6

7.5K 311 36
                                    

THE MISTRESS

"I told you I am out."

Hindi pinansin ni Jane ang pagsimangot ng mukha ni Jonie. Nagpatuloy lang siya sa paglalagay ng make-up sa mukha at napangiti pa ng magandahan sa blending ng bagong bili niyang foundation sa mukha.

"Beks, look this foundation, o? Ang ganda-ganda ng blending. Na-conceal ang pimple marks ko," amazed na amazed na sabi niya habang inilapit pa ang mukha sa salamin para talagang ma-check kung natakpan ang pimple marks niya.

"Makinis naman ang mukha mo, bruha kaya hindi mo na kailangan ang foundation na 'yan. Libo-libo ang ginastos mo sa make-up na 'yan tapos hindi mo naman maipaparada sa mga clients mo." Romolyo pa ang mata ni Jonie.

Natawa si Jane sa arte ng kaibigang bakla. Pinatungan niya ng powder blush ang mukha niya tapos ay naglagay ng blush on.

"Tigilan mo ng mag-make-up. Maganda ka na nga. Kahit paulit-ulit ka sa akin na out ka na, hindi pa rin ako titigil ng kakakulit sa iyo. Pinagbigyan na kitang sumama diyan sa boylet mo sa Macau. Nagjugjug na kayo forever. Nag-play na kayong husband and wife dahil isinama 'nyo pa ang mga junakis niya. Pero girl, back to reality na. Baka ipa-hunting na ako ng mga clients mo kung hindi pa rin kita lalabas." Tingin ni Jane ay gusto ng umiyak ang hitsura ni Jonie. "They've been bugging me for weeks!"

Ibinagsak niya ang hawak na blush on at humarap dito. Gusto niyang matawa sa hitsura ni Jonie. Talagang nagpapaawa ang hitsura.

"Beks, chance ko na 'to. Mahal ako ni Tony. Tanggap niya kung ano ako. Ito na 'yung chance ko para makawala sa buhay na 'to. Sana maintindihan mo naman." Hinawakan pa niya ang kamay ng kaibigan at iniipit iyon sa leeg at balikat. "Ayaw mo bang natagpuan ko na ang happy ever after ko?"

Inis na hinila ni Jonie ang kamay niya pero alam niyang sinasadya lang nito ang magalit kunwari.

"Nanghihinayang lang kasi ako sa mga clients mo. I mean, sa lahat ng mga hawak ko, ikaw talaga ang mabenta dahil you are doing out of the box treatment to your clients. Hindi ka nila makalimutan. They are willing to pay huge amount just to book you again." Mas mukhang problemado na si Jonie ngayon kaysa nanghihinayang. "Alam ko mahilig ka sa mamahaling tequila, i-o-order kita ng pinakamahal na tequila, bumalik ka lang."

Pinisil niya ang mukha ni Jonie na naging handler na niya sa maraming taon. Ito ang tumulong sa kanya kung paano siya makakakuha ng maaayos at mayayamang clients.

Umiling siya at lalong parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha ni Jonie tapos maya-maya ay sumimangot na.

"Sigurado ka na ba diyan sa Tony na iyan? Talaga bang walang sabit iyan at walang asawa na eeskandalo sa iyo? Ang tagal-tagal mong iningatan ang sarili mo. Hindi ka nila kilala bilang si Jane Infante. Ikaw ay kilalang si Natasha Mondejar." Kinuha nito ang wig niya na lagi niyang ginagamit sa pagdi-disguise. "Ibig sabihin hindi mo na gagamitin ito? Kahit na escort ka, hindi ka naman bastusin dahil hindi ko naman papayagan na maging ganoon ka."

Tumaas ang kilay niya at muling humarap sa salamin.

"Some of my clients often get my services because they only wanted companionship. Kailangan nila ng maidi-display na magandang date sa mga kakilala nila. Those clients are losers na gustong maging in. Hindi lahat ng clients ko sex ang habol sa akin." Dumiin na ang paglalagay niya ng blush on sa mukha niya. Napahinto siya ng mapansin na masyado ng pumula ang pisngi. Inis siyang humugot ng tissue at binura iyon.

"Hindi nga lahat ng tao naiintindihan ang trabaho mo." Kumuha din ito ng tissue at tinulungan siyang burahin ang kumapal na blush on sa pisngi. "Mas ang nasa isip ng mga tao, basta escort pang-jugjug na."

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon