15

7.9K 340 24
                                    

"Never look back. If Cinderella went to pick up her shoe, she wouldn't become a princess."

STYLIST

Natatawa si Jane habang tinitingnan niya ang kakambal na hindi mapakali sa harap ng salamin. Ilang beses na itong nagpalit ng damit kaya tumayo na siya at binuksan ang kanyang aparador at may kinuhang black spaghetti strap dress at iniabot dito.

"When in doubt, wear black." Sabi niya at muling bumalik sa kama at kinuha ang telepono. Naghihintay lang siya ng text mula kay JM. Sabi kasi ng lalaki ay may iti-text itong pangalan ng tao at address na kailangan niyang puntahan bago siya dumiretso sa event na pupuntahan niya mamaya.

Nahihiyang tumingin sa kanya si Jade. "Hindi mo pa nasusuot 'to." Tiningnan nito ang ibinigay niyang damit. May tag price pa nga na nakakabit doon.

"Sa 'yo na 'yan. Try mo na. Baka mainip pa si Nik sa paghihintay sa iyo." Patuloy siya sa pagba-browse ng telepono niya.

Isinuot naman iyon ni Jade at nang tingnan niya ay ang ganda na ng ngiti ng kakambal niya. Nagustuhan nito ang damit. Bagay na bagay naman talaga.

"Mas sa iyo pala bagay 'yan." Komento niya.

"Thank you, Jane. Kahit kailan talaga life saver kita." Sinuklay nito ang buhok at naupo sa harap ng tokador para maglagay ng make-up sa mukha."

Ngumiti lang siya dito at muling itinuon ang tingin sa cellphone. Bina-browse niya ang article na nakita niya tungkol kay James Matthew Sanderas. Inaalam niya kung sino talaga ito. Bukod kasi nababasa niyang ito ang may-ari ng Movers at isa itong self-made billionaire, wala na siyang alam tungkol sa lalaki. Well, paulit-ulit lang niyang nababasa na certified bachelor ang lalaki at maraming mga babae ang humahabol.

Napairap siya nang mabasa iyon. Maraming babaeng humahabol pero bakit kailangan pa nitong magwaldas ng malaking pera para lang bayaran ang katulad niya? Tingin niya, may something sa lalaking iyon. Walang matinong lalaki ang gagastos ng malaking pera para lang sa katulad niyang nagbibigay ng panandaliang aliw sa iba.

"Nagpunta na naman dito 'yung boyfriend mo."

Tumingin siya sa gawi ni Jade. Naglalagay na ito ng blush on ngayon.

"Hindi ko na boyfriend iyon. Hinarap mo pa ba? Sabi ko sa iyo huwag mo ng haharapin iyon. Hindi ko na nga iyon kinakausap."

"Jane, ayaw mo bang pakinggan ang explanation niya? Nakakaawa kasi talaga. Parang iiyak na at nakikiusap kung saan ka niya puwedeng puntahan."

Napairap siya tapos ay umiling. "Kapag nalaman kong talagang hiwalay na sila ng asawa niya, saka ko siya kakausapin. Alam mong ayaw ko ng eskandalo, Jade. Kaya nga ako nagtitiyaga na mag-disguise sa tuwing sasama ako sa clients ko para mapangalagaan ko ang reputasyon mo. Para hindi ka maeskandalo. Eskandalosa pa naman ang asawa 'nun."

"Pero mahal mo kasi. Nagpapaka-tough ka lang kaya mo sinasabi iyan."
Huminga siya ng malalim at lumapit sa kapatid. Siya na ang nag-ayos ng make-up nito.

"I know when to let go, Jade. Kahit mahal ko si Tony, hindi ako papayag ng ganoon. Ganito na nga ang trabaho ko, magiging kabit pa ba ako?"

Naka-receive siya ng text galing kay JM.

Meet Nancy Persula in Shangri-La Makati. My driver is already at your house. Nancy is waiting for you.

Napabuga siya ng hangin at tumayo na. "I have to go. Medyo demanding ang client ko ngayon. Okay ka lang naman 'di ba? I am sure Nik will take care of you."

BAD HEART | Bad Series 3 (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon