REVELATION

7.3K 392 57
                                    

"It's painful to say goodbye to someone you don't want to let go, but more painful to ask someone to stay when you know they want to leave." - Unknown

-------------------------------

"It's been two weeks."

"Yeah. And it already bothers me."

Napailing si JM sa naririnig nag-uusap malapit sa kanya. Naroon siya sa garden ng mommy niya dito sa ancestral house nila sa Bataan at nakaharap sa mga trabaho niya. Marami siyang mga contracts na kailangang basahin at pirmahan. Lahat ng trabaho na iniwan ni David ay siya na ang humarap matapos niya itong tanggalin sa company niya.

"I know. It bothers me too. Hindi naman nagtatagal dito ng matagal iyan. Staying here for one day will kill him already. But two weeks? Hindi kaya multo na 'yang si bunso?"

Natawa siya. Sigurado siyang si Jonah ang nagsalita.

"I can hear you, douchebags." Natatawang sabi niya pero hindi tinitingnan kung nasaan ang mga ito.

Maya-maya nga ay naupo na ito sa harap niya. Sinamaan lang niya ng tingin ang mga kapatid at ipinagpatuloy ang ginagawang trabaho.

"And what are these?" Si Jeriel iyon at tinitingnan ang mga papel na nasa mesa.

"Paper works. May mga ganyan ka din sa opisina mo 'di ba? Na dapat mong iniintindi. Bakit nandito kayo ngayon? Gusto 'nyo bang masermunan ni daddy?" Sagot niya sa mga ito.

Nanatiling nakatingin sa kanya ang mga kapatid niya. Bumulong si Jeriel kay Jonah tapos ay humarap sa kanya.

"Pahiram ng kotse mo. May pupuntahan lang ako sa palengke." Sabi ni Jonah.

Walang imik niyang kinuha sa bulsa ang susi ng Aventador niya at inilapag sa mesa.

"Paki-ingatan lang na huwag magasgasan." Sagot niya at ipinagpatuloy ang trabaho.

"I told you he is pissed. Alam mong nagpapahiram lang ng kotse iyan kapag bad trip." Boses ni Jeriel iyon.

"Why are you pissed, JM?"

Hindi siya agad nakasagot sa tanong na iyon ng panganay na kapatid. Seryoso na kasi itong nakatingin ngayon sa kanya pati si Jeriel.

Napalunok siya at pilit na ngumiti.

"Tambak ang trabaho ko. Sino ang hindi maiinis?"

"I heard you fired out David. What happened?" Si Jeriel iyon. Kakilala din naman kasi nito si David.

"Normal naman sa mga business partners magkaroon ng falling out. We argued, he doesn't like my decisions then I let him go and paid him well. Simple." Matipid na sagot niya.

"Boys, can you please leave your brother alone? Hindi 'nyo ba nakikita at nagta-trabaho."

Pare-pareho silang napatingin sa mommy nila na paparating na may dalang tray ng juice at may sandwich pa.

"Mommy, malapit na talaga kaming magtampo sa iyo. Kami ni Jeriel ang dalas bumabad dito hindi mo man lang kami ipinaghahanda ng ganyan. Samantalagang itong si bunso, may pa juice at sandwich pa." Kunwari ay nagdadabog pa si Jeriel. Natatawa talaga siya dito. Alam naman niyang nagbibiro lang ito.

"Nagtampo ka pa. Minsan lang umuwi dito ang kapatid 'nyo kaya pagbigyan 'nyo na akong pagsilbihan siya. Doon na nga kayo. Huwag iyong busy sa pagta-trabaho ang iniintindi 'nyo. Go. Kapag hindi pa kayo umalis isusumbong ko kayo sa daddy 'nyo na wala kayong ginagawa," sinisenyasan pa ng mommy niya ang dalawa na umalis na.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon