya sakin ang....

Bracelet!!!

"Oh my god! Babe! Akala ko nawala na 'to!"

"Nakita ko yan sa opisina, 'nong araw na nakita kita sa banyo."

Hindi ako makapaniwala! mabuti't nakita niya! dahil ito ang pinaka mahalagang bagay na natanggap ko mula sa kaniya.

Niyakap niya ako, and I hugged him back. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko!

Naramdaman ko ang palad niya sa pang upo ko kaya tinulak ko siya ngunit masyado siyang malakas kaya hinigpitan niya ang pag kakayakap sakin.

"Kev! H-hindi ako maka hinga! ano ba Bitawan mo nga ako!" Galit kong sabi.

"Sabi ni mama gusto niya ng isang dosena'ng apo, kaya sisimulan ko na ngayon."

Bago pa ako maka react ay binuhat na niya ako papunta sa kama namin. Tsk! Hindi ko akalain na se seryosohin niya ang sinabi ng ina niya!

Pinaubaya kong muli ang sarili ko ng buong puso sa taong mahal ko at mamahalin ko pa..

PAPASOK AKO NG OPISINA ni Kev ng may biglang tumawag sakin.

"Cali..." Kaagad akong lumingon at nakita ko ang nakangiting si Eiko.

I smiled. "Oh Eiko? Anong ginagawa mo dito sa hospital?"

"Sinamahan ko lang ang kaibigan kong mag pa check up." Nakangiting sabi nito. Sasabat na sana ako ng dumapo ang paningin ko sa babaeng kakarating lang, nasa likod ito ngayon ni Eiko.

Ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya. "Kaibigan ba talaga? Oh Ka-ibigan?" Biro ko.

Tumawa naman siya. "Ikaw talaga Cali. Oo na nga buntis siya, btw. Pumunta ka sa kasal namin ah? Papadalhan kita ng invitation."

Buti pa siya ikakasal na. Lintek! naunahan niya pa ako hmp! Tumango nalang ako. "Sige ba! Hihintayin ko yan."

"Sige, mauna na kami" Pag papaalam niya. Tumango nalang ako tsaka ngumiti.

Nang tumalikod na ako ay tumumbad sakin ang seryosong muka ni Kev. Ang dalawang kamay 'nito ay nasa bulsa niya. At dahil matangkad siya ay kaylangan ko pang mag angat ng tingin para magtama ang aming mga mata.

"Oh? Bat ganyan ang muka mo?"

"Mag kaka baby na si Eiko." Matamlay na sabi niya. Tumaas ang kilay ko.

"Oh tapos?"

"Bakit tayo wala pa?"

"Ang kapal naman ng muka mo Kev!" Irita kong sabi at kaagad siyang nilagpasan. Ramdam ko namang naka sunod siya.

Halos Tatlong buwan na ang nakalipas simula 'nong malaman namin na dead on arrival si Angel. Sobrang nagulat ako ng malaman ko 'yon. Oo masama siyang tao, pero naniniwala ako lahat tayo ay may karapatang mag bago. Pero ang hindi ko maintindihan ay kong bakit niya sinadyang mag pa hulog sa bangin! sinayang niya ang buhay niya.

Nang maka upo ako sa swivel chair ni Kev, ay paulit ulit ko siyang iniirapan. Siya naman ay naka tayo sa harap ko habang ang dalawang kamay ay naka tungkod sa mesa.

"Baby, San 'mo gustong mag bakasyon?" Biglang tanong niya.

"Tagaytay? masarap ang hangin 'don tiyaka nakaka relax."

"Ayaw mo ng out of town?"

Kumunot ang nuo ko. "Ayoko.. teka bakit mo na tanong?"

Lumapit siya sakin saka umupo sa mesa. "Gusto kong mag bakasyon tayo."

Tila nabuhayan ang dugo ko! Yes! "Kaylan?"

"Ikaw, kong kaylan mo gusto."

Kinuha ko ang kamay niya at pinag laruan ang relo niya. "Bukas?"

"Tomorrow then."

TOTOO nga ang sinabi ni Kev na mag babakasyon kami sa tagaytay. Ngayon ay hinihintay ko siya dito sa loob ng kotse. Kaylangan na naming umalis para hindi kami gabihin.

Gusto niya sanang sa private plane nalang kami sumakay na pag aari ng kapatid niyang si Kihr. Ngunit umayaw ako dahil takot ako sa heights.

Nakita ko na siyang palabas ng bahay bitbit ang dalawa naming maleta. Tatlong araw lang naman ang bakasyon namin dahil hindi pwedeng mawala si Kev sa hospital ng matagal. Pero sapat na sakin yon basta kasama ko siya.

"Ang tagal mo babe!" Reklamo ko.

Nang makapasok siya sa driver seat ay kaagad ko siyang tinaasan ng kilay. Kumukulo ang dugo ko sa lalaking 'to.

"Bakit ba palagi mo nalang akong inaaway?" Nangingiting tanong niya. Hindi ko siya pinansin. "Babyyyy!"

"Pwede bang mag drive ka nalang Madrigal?"

Hindi ko alam kong bakit nagagalit ako sa kaniya. Kasi kapag sa tuwing nakikita ko siya ay kumukulo ang dugo ko! Parang gusto ko siyang bigwasan!

sinunod niya nga ang sinabi ko. Nag umpisa ng umandar ang sasakyan. Mahaba habang biyahe 'to. Ilang saglit pa ay dinalaw ako ng antok. Kaya umayos ako ng upo, matutulog na muna ako. At hindi rin nag tagal ay nakatulog na ako.

NAGISING AKO ng may paulit ulit na humahalik sa pisnge ko. At tumumbad sakin ang nakangiting si Kev.

Parang pinapalibutan kami ng mga langaw!

Tumingin ako sa binata at nakita kong madilim na. Ibinalik ko ang paningin ko kay kev at mahigpit siyang niyakap.

"Tara na, nag pa book na ako ng room natin. Don ka nalang mag pahinga." Malambing na sabi niya.

"Buhatin mo 'ko. Inaantok ako babe."

Mas siniksik ko pa ang muka ko sa leeg niya. Ang bango niya talaga! nang hindi ko mapigilan ang sarili ko ay kinagat ako ang leeg niya kaya napa aray siya.

"Shit baby! What did you do?"

Nang gigigil ako sa kaniya langya! Bigla ay nawalan kami ng imik. Ngunit si Kev ang unang bumasag sa katahimikan.

"Baby? Are you pregnant?"

Doctor Possessive (COMPLETED)Where stories live. Discover now