NEW FAMILY

11.7K 478 96
                                    

Love is an invisible bond that combines two soul together.

--------------------------------

Ramdam ni JM ang panlalamig ng kamay ni Jane habang papasok sila sa ancestral house ng mga Sanderas. Bakas din sa mukha ng babae na kinakabahan ito kahit pa nga litaw na litaw ang ganda nito sa suot na black dress. He won't get tired looking at her beautiful face.

"Relax. My family doesn't bite. Na-meet mo na naman sila noon." Natatawang sabi niya dito. Naramdaman niyang bumagal pa ang paglakad nito.

"JM, puwedeng sa ibang araw na lang? Hindi ko pa yata kaya talaga," pilit na pilit ang ngiti ni Jane sa kanya. Hindi niya makita sa mukha nito ang tapang na nakita niya nang una silang magkakilala.

"Anong sa ibang araw? I am just going to introduce my girlfriend. Anong masama doon? My family knows that I love you and I want it to be official," paliwanag niya.

"Pero kasi hindi ba napakabilis? I mean, hindi ako katulad ng mga girlfriends ng kapatid mo. Ng mga pinsan mo na galing sa may sinasabing pamilya. JM, alam mo naman na-"

Hindi naituloy ni Jane ang sinasabi nang bigla niyang halikan ang labi nito. And he doesn't want to stop kissing her soft lips. He wanted to taste it over and over.

"If you don't stop talking about that, I won't stop kissing you. Even if we are in front of many people." Nakatitig siya sa mga mata ng babae. Pero kita pa rin niya ang pag-aalala sa mukha nito kaya niyakap niya ng mahigpit. "Baby, whoever you are, whatever you did, they cannot do anything about it. If you think people will hate because of your past, not me. I love you for what you are. In my eyes, you are the perfect woman that I wanted to spend my life with."

Napapikit-pikit si Jane habang namamasa ang mata na nakatingin sa kanya. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito.

"Kaya kong talikuran ang lahat para sa iyo, Jane. I promise you that."

Mabilis na pinahid ng babae ang mga luha nito sa pisngi at ngumiti sa kanya.

"So, okay na? Puwede na tayong pumasok? Kaninang-kanina pa nagba-vibrate ang telepono ko at sigurado akong si mommy ito." Natatawang sabi niya.

Tumango si Jane at huminga ng malalim. Parang kumukuha ng lakas ng loob.

"You are very pretty. I can't wait for this event to be over so I can lock you inside my room and taste your juicy-"

"JM!"

Hindi naituloy ni JM ang sasabihin nang marinig na may tumawag sa pangalan niya. Pareho silang napatingin doon at nakita niyang iyon ang mommy niya. Ang ganda ng ngiti lalo na nang makita si Jane. Agad na lumapit sa kanila ang matandang babae.

"Jane, iha. You are stunning tonight." Ngiting-ngiti ang mommy niya.

"Mrs. Sanderas," iyon lang ang nasabi ni Jane. Halatang hiyang-hiya sa mommy niya.

Nanatiling nakangiti lang naman ang mommy niya habang nakatingin kay Jane. Hinawakan pa ang mukha ng babae.

"Tita Lucy." Pagtatama nito sa sinabi ng babae. "You are welcome in our family, Jane."

Alam niyang gusto ng umiyak ni Jane kaya nilapitan na niya ito at inakbayan pareho.

"Let's get inside, ladies." Natatawang sabi niya.

Umugong ang tuksuhan nang makapasok sila sa loob ng bahay. Ang mga kapatid niya ang pinakamalakakas ang boses. Ang mga pinsan niya ay ganoon din. Natatawa na lang siya sa mga ito at pinabayaan si Jane na dalhin ng nanay niya sa isang gilid at tabihan. Mommy naman kasi niya ang may pakana nito. Well, kasama din siya. His mom wanted to welcome Jane in their family with open arms when she learned that he found her.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon