17

6.6K 329 27
                                    




SANDERAS FAMILY

            Masasarap ang mga pagkain na nakahain sa mesa pero hindi magawang sumubo man lang ni Jane. Hindi nga siya makagalaw ng maayos. Pakiramdam niya ay de-numero ang pagkilos niya. Sanay naman siya sa mga ganitong pagtitipon. Ang hindi siya sanay ay ang humarap sa isang buong pamilya ng isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas.

            "Fifteen years na ang charity event na ito at napakaraming charity institutions na natutulungan. Look at Peter. He bought the painting that Consuelo's son made even if it's going to cost him a fortune. People here are willing to shell out millions just to help the poor," dama ni Jane ang pagmamalaki sa boses ni Mrs. Sanderas habang nagkukuwento ito sa harap nila. Nakita niyang nagsisikuhan ang magkakapatid at impit na nagtatawanan.

            "Mom, you've been telling us that every year," komento ng kapatid ni JM. Sa pagkakaalam niya, ito ang pangalawa sa magkakapatid at tingin niya, ito ang pinaka-pilyo.

            "And I am telling it again. Para hindi 'nyo makalimutan. Time will come kayo na ng mga kapatid mo ang magtutuloy nito." Nakangiting binalingan siya ng tingin ng matandang babae. "Jane, you're not touching your food."

            Napilitan siyang ngumiti. "I-I am full, Ma'am."

            Napairap ang matanda. "Oh, please stop calling me Ma'am. Tita Lucy is fine. So, where did you meet my son?"

            Napatingin siya sa gawi ni JM at nakatingin lang ito sa kanya. Pinanlalakihan niya ito ng mata dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi nila iyon napag-usapan ng lalaki. Baka hindi sila magkapareho ng sasabihin at mabuko sila na isa siyang escort.

            "We met in my office. She's an account executive of one of my clients," nakatingin sa kanya si JM. Marahan siyang tumango dito at pasimpleng napabuga ng hangin.

            "You're still working with his client?" Takang tanong ng daddy ni JM sa kanya at tumingin sa lalaki. "Iho, mukhang nagiging mabagal ka. Hindi mo pa siya sinusulot para magtrabaho sa iyo?"

            Tawanan ang mga kapatid ni JM at marahang hinampas ng mommy nito ang matandang lalaki.

            Tatawa-tawang napailing si JM. "Dad, it's not that easy."

            "Ano ang hindi easy doon? You are good businessman." Tumingin sa kanya ang matandang lalaki. "You know iha, my bunso is so secretive. He doesn't want to associate himself with us. He had this principle that he wanted to be a self-made man. All his success right now, he worked hard for it. Hindi ko tinulungan iyan. And I am so very proud of him," kitang-kita naman talaga niya talaga na nagmamalaki ang hitsura ng tatay ni JM. "Pero minsan, nakakasama din ng loob kasi kapag nai-interview siya at napi-feature sa mga magazines, parang ikinakahiya niya na isa siyang Sanderas."

            Natatawang napailing na lang si JM. "Dad, I told you my reason. Ayokong isipin ng tao na kaya ako naging ganito ay dahil sa inyo."

            "Yeah. Yeah. Your life principles." Sabat ng panganay na kapatid nito. "Kay bunso ka lang ba proud, Dad? Hindi ka ba proud sa amin ni Jeriel?" Himig na nagtatampo si Jonah.

            Tawanan na naman ang mga nakapaligid sa kanya.

            "Proud ako sa inyong lahat. All of you are successful in your way." Sagot ng matanda.

            "Jane, what is your course?" Napatingin siya sa mommy ni JM at umiinom ito ng hawak na wine.

            Napalunok siya. Bakit kailangan bang alamin ang course niya? Sasabihin ba niya ang totoo? Ano nga ang script niya sa tuwing tinatanong siya tungkol sa educational background niya? Psychology graduate dahil iyon naman talaga ang course niya noon. Pero ang totoo, hanggang second year college lang siya sa kolehiyo.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon