9

7.6K 373 37
                                    

ROAD EXPERIENCE

Napahinga ng malalim si Jane at humarap sa lalaki. Maliwanag na ang buong paligid at kitang-kita na niya ngayon ang mukha nito. Nang una silang magkita ng lalaki, hindi niya masyadong naaninag ang mukha nito pero ngayon, sa liwanag ay litaw na litaw ang kaguwapuhan nito sa harap niya.

Saglit siyang napakunot ang noo at lalo itong tinitigan. Bakit parang kamukha nito ang driver na nagdeliver kanina ng pagkain ni Jade? Tinitigan pa niya lalo ang lalaki pero agad din niyang dinismiss ang naisip. Imposible iyon. Imposibleng maging guest sa ganitong pagtitipon ang delivery driver na iyon. Ang mga narito ay mga CEO's, executives kaya imposible ang naisip niya.

Noon niya napansin na nakatitig sa kanya ang lalaki. Halatang hinihintay ang sagot niya kaya pilit siyang ngumiti dito.

"Mr. Sanderas, right?" Paniniguro niya sa pangalan nito. "Hindi ako ganoon magtrabaho. Just like before, I am committed to my clients. Rico got my services for tonight so, I will escort him for the entire night. Kahit kaya mong magbayad ng malaki, may nauna sa iyo."

Tama ba ang nakita niya sa mukha ng lalaki? Naiinis ba ito? Parang nagagalit pa nga ang hitsura. Kumunot ang noo.

"Babayaran ko din kung magkano ang ibinayad niya sa iyo." Tingin niya ay mukhang desperado na talaga ito. "I am younger and better than Rico. Also, he is married."

Tumaas ang kilay niya at naparolyo ang mata. "Who cares if you are younger than him? At least Rico is a gentleman at hindi siya mapilit. Marunong siyang maghintay ng turn niya. If you want to book me, fall in line." Inirapan na niya ito at akmang aalis na doon pero nakita niyang papalapit na sa kanila si Rico at kita niya ang pag-aalala sa mukha nito.

"Natasha, I am really sorry, sweetheart. I need to go home immediately. My wife, she is in the hospital. She fell from the stairs and she hit her head," parang maiiyak na ang hitsura ni Rico.

Nanlaki ang mata niya. "Oh my God, Rico. How is she?" Totoong nag-aalala siya para sa asawa nito. Kilala na naman din kasi niya ang babae dahil madalas itong ikuwento sa kanya ni Rico.

"She is in coma," tuluyang nabasag ang boses ng lalaki. "Hindi ko alam ang gagawin kung may mangyayaring masama sa asawa ko." Napailing pa ito.

Iniabot niya ang kamay ni Rico at marahan iyong pinisil. Napatingin siya kay JM dahil malakas itong umehem pero nakatingin sa ibang parte ng ballroom.

"Don't worry, Rico. Your wife will be fine." Pag-a-assure niya dito.

"JM, mag-isa ka lang ba ngayon?" Iyon ang narinig niyang tanong ni Rico sa lalaki.

Punong-puno ng kainosentehan ang mukha ni JM at tumango pero halata niyang sinasadya lang ng lalaki na magmukhang inosente. "Yes. Tumawag na si David at nagsabi na hindi na makakarating dito."

Tumingin sa kanya si Rico. "Alam kong nakakahiya." Kitang-kita niya ang hiya sa mukha nito habang nakatingin sa kanya tapos ay bumaling kay JM. "Is it okay if I am going to ask you to bring Natasha home?"

Nanlaki ang mata niya. "Rico, no. I can go home by myself. I can call someone who can send me home." Ano ba naman ang lalaking ito? Hindi siya kailangan na ihatid ng kung sino pauwi. Kaya niya ang sarili niya. Saka isa pa, hindi puwedeng may kliyenteng makaalam kung saan siya nakatira lalo na at hindi naman niya kilala si JM.

"It's okay. I can bring her home," kaswal na sagot ng lalaki.

"I'll be fine. Hindi mo na kailangan na mag-abala," pinanlakihan niya ng mata ang lalaki.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon