Tatlong buwan nalang matatapos na ang aming residency, kaya naman talagang nagiging busy na kami lalo. Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng ospital ng makasalubong ko si Hans tsaka si Krystal na nagtatawanan.
"Daming oras ah." pagbibiro ko,napatigil naman sila at tumingin sa akin.
"Eli ikaw pala yan."medyo gulat na sabi ni Krystal.
"Pa share naman ng tinatawanan niyo, para matuwa naman ako kahit konte." biro ko ulit dahil parang nakakatawa talaga yung pinaguusapan nila.
"Uh, it's a just a lame joke, sadyang mababaw lang kaligayan namin."sagot ni Krystal kaya tumango nalang ako.
"By the way, nasan pala si Mateo?" biglang tanong ni Hans.
"Ay oo nga, kanina pa namin siya hinahanap, may pinamimigay si Doc. Madrigal na files sa kanya." saad ni Krystal at pinakita ang hawak na puting folder.
"Ewan ko, magkaiba kami ng schedule ngayon eh, wala ba sa office ng department namin?" tanong ko.
"Wala eh." napakamot si Hans sa batok niya.
"Did you try calling him?" medyo nagaalalang tanong ko, parang familliar na scene na 'to, kinabahan ako bigla.
"Uh...he's not answering." sagot ni Krystal.
"Fuck." napatingin kami kay Hans at parang pareho ang iniisip namin.
"No...no...it's not happening, not again." umiiling na sabi ni Krystal ng ma gets ang iniisip namin.
Agad kaming napatakbo papuntang rooftop pero bago kami makarating doon ay nakasalubong namin yung isang kasama namin sa department, si Doc Lyod, kaya tumigil ako sa pagtakbo pati narin sila Hans.
"Doc, did you by chance saw Doc.Acosta?" I asked hopingly.
"Wait, lemme think." sagot niya and we are very eager to hear his answer.
"Ah, hes currently on a surgery, inassist niya si Doc.Kiana." sagot niya, sabay sabay kaming nabunutan ng tinik ng marinig ang sagot niya.
"Ganoon po ba, sige po salamat." nakangiting saad ko and he just returned the smile before proceeding his way.
"Woah! kinabahan ako 'don ah." saad ni Hans habang nakahawak sa dibdib.
Natapos ang Shift ko sa boung araw at di ko pa nakikita si Mateo, alam kung busy lang siya pero di parin nawawala sa akin ang kaba kaya naman di ako makauwi uwi at nakatambay lang sa excit ng ospital at hinihintay siya.
"Di ka pa pala umuuwi?" gulat na tanong ni Krystal ng makita ako, mas nauna kasing natapos ang shift ko.
Napatingin ako sa likod ko at nakita sila Nikolai at Li.
"Eli kaw pala yan." saad ni Li sa akin, nginitian din ako ni Nikolai.
"Uwi na kayo?"tanong ko sa kanila.
"Oo, sasabay ako kila Niko, pinaayos ko kasi yung onting sira ng sasakyan ko." sagot ni Krystal.
"Ah...sige ingat kayo sa pag uwi." sabi ko nalang.
"Bat ikaw? di ka pa uuwi?" nagtatakang tanong ni Krystal.
"Oo eh." sagot ko.
"You're waiting Daniel right? baka mamayang alas dose na 'yon makauwi, kinailangan siya sa neurosurgery kanina, heart and brain complication kasi." pag singit ni Nikolai.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Love (Medical Series#1)
Teen FictionLauren Fernandez is secretly admiring Mateo Acosta a guy from her High School, but unfortunately, Mateo's heart was set to someone else. After finishing college, they met again in Medical School and took their residency on the same hospital.