3

8.2K 336 37
                                    

DOUBLE

            Gusto ng romolyo ng mata ni Jane nang makita na parang natulala ang lalaki nang pagbuksan siya ng pinto. Nakatanga lang ito sa kanya at nakatingin lang. Sanay na naman siya na napapatanga ang mga lalaki sa kanya pero sa ngayon, naiirita siya dahil nakatulala ito sa harap niya. Muli niyang tiningnan ang room number kung tama ang napuntahan na silid at tama naman kaya asar na muling bumaling siya sa lalaki.

            "Are we going to fuck?" Iritableng tanong niya.

            Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa nasabi. Hindi kailanman niya ginawa ang ganoon na mag-o-offer agad ng full service. Having sex with her client was the last thing that she could offer. Hindi naman kasi lahat ng clients niya iyon ang hanap. But this time, she just wanted this to be over. She just wanted to finish this last job so she could go home and see Tony and his kids.

              "G-Get in." Sagot ng lalaki at nilakihan nito ang bukas ng pinto.

            Tuloy-tuloy siyang pumasok at inilapag ang dalang bag sa couch na naroon. Hinubad niya ang suot na sapatos tapos ay sinunod niyang hubarin ang suot niyang damit.

            "W-what are you doing?"

            Napahinto siya sa ginagawa at takang tumingin sa lalaki. Kahit dim-lighted ang buong silid at hindi niya kita ng maliwanag ang mukha nito, alam niyang punong-puno ng pagtataka ang ekspresyon nito ng mukha.

            "What am I doing? Removing my clothes. You should remove yours too so we could start. My time is running." Sagot niya at tuluyan ng hinubad ang suot. Tanging under wears na lang ang natira sa katawan niya. Sinisiguro niyang hindi natatanggal ang wig sa ulo niya.

            Tumayo siya sa harap ng lalaki at nakatayo lang ito malayo sa kanya. Kagat-kagat ang daliri tapos ay mukhang hindi kumportable. Ano ang drama nito? Sa ibang clients niya na mag-offer siya ng full service siguradong susunggaban na siya agad. Pero ang isang ito, natatakot pa yatang lumapit sa kanya.

            "What's wrong? Is this your first time?" Kumunot ang noo niya. Mukhang hindi naman first timer ang client niya. Napahinga siya ng malalim at napangiti ng mapakla nang may ma-realize sa sitwasyon. "I get it. A friend of yours set you up here. Am I right?"

            Alanganin na tumango ang lalaki. Panay lang ang buga nito ng hangin at marahang hinihilot ang batok. Halatang nati-tense. Gusto niyang mainis sa kaibigan nito na nag-set up sa lalaki sa ganitong sitwasyon. Dapat matuto ang mga kaibigan na iyon na rumespeto sa kung sino o ano ang gusto ng lalaking ito. Ilang beses na ba siyang naka-encounter ng ganito? A friend, father, brother. It was always a close one who would set them up and she was sick of that. Inaakala na kapag nakatikim ng babae ang isang bakla ay magiging straight na rin itong lalaki. Hindi iyon ganoon. Ilang gay clients na ba niya ang umiyak sa kanya dahil lang sa napipilitan na pagbigyan ang kapamilya o kaibigan? And ending, matatapos ang gabi nila na nakikinig lang siya sa sad stories ng mga clients na iyon. And over and over, all she could hear was plead of acceptance that other people couldn't give them

            "It's okay. Just relax." Sabi niya dito. "I've handled situations like this." Lumakad siya at dinampot ang bote ng whisky na nakita at tumungga doon. Napangiwi siya sa pait. Ayaw talaga niya ng lasa ng ibang alak. Tequila lang talaga ang masarap sa panlasa niya.

            Hindi pa rin tumitinag ang lalaki at nakatingin pa rin sa kanya. Lumapit na siya dito at lalo lang itong na-tense.

            "Relax," marahan niyang hinimas ang braso nito at nakita niya ang sunod-sunod na paglunok ng lalaki. "Are you bottom or top?"

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon