24

6.1K 331 31
                                    


FIRST KISS

Nakapikit lang si Jane habang nakababad ang sarili sa bathtub. The warm water was relaxing. It was clearing her mind. She doesn't want to think about what happened between her and JM. Naiinis pa rin talaga siya.

Pero naisip niya, in a way may fault din siya sa nangyari. Kung bakit kasi naisip niyang magkunwari na si Tony ang kausap niya. Gusto lang naman niyang mawala ang kung anong nabubuhay sa sistema niya para kay JM. Hindi puwedeng mangyari iyon. Si JM ay kliyente niya at ipinangako na niya sa sarili na pagkatapos ni Tony, hinding-hindi na siya mai-involve romantically sa kahit na kaninong client niya. Ang nakakapagtaka lang, 'yung reaction ng lalaking iyon. Galit na galit. Pikon na pikon talaga siya nang itapon nito ang telepono niya. Wala tuloy siyang magamit ngayon.

Napabuga siya ng hangin at umahon na sa bathtub. Nagbanlaw na rin siya. Kanina pa rin naman siya nakababad dito. Pasado ala-sais na rin ng hapon at alam niya, malapit ng mag-umpisa ang event. Kung puwede nga lang na huwag na lang siyang lumabas dito. Ayaw na niyang makigulo pa sa pamilya ni JM. Wala naman siyang silbi kundi display lang ng lalaking iyon.

Painis niyang hinila ang tuwalya na nakasabit sa rack at itinuyo sa katawan. Itinapi niya iyon sa sarili at lumabas ng banyo. Napahinto siya at napakunot noo nang makita ang mga nakalatag sa kama. Red dress, shoes, may dalawang kahon pa na maliit ang naroon.

"What's this?" Sa sarili lang iyon sinabi ni Jane. Nilapitan niya ang mga naroon at tiningnan niya. Automatic siyang napangiti nang tingnan ang damit. Vera Wang. Nakita na niya ito sa online at nakakalula ang presyo noon. Pati ang sapatos ay hinawakan niya. Ferragamo. Napakagat-labi pa siya sa excitement at isinukat iyon. It fits her well. Nawala ang lahat ng inis na nararamdaman niya.

"And what could this be?" Dinampot niya ang maliit na kahon at nanlaki ang mata nang tumambad sa paningin niya ang laman.

"Rolex? Shit." Napabuga siya ng hangin. Mayroon siyang ganitong brand na relo pero lumang-luma na iyon na nabili pa niya ng second hand. Ang nasa harapan niya ay latest model. Lalo na siyang kinabahan nang mapatingin sa isang kahon. Ano naman kaya ang laman?

"Fuck," naibulalas niya nang buksan iyon at nagkislapan sa mata niya ang diamond studded earrings, necklace and bracelet.

"You liked it?"

"Shit!" Nabitiwan niya ang kahon sa kama at napatingin siya sa nagsalita. Hinanap niya kung sino iyon at nakita niya si JM na nakatayo sa isang gilid ng kuwarto at nakahalukipkip pa ang kamay habang nakatingin sa kanya. Napataas ang kilay niya. Himala. Mukhang hindi na mainit ang ulo. Maaliwalas na ang mukha. Nakangiti pa nga. Inirapan niya ito. Ang sarap batuhin.

"You liked it?" Ulit nito sa tanong kanina. Ngayon ay humakbang na ito palapit sa kanya.

"Ano ang mga iyan?" Pagtataray niya. Kunwari ay naiinis niyang pinalis ang mga nakalagay sa kama niya at tinalikuran. Nilapitan niya ang maleta niya at binuksan iyon at kumuha ng isusuot.

"Hey, wear this." Kinuha nito ang red dress at iniabot sa kanya. "Bagay 'to sa 'yo." Ngiting-ngiti si JM sa kanya.

Sinamaan siya nito ng tingin. "Ano 'to? Suhol?"

"Suhol? Bakit kita kailangang suhulan. I bought this for you. I want you to feel beautiful tonight." Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang sugpungan ng tuwalya na nakatapi sa katawan niya.

Ang sama-sama ng tingin niya sa lalaki pero sa totoo, kinakabog ang dibdib niya na kaharap ito.

Kinikilig siya sa harap ni JM.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon