Chapter:2

2.9K 76 10
                                    

"Do you want me to pick you up?" tanong ng bestfriend ko mula sa kabilang linya. Naka-loud speaker ang cellphone ko dahil kasalukuyan akong nag to-toothbrush.

Kinuha ko ang baso at nag mumog ng tubig."No need mag tataxi nalang ako, mauna ka na sa venue, don't waste some gas."

"Eh sa wala akong tiwala sayo eh, baka mamaya nang sscam ka nanaman diyan, na di ka pala pupunta." pagrereklamo niya.

Kinuha ko ang phone ko at lumabas sa banyo."Pupunta nga ako, nag titingin na nga ako ng susuotin eh."

"Siguraduhin mo lang yan Lau ha, susugurin talaga kita mismo diyan sa pag di ka sumipot." pagbabanta pa niya bago pinatay ang tawag. Napailing nalang ako at kinuha ang nakita kung susuotin ko.

I changed into a black high waisted pants at white shirt na may na may nakasulat sa gitna na 'it's okay' kinuha ko rin ang itim kung jacket na abot hanggang pwet dahil malapit nang mag pasko at malamig sa labas lalo na pag gabi.

Winayway ko ang buhok kung hanggang balikat at inayos ang bangs ko bago maglagay ng lip tint. Kinuha ko ang itim kung sling bag at sinout ang puti kong sapatos. I made sure to get everything I need bago ako lumabas ng bahay.

Pumara ako ng taxi pag karating ko sa labas at agad naman akong nakasakay. Tumingin ako sa oras at nakitang mag aalas otso na ito ng gabi. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating narin ako sa venue. Rumenta sila ng isang resort kung saan gaganapin ang reunion. Pagkababa ko ng taxi ay nakita ko ang iba kung mga classmates nung high school, nagkwekwentuhan na ang iba, ang iba naman lumalafang na.

"Omg! Lau is that you!?" parang gulat na tanong ni Andrea, isa sa mga classmate ko. Siya kasi ang unang nakapansin sa pagdating ko.

"Hi, kumusta na?" tipid na tanong ko.

"I'm fine, how about you? Balita ko pumasok ka sa med school,wow."

"Yeah, I'm fine and yes, I'm already in my last year of residency."nakangiting sagot ko.

"Wow, advanced congrats, buti nakakasurvive ka pa, you walked on one of the hardest paths." nakangiting saad niya. Naputol ang pag uusap namin ng marinig ko ang sigaw ng bestfriend ko dahilan para makakuha siya ng atensyon mula sa iba.

"Lauuuu!"

"Omg Sharry, you're still loud up to now." pang aasar sa kanya ni Andrea.

Tumingin sa akin si Sharry at kinindatan pa ako bago tumingin kay Andrea."Well, I love being loud."

Napailing nalang si Andrea." I'm still wondering kung paano ka naging bestfriend ni Lau eh magkaibang iba kayo, she's a quiet person and you're loud."

"Well I've got that charisma which lured Lau." pamimilosopo niya. Sabay na lang kaming napailing ni Andrea sa mga walang kwentang pinagsasabi nitong si Sharry.

Hinila ako ni Sharry at kinumusta namin ang mga dati naming classmate. I can say that all of them did well, ako lang ata ang on the process pa, ah hindi siya din.

Speaking of him, bigla akong hinila ni Sharry at iniharap sa entrance ng resort, and there, I saw him coming out from a white mercedes benz. Di lang kami ang nakatingin doon, halos lahat ata ng mga classmate ko, especially ang mga babae, di na ako nagtataka, he's also famous like this when we were in high school, sino ba naman ang di makakapansin sa kanya eh, may beauty and brain siya.

Kinurot ako ni Sharry sa bewang kaya napatingin ako sa kanya."Siya pa rin ba?"

Tumingin ulit ako kay Mateo bago nagsalita." Siya parin."

"You're doomed Lau, The love you had for him is so unbelievable, unfortunately, he can't see it." Sharry said to me.

Napangiti na lang ako ng mapait. Bakit ba kasi ako ganito? Kung pwede lang turuan ang puso. Parang gusto ko tuloy operahan ang puso ko at palitan ng bago.

"Kumusta Daniel! Awit gwapo parin ah,mukhang di stress sa Med ah!"pang aasar sa kanya ni Andrea. The typhical Andrea.

Ngumiti lang sa kanya si Mateo, at nakipag apir sa mga iba naming lalaking classmates.

"Ano ang ganap doc. Ikakasal na ba?" biglang tanong ni George. Bigla naman akong na alarma, di ata nila alam na patay na si Shanelle.

Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Mateo bago bumalik sa normal."Pahingi muna ng ikakasal."

Tumawa naman ng malakas si George, mukhang wala talagang alam." Awitt pre, di pa ba sapat si Shanelle?"

"Hephephep, bakit niyo ba hinohotseat yang si Daniel! Tara sa loob pre, hayaan mo yang si George." pag awat ni Zedrick at inakbayan si Mateo at hinila papasok sa loob.

Agad agad namang hinila ni Sharry si George nang makapasok sila sa loob."Gago ka ba? Kalilibing lang ni Shanelle last friday."

Agad namang umawang ang labi ni George at halatang nagulat ito."Hala, gago, bat di niyo sinabi, shit shit shit." sunod sunod na mura niya.

"Puntahan mo, mag sorry ka gago." saad ni Sharry at tinulak sa loob si George na agad namang sumunod.

"Oh ikaw naman, anong balak mo?" pagbaling sa akin ni Sharry.

"Oh bakit ako?" nakakunot- noo na tanong ko.

Bahagya naman itong napailing." Kung magpapatuloy ka sa pagiging manhid sigurado akong tatanda ka ng dalaga"

Nagpunta ito sa loob at iniwan akong magisa. I get what she said, pero hindi ako yung mapagsamantalang tao. Maybe I'm too selfless but what can I do, I am raised like this.

Nagtungo ako sa terrace sa second floor ng resort pagkatapos kung makipag kamustahan sa mga dati kong kamag aral. The area was quite dahil konti lang ang naririto, karamihan sa kanila ay nasa baba at naliligo sa pool including Sharry and my other friends, di ako sumama dahil di ako nag dala ng extra clothes and also dahil wala talaga akong balak mag swimming.

"What are you doing here alone?" bahagya akong nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses. Dahan dahan akong lumingon and I saw him holding a glass of red wine.

"H--hey, w-wala nagpapahangin lang." I even stuttered while answering him. This is the second time he talked to me since high school. The first is nong naging ka grupo ko siya sa isang activity noong high school kami and that's only because of acads..

Sumandal siya sa railings sa tabi ko at tinititigan ang wine na hawak." You want some drinks?"

"No, thanks." maikling sagot ko. I tried to sound normal kahit sa loob loob ko ay parang sasabog na.

Ininom niya ng isang tunggahan yung wine bago nilapag sa katapat na lamesa ang baso."So how are you?"

Is this true? Kinukumusta niya ako?"I'm fine, i-ikaw?

I saw how he looked down before looking up again. "What do you think?"

Napahinto ako sa tanong niya.Maybe he knew that I know, but either way, I can't determine his real emotions, minsan, he looks not so good,minsan he looks fine. I don't know what to believe, if he's pretending to be happy or not. I do not know. "Di ko alam."

I heard him breathe out some air. "I didn't see you at the funeral."

I was shocked when he said that. I'm the least expected person I expected to be noticed at the funeral. "I had surgery that time. By the way,condolence, I meant it. I hope she's in heaven now."

"Yeah, I'm hoping also." saad niya at tumingala sa kalangitan."I knew she's one of the stars now."

Tumingin din ako sa langit, and I saw many stars,hindi pa masyadong malalim ang gabi pero marami na sila.

"So how are you?" I asked again.

His eyes shifted on me so napaiwas ako ng tingin. I didn't see that coming.

"Why are you asking?" tanong niya.

"It's just...uhh.. I-Im curious you know." I tried to say it casually even when I'm not really sure what to say.

Tumingin ulit ako sa kanya ng di siya sumagot. He's no longer looking at me but I can say that he looks amazed. "Curious? I'm a little bit disappointed, I thought because you're worried."

Again, I was shocked. Is he just joking and using sarcasm or does he want to impose something? Di kaya alam niya? Shit.

"I'm going first, I hope you enjoy the rest of the night and yeah, thanks for being curious about how I feel, Elizabeth."

-💛

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon