COUNSELOR

7.6K 384 60
                                    

DON'T CRY BECAUSE IT'S OVER. SMILE BECAUSE IT HAPPENED. - Dr. Seuss

==============

"We at Safe Sanctuary, takes time to listen to your story. We are on your side."

Nakatitig lang kay Jane ang teenager na sa tingin niya ay mga sixteen years old lang. Anak ng isang expat dito sa Pilipinas. Napakaganda ng bata. Blue eyes, blonde hair. Pero kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot. Walang tigil ang pagpisil nito sa mga kamay. Ramdam na ramdam niya ang pag-aalala nito kaya hinawakan niya ang kamay nito at tumingin ito sa kanya.

Biktima kasi ito ng rape. Her own private tutor raped her at naging isang high profile case ngayon na sinusundan ng media dahil kilalang businessman ang tatay ng bata.

"Relax. You're safe here. You can tell me everything and no one is going to judge you." Gusto niyang makuha ang tiwala nito.

Pagkarinig noon ay biglang umiyak ang dalagita. Hagulgol ng sobra. Pinigil niya ang sariling mapaiyak din. Ilang beses na ba siyang nakakita ng ganito. Ilang beses na siyang nakaharap ng mga babaeng biktima ng rape. Pero sa tuwing haharap siya sa mga ito at makikita ang paghihirap nila, hindi pa rin niya maiwasan na hindi maalala ang nangyari sa kanya.

"I know it's not easy to open up what happened to you to a stranger like me. But trust me. I know what you're going through, and I understand your pain. If you want to tell me your story in your own time, I am willing to wait and I am going to listen." Titig na titig siya sa mata nito.

Hindi naman siya naghintay ng matagal. Nagkuwento na rin ito sa kanya kung anong nangyari dito. It was recorded para sa investigation ng mga pulis.

Six months ng volunteer sa facility na ito si Jane. After she got out being an escort, and left her home, she decided to study again and look for something that will give a meaning to her life. Gusto na niyang kalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya. She wanted a clean slate. New life.

New hope.

Kaya nang kausapin niya si Jonie, nakiusap siya dito na tanggalin na ang lahat ng contacts sa kanya. Burahin na si Natasha Mondejar. Sabihin sa lahat ng mga clients niya na wala na siya at hindi na babalik. Kahit kay Jade, sinabi niyang mawawala siya ng matagal. Alam naman niyang nasa mabuting kamay na ang kapatid niya kaya hindi na siya dapat mag-aalala.

Kaya ngayon, narito siya sa Safe Sanctuary. Isang secluded facility sa Cagayan de Oro para sa mga rape victims. Volunteer lang naman siya every weekends pero mas madalas, siya ang pinapatawag ng head doon dahil mas gusto ng mga biktima na mag-open sa kanya. Siguro kasi ay nakaka-relate siya sa mga nangyari sa mga iyon dahil naranasan din niya. Hindi siya nahihiyang sabihin sa mga biktima ang nangyari sa kanya.

Bumalik din siya sa pag-aaral. Nasa third year na siya sa college sa kurso niyang Psychology. Tatapusin talaga niya ang kurso niyang iyon. Matagal na rin naman niyang pangarap ang makatapos ng pag-aaral.

At nagagawa naman niyang maayos ang lahat. Araw-araw siyang busy sa pagpasok sa eskuwela. Sapat naman ang naipon niyang pera para makapagsimula siya uli. Hindi nga lang ganoon kabongga katulad noong nagta-trabaho siya bilang escort. May extra income siya bilang taga-gawa ng term papers ng mga estudyante sa pinapasukang university. Dean's lister din siya kaya malaki ang natitipid niya sa tuition. Mahirap ang sitwasyon niya ngayon hindi katulad noon na isang gabi lang ay kaya niyang kumita ng malaking pera pero mas pipiliin niya ang buhay niya ngayon.

She never felt peace until now.

Iyon nga lang, alam niyang may kulang.

Si JM.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon