1

17.2K 427 28
                                    

THE ESCORT

It will be just like the other nights.

Paulit-ulit ang salitang iyon sa isip ni Jane habang naglalakad siya papasok sa Carlisle Hotel. Hindi niya pansin ang tingin ng mga nakakasalubong niya. Sanay na naman siya na laging tinitingnan ng mga tao. Bata, matanda, lalaki o babae. Inayos pa niya ang suot na shades na tumatakip sa mata niya. Siniguro niyang maayos ang pagkakakabit ng light brown blonde wig sa ulo tapos ay bahagyang inayos ang fitted dress niyang suot.

"Reservation for Mr. Ramon Hugo. I am Natasha Mondejar. He is expecting me," ngumiti siya ng matamis sa lalaking nasa front desk tapos ay hinubad ang suot na shades para maipakita ang blue-gray shade ng contact lens niyang suot.

Gustong matawa ni Jane nang makita na natataranta ang lalaki sa harap niya. Bahagya siyang naparolyo ng mata. Sanay na sanay na siyang karamihan ng mga lalaking nakakaharap ay ganoon ang reaksyon sa harap niya. Nag-dial ito at may kinausap tapos ay humarap sa kanya.

"R-room 624."

"Thank you." Hinawakan pa niya sa baba ang lalaki tapos ay ngiting-ngiti na naglakad para tunguhin ang elevator. May iba siyang mga kasabay sa lift at napapangiti lang siya sa nakikita niyang paghanga sa bawat tingin ng mga lalaki doon.

Paghinto sa 6th floor ay lumabas na siya. Tumunog ang telepono niya at agad na sinagot iyon.

"It's his first time. Halatang hindi pa nga sigurado kung talagang magpapa-book ng full service. Be gentle to him."

Natawa siya sa sinabi ni Jonie sa kanya.

"Relax. Ako pa ba? Parang hindi mo naman ako kilala. Ako na ang bahala dito."

"Tony called me again and he is booking your services for tonight. Sabi ko naka-book ka na. Willing daw siyang maghintay." Dama niya ang biglang pag-iba ng tono ni Jonie.

"Inis ka pa rin ba kay Tony? He is good client and always pays good. Malaki ang nakukuha mong commission sa kanya." Naglakad siya patungo sa silid na dapat niyang puntahan.

"He is paying good, but he is snatching you away from me. Nadadalas na ang pagkikita 'nyo, Jane. Wala ka ng ibang bukang-bibig kundi ang pangalan ng lalaking iyon. What happened to your rules?" Tonong nanenermon na si Jonie.

"I still got my rules. Jonie baby, relax. I am still your top girl." Huminto na siya sa tapat ng silid at inayos ang sarili. "Book Tony for tonight. This will be just for three hours tapos didiretso na ako sa kanya pagkatapos ko dito."

"Jane, you don't do double booking in a night. Baka nakakalimutan mo iyon." Paalala nito.

"Sige na. Ako na ang bahala. Text me the details kung saan kami magkikita."

Napahinga ng malalim ang kausap niya. "Fine." Pagkasabi noon ay busy tone na ang narinig niya.

Napabuga siya ng hangin at nag-buzz sa pinto. Bumukas iyon at isang lalaki na nasa early fifties ang nagbukas ng pinto sa kanya.

"Ramon?" Ipinakita niya ang pinakamatamis niyang ngiti na alam niyang kahit sinong lalaki ay mahuhumaling. Pero hindi ngumiti pabalik ang lalaki sa kanya. Tiningnan lang siya mula ulo hanggang paa tapos ay tumungga sa hawak na bote ng alak. Pansin niya ang panginginig ng kamay.

"N-Natasha?" Paniniguro nito.

Tumango siya. "Can I come in?"

Sunod-sunod ang tango nito at nilakihan ang bukas ng pinto. Pagpasok niya ay inilapag niya ang dalang bag sa sofa at dumiretso sa bar area ng silid. Dinampot ang miniature bottle ng Tequila Patron at binuksan tapos ay dire-diretsong ininom. Napapikit pa siya sa pait ng alcohol pero parang binuhay noon ang adrenalin sa katawan niya. Nabuhay ang bawat himaymay ng katawan niya.

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon