LETTING GO

6.6K 344 66
                                    

"The saddest part in life is saying goodbye to someone you wish to spend your lifetime with." - Unknown

---------------------------

"Bakla! Bruha ka! Na-miss kita!"

Ang sakit sa tainga ng malakas na boses ni Jonie nang makita nitong nakatayo sa harap ng tinutuluyang unit si Jane. Napangiti siya kasi kitang-kita niya na masaya ang kaibigan na nagkita silang dalawa. Matagal-tagal na rin nang huli silang magkasama kaya talagang excited ito na nandito siya. Agad siyang hinila para makapasok sa loob.

"Ang taray naman ng beauty. Ibang-iba ka na talaga, girl. Ibang mag-alaga si Mr. Sanderas, ha? Fresh na fresh ang hitsura mo. Ang ang aura mo, yayamin na. I mean, mukha ka na namang yayamanin noon pa kahit naka-disguise ka as Natasha Mondejar. Pero iba ngayon. Classy na yayamanin. May pa-shades ka pa. Tanggalin mo na 'yan at hindi naman mataas ang sikat ng araw dito sa loob ng unit ko. Feeling mo si Jackie O ka. Pero in fairness bagay sa iyo. Nakakainggit kang bruha ka," bahagya pa nitong sinabunutan ang buhok niya kaya natawa siya.

Naupo si Jane sa couch na naroon. Pigil na pigil ang sarili. Kanina pa siya umiiyak. Kaya siya nagpunta dito kay Jonie ay para makahinga. Hindi na niya alam kung paano niya sasabihin kay JM ang desisyon niya.

"Ano gusto mo? May soda ako dito. Fruit juices." Sabi pa nito habang nagbukas ng ref at nagtitingin doon kung ano ang puwedeng i-offer sa kanya.

"Kahit ano basta alak."

Napahinto si Jonie sa pagtingin sa ref at tinapunan ng tingin ang relo.

"Girl, alas-diyes lang ng umaga. Naghahanap ka ng alak. Iyan ba ang itinuro sa iyo ni Mr. Sanderas? Ang maging alcoholic?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

Tinanggal niya ang suot na shades kita niyang nanlaki ang mata ng kaibigan nang makitang mugtong-mugto ang mata niya. Agad itong lumapit at tumabi sa kanya.

"Anong nangyari? May ginawang masama sa iyo ang lalaking iyon?" Kitang-kita niya ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kanya.

Hindi na niya mapigil ang pagtulo ng luha at umiling.

"Iyon nga ang problema. Wala siyang ginagawang masama."

"Ngayon? Bakit ka umiiyak kung wala naman palang ginagawang masama?" Takang tanong nito.

"He asked me to marry him." Napahagulgol siya ng sabihin iyon.

Lalong naguluhan si Jonie sa sinabi niya.

"Inalok ka ng kasal tapos umiiyak ka? Sa lahat ng inalok ng kasal ikaw ang luka-luka. Bakit ka umiiyak?" Dama niyang naaasar na ang tono nito.

"Dahil hindi niya ako dapat pakasalan. Hindi ako bagay sa kanya."

Napairap si Jonie at lalong tumaas ang kilay sa kanya.

"Alam mo, 'nung si gagong Tony ang nag-alok sa iyo na pakikisamahan ka at later on pakakasalan ka, talagang ako ang numero unong kontra. Bakit? Dahil ramdam ko, at alam ko, lolokohin ka ng lalaking iyon. Nagkamali ako? Hindi 'di ba? Anong ginawa sa iyo? Ginawa kang kabit. Kahit kailan, hindi pa ako sumablay. Kamag-anak ko yata si Madam Auring kaya laging tama ang mga hula ko. Si Mr. Sanderas, hindi ko pa nakikita ng personal alam ko na maayos na tao at mukhang baliw na baliw sa iyo," mahabang litanya nito.

"Iyon nga ang problema. Maayos na tao si JM. Maayos ang pamilya. Tapos ako. Ano ako? Jonie, alam mo kung anong nangyari sa akin. Alam mo kung gaano kapangit ang nakaraan ko at ayokong madamay si JM doon." Pasinghot-singhot siya habang sumasagot.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon