SURPRISE DATE

6.3K 355 60
                                    

Happy Holidays everyone. I know it's too late to greet but better be late than never. As a gift for you, here is the latest update for Bad Heart. One chapter only and please don't expect an immediate update after this. I don't know when will I update this story.

For now, enjoy JM and Jane.

- Sabina Lei

----------------------------------------------------

"Real love doesn't meet you at your best. It meets you in your mess." - J.S. Park

============================

"You don't have to worry about anything. My team and I will handle all the logistics for this event. And I am telling you, I am good with what I do."

Ang ganda ng ngiti kay Jane ng kausap niyang event coordinator na si Fiona. Ang gaang kausap ng babae. Napaka-smooth ng transaction nila mula sa paghahanap ng event venue, food tasting, at ibang mga supplier. Hindi na nga siya nahirapan sa ibinigay na task na ito ng boss niya. At sigurado siya, the event will be successful. Kahit paano ay nakakaramdam siya ng kaba kasi maraming mga invited na donors and benefactors na darating ngayon sa event.

"This will be the flow of the event. Opening remarks. Speech ni Ma'am Chona. Ipapakilala ang mga benefactors. Then intermission numbers with the kids and teens from Safe Sanctuary. After that magsi-serenade na si Luis Ignacio. That will be the dinner proper. Then thank you speech ulit ni Ma'am Chona and finish na." Nakangiti pa rin si Fiona sa kanya.

Tumango-tango lang siya at napabuga ng hangin. Nagpaalam siya sa babae na titingnan muna ang mga teens na kasali sa intermission number. Naabutan niya ang mga ito na nagpa-practice sa isang silid ng venue. Sinabihan niya ang in-charge na pag-ayusin na ang mga ito. Ilang oras na lang ay mag-uumpisa na ang event nila.

"Jane."

Lumingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niyang ang boss niya iyon. Halatang tuwang-tuwa na makita siya. Nagulat nga siya nang yumakap pa ito ng mahigpit sa kanya.

"Thank you so much for your help. Ang galing mong ayusin ito. Hindi talaga ako nagkamali sa pagpili sa iyo. Fiona told me how competent you are. Napakadali mo daw ka-trabaho."

"Okay lang naman po ito, Ma'am. Para po sa mga bata."

"And they are so lucky to have you. We are so lucky to have you. Imagine, you are doing this all for free. Well, the program is about to start. But I have a last-minute meeting in Crimson Hotel. Can you go there on my behalf?" Tonong nakikiusap ito.

Hindi siya agad nakasagot. Ayaw niyang umalis ngayon. Kailangan siya ng mga bata. Saka importanteng event ito. Ayaw niyang hindi makita ang performance ng mga ito.

"P-pero kasi Ma'am Chona, aasikasuhin ko pa ang mga bata para sa performance nila," katwiran niya. Ilang araw silang nag-practice para sa event na ito. At ayaw naman niyang hindi makita ang pinagpaguran niya.

Ngumiti ng maasim ang babae. "Wala akong ibang puwedeng pagkatiwalaan sa meeting na ito kundi ikaw. It's a new benefactor for our organization. You're just going to explain what is happening in our group." Napahinga ito ng malalim tapos ay may kinuhang papel sa bag. "Okay. Hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo. Ikaw na lang ang mag-speech for introduction sa event. These are the list of the donors and benefactors for Safe Sanctuary." Iniabot nito ang papel sa kanya at binasa iyon.

"Alam ko naman na sanay kang humarap sa maraming tao kaya magagawa mong ikaw na ang mag-opening remarks. I-acknowledge mo lang ang presence ng mga guests then enumerate the list of our donors." Sabi pa ng boss niya.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon