DECISION

7K 331 37
                                    




            "What are your plans?"

            Napangiti si Jane sa tanong na iyon ni JM habang naka-kandong siya dito at kumakain sila ng almusal.

            "For today? Well, tumawag na si Jade. Gusto niya magkita kami. Then, I might go to the mall. Facial," Naramdaman niyang hinalik-halikan nito ang batok niya at lalo pang ipinulupot ang kamay sa beywang niya. Nakabalik na sila sa Manila at dito na sila tumutuloy sa penthouse na binili na ni JM para sa kanya.

            "About us." Muling sabi nito.

            "JM, hindi ba parang mabilis? Pabayaan muna natin na ganito tayo. Masaya naman tayo ng ganito 'di ba? Walang pressure." Kinuha niya ang mug ng kape at humigop doon.

            "Kung magpakasal na kaya tayo?" It was like a murmur dahil nakasubsob si JM sa batok niya pero naintindihan niya iyon kaya naibuga niya ang iniinom na kape. Ang lakas ng tawa ni JM.

            "Anong pinagsasasabi mo?" Pinapahid niya ang kapeng tumulo sa baba niya. Dumampot siya ng table napkin para punasan ang bibig tapos ay ang tumapon na kape sa mesa.

            "Sabi ko lang kung magpakasal na tayo," walang anuman na ulit nito.

            Pakiramdam ni Jane ay nahilo siya sa tanong na iyon.

            "Parang nagtatanong ka lang kung gusto kong kumain. JM, naririnig mo ba ang sinasabi mo?"

            Umayos ito ng upo. Napilitan na siyang umalis sa kandungan nito at naupo sa kaharap na upuan. Nakatitig lang sa kanya si JM at parang natatawa sa nakikitang pagkataranta niya.

            "What's wrong with my question? You kissed me countless of times already," tumawa ito ng nakakaloko. "And that's a big thing. It means you love me. Sinabi mo naman iyon 'di ba? Your lips are exclusive with the one you love, and you kissed me all the time since we get back from Bataan. So, what's holding you back if I am asking to marry you?" Sumandal pa ito sa kinauupuan at humalukipkip ng kamay habang nakatingin sa kanya.

            Napapailing si Jane kumumpas pa ang kamay sa hangin. Nahawakan pa niya ang dibdib kasi hindi yata siya makahinga.

            "JM, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Napabuga siya ng hangin at inis na dinampot ang mga pinagkainan nila sa mesa at inilagay sa lababo.

            "Yes." He said that without having second thoughts.

            Napapikit siya at nanatiling nakatalikod dito. Naramdaman niyang tumayo ang lalaki at yumakap mula sa likuran niya.

            "I have never been so sure in my life until I met you." Pilit siya nitong ipinaharap at hinawakan ang mukha niya at hinalikan siya sa labi tapos ay tinitigan siya. "Look. My parents love you. My brothers love you. Everyone in my family loves you. And I love you. So, ano pa ang hihintayin natin? Pakasal na tayo."

            "It's not that easy. They love me because they don't know the real me. Paano kung malaman ng pamilya mo ang tungkol sa pagkatao ko? You think they will accept a rape victim and a killer like me? That I am an escort? JM, I am a trash." Napalunok siya ng sabihin iyon. Ngayon siya nagsisisi kung bakit siya napapasok sa ganoong trabaho.

            "They won't know it. Saka ako naman ang makikisama sa iyo hindi sila. Wala silang magagawa sa kung sino ang gusto ko. Besides, my family is not like that. Kung sino ang gusto ko, I know they will support me as long as I am happy."

            Napailing siya. Magsasalita pa sana si JM nang tumunog ang telepono nito. Alam niyang ayaw lumayo ng lalaki sa kanya pero napilitan itong tingnan kung sino ang tumatawag at mahina itong napamura.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon