16

7.1K 348 47
                                    

A/N - Natagalan ang update dahil may mga stories pa akong tinapos na kasama sa new series ng EKPH. Oh, and sa mga nagtatanong, ang first book na available is Bad Night. You can send a message for inquiries.

- S. Lei

---------------------------------------

LUCY AND BOY'S CHARITY EVENT

Taon-taon, inaabangan ng mga tao ang Lucy and Boy's Charity Event.

Kilalang-kilala ang event na ito sa mga socialites at mayayamang tao sa bansa. Karamihan sa mga pumupunta ay mga businessmen, government officials, mga philanthropist. Hindi basta-basta nakakapasok sa event na ito kung walang invitation. Lahat kasi ng nangyayari sa loob ay sikreto. Kahit ang media ay hindi rin nai-invite kung hindi gugustuhin ng mga organizers.

Kahit wala namang kakaibang nangyayari sa loob, ang mga organizers kasi ay inaalagaan ang mga identities ng mga taong pumupunta doon. Hindi kasi birong pera ang umaandar sa tuwing nangyayari ang event. Nagkakaroon kasi ng auctions ng mga importante at mamahaling gamit ng mga guests at ang nakokolektang pera ay napupunta sa mga charity institutions na sinusuportahan ng organizers.

Pero taon-taon, kailangang present sa event na ito si JM. His parents would kill him if he didn't show up. Like last year that he needed to go abroad and wasn't able to join this event. Katakot-takot na sermon ang salubong sa kanya ng daddy niya nang umuwi siya.

"Akala ko MIA ka na naman ngayon. Inihahanda ko na ang sermon speech ni daddy sa pagdating mo," natatawang bati ng Kuya Jonah niya sa kanya. Agad siya nitong inabutan ng beer at nakipag-toast dito. Sabay silang uminom sa hawak na bote.

"Ayoko ng maulit ang nangyari last year. Akala ko idi-disown na ako ni daddy sa tindi ng galit niya," natatawang sagot niya at tiningnan ang paligid. Tinitingnan niya ang mga tao at madami-dami na rin. Ang mga gamit na for auction ay inaayos na ng mga staff ng event.

"Siraulo ka kasi. Itaon mo ba naman ang travel mo sa importanteng event na ito." Natatawang sagot nito.

"I need to attend to that. My business was just starting kaya kailangan kong personal na tutukan. I had to choose. Saka alam ko naman na sesermonan lang ako ni Dad but after that, okay na ulit. Kita mo nga, natuwa pa siya na nagawa kong maayos ang company ko ng walang tulong niya."

Umakbay sa kanya si Jonah. "And I am proud of my little bro. Nag-text ba sa iyo si Jeriel? Kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot." Kinuha ni Jonah ang telepono at sinubukan i-dial ang numero ng isa pa niyang kuya.

Umiling lang siya at tumingin sa paligid. Naramdaman niyang nag-vibrate ang telepono niya sa bulsa at kinuha iyon. May message na galing kay Nancy. Sinasabing tapos na daw si Jane at papunta na sa lugar niya. Lalong lumapad ang ngiti niya nang buksan ang litratong ipinadala ni Nancy. Hindi siya nagkamali sa pagkuha ng serbisyo ng babae. Talagang pinaganda nito si Jane at hindi na siya makapaghintay na makita ang babae sa personal.

"And who is that?" Kunot-noong tanong ni Jonah at sinilip pa ang telepono niya. Agad niyang pinatay iyon pero naagaw ng kapatid niya at pilit na binubuksan. Hindi naman nito magagawa dahil mayroon siyang passcode doon.

"Come on, Jonah. Give it to me," pilit niyang inaagaw ang telepono pero tumatawang umiiwas ito. Naka-suot lang sila ng suit pero para silang mga batang nag-aagawan sa isang laruan.

"Tell me who is the chick." Tumatawa pa itong tumatakbo at tinungo ang lugar ng mommy nila. Naroon din pala ang isa pa nilang kapatid.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon