Chapter:11

2.2K 44 1
                                    

Katatapos lang naming mag usap sa telepono ni Mama, kinumusta niya ako at pinipilit na pumuntang Germany para doon mag pasko pero naka fixed na ang desisyon ko na sa Laguna ako mag papasko, bumigay naman siya sa huli.

Kinuha ko na ang maliit kung bag at pumasok na sa ospital, papunta palang ako ng opisina namin ay may sumalubong na sa akin na nurse.

"Doc, yung pasyente pong may Arrhythmia nag c-cardiac arrest." kinakabahang sabi niya, di ko na siya sinagot at agad na pinuntahan ang pasyente, nakasalubong ko si Mateo sa pinto ng room ng pasyente at sabay kaming pumasok doon.

"Si Doc Gonzaga?" tanong ni Mateo dahil wala ni isang attending Physician doon at dalawang interns lang na parang di pa alam ang gagawin.

"May surgery po siya Doc." nanginginig na sagot nung isang intern.

"Then prepare the defibrillator now!" sigaw ni Mateo at agad namang kumilos ang dalawa.

Binigay sa akin ang defibrillator."100 joules, charge! clear!" sigaw ko habang chinacharge ito pero nanatiling bumababa ang BP nito.

Binigay ulit sa akin matapos ma charge."200 joules, charged! clear."

"250 joules, charge! clear!"

Agad kaming napatigil lahat ng marinig ang tunog ng machine, the line went straight.

"Doc..."nanginginig na sabi ulit nong intern.

"No. This isn't happening." napatingin kaming lahat kay Mateo habang mabilis pinupump ang dibdib ng pasyente, pawisan na siya pero hindi parin bumabalik sa normal ang lahat.

Tumawag ng ibang Physician yung isang Intern para i declare ang pagkamatay.

"Doc..."tawag ko kay Mateo dahil di parin ito tumigil.

"No, he can't die." hinihingal pero may diing sabi niya. Naalala ko noong cinardiac arrest si Shanelle sa gitna ng surgery niya, ganitong ganito din siya doon.

"That's enough Doctor Acosta, you've done enough." pagpigil sa kanya ni Doctor Garcia na kadarating lang. Doon lang siya tumigil ang tumayo sa gilid na pawisan at hinihingal.

"Time of death, 7:45 AM." pagdeclara ni Doctor Garcia at yumuko naman kaming lahat bilang pag respeto.

Matapos ilabas ang bangkay ay nagsialisan na kami, Doctor Garcia even patted Mateo on the shoulder before leaving. Ngayon, dalawa nalang kami ni Mateo sa loob ng kwarto, nakasandal siya sa pader at nakatingala sa kisame.

"Hey, it's okay." I patted his shoulder also to assure him that it's okay and it's not his or anyone's fault.

"He ...died, I...we...didn't save him." mahinang sabi niya.

Sumandal ako sa pader katabi niya at tumitig din sa kisame."Yes, we are Doctors, we save lives, but we can't save a life always because others are predetermined to die. Doctors are considered humans too, we don't have that supernatural powers that heroes have, we are not God, if a person is destined to die, we cannot do anything about that, as long as we did what we thought is our best, that's enough."

"But society thinks different, they look up to us, we need to save a life no matter what, we shouldn't make a single mistake, we should meet that standard of society." sagot niya.

I looked at him."Then fuck society, we are not living for them, we are living for ourselves."

Matapos ang pangyayaring 'yon ay bumalik na ulit sa normal ang lahat, lunch time na ngayon pero kami lang dalawa ni Krystal ang kumakain dahil may surgery silang apat, nachambang nagkasabay sabay silang apat.

"Buti nalang nasa surgery ang apat, lalo na si Hans, tahimik tuloy ang mundo." saad ni Krystal habang kumakain kami.

Napangisi naman ako."Sus, namimiss mo lang eh, bagay kaya kayo."

"Ikaw Eli ha gumaganyan ka na ha."nakangusong sabi niya sa akin kaya bahagya akong napatawa.

"Bakit? bagay naman kayo ah." pangaasar ko pa.

"Kami? ni Hans? bagay? duh, sa ganda kung 'to? Eli naman, paopera na kaya natin mata mo, nanlalabo na ata eh." pangdedepensa niya.

Napangisi at napailing nalang ulit ako."Chill, I'm just joking."

"Alam mo kung sinong bagay?" nakangising tanong niya sa akin.

Napaangat naman ako ng tingin."Sino?"

"Ikaw at si Mateo." nakangising sagot niya.

Muntikan naman na akong nabulunan sa kinakain ko."Baliw."

"Kunware pa kayo, nililigawan ka na 'no? Lagi na kayong mag kasama eh." pang iintriga pa niya.

Inayos ko ang pinagkainan ko dahil tapos na ako bago tumingin ulit sa kanya." We're just friends and the line stops there. Una na ako may shift pa ako."

Nauna na akong tumayo dala ang tray ko.

"I don't believe that the line will end there!" pahabol na sigaw pa niya, napailing nalang ako.

I am not hoping to surpass the line we have now, staying as a friend is already enough for me, I won't force my self to others heart who's beating for others, I'm done with that.

Mabilis natapos ang araw at kasalukuyan akong naghihintay ng taxi sa harap ng ospital nang may humintong sasakyan sa harap ko, di na ako nagtaka pa, I know it's Mateo.

Agad kung binuksan ang pinto sa front seat niya at doon sumakay."Going home already?"

"Oo,bakit?" tanong ko habang kinakabit ang seatbelt ko.

"Nothing."sagot niya kaya tumango nalang ako.

Tahimik lang kami sa buong biyahe nang bigla siyang nagsalita."Thanks this morning and also sorry for losing my sanity a little bit."

Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti."You're welcome. Just always remember what I've said, don't live into society's standards."

"Yes Doc." nakangiting sagot niya.

p.s: sorry, short update ulit, I'm kinda busy with online class and stuff. Bawi ako next, luv u all.

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon