Chapter:10

2.3K 51 5
                                    

Naglalakad ako sa hallway ng ospital nang biglang tumunog ang aking cellphone, agad akong napatakbo patungo sa entrance ng ospital at sinalubong ang emergency na pasyente.

"Anong nangyari?" tanong ko habang sinusuot ang aking stethoscope.

"Bigla daw po siyang nahilo kaya nag collapse at nahihirapang huminga." sagot ng nurse. Tumingin naman ako sa batang pilit na linalapitan ang pasyente ngunit mahigpit siyang hinahawakan ng mga nurse.

Tumingin ako sa pasyente, I assumed that she's currently in college in case she's studying."She has a very rapid heartbeat, and from what I see, she's sweating very hard while catching her breath, and accordingly, nahilo siya kanina dahilan ng pagcollapse niya."

I pressed her chest and there's a reaction."...And a chest pain."

Tumingin sa akin ang nurse."Doc..."

"Yes, as for now, I can say that she has coronary artery disease."pagtatapos ko sa sasabihin niya.

"Kunan niyo siya ng EKG blood test." saad ko at agad namang tumango ang nurse.

"May record ba ang pasyenteng ito dito?" pag baling ko sa isang nurse.

"Wala po Doc, chineck na namin kanina."sagot niya kaya tumango ako, we need her medical history to confirm also the result of her EKG.

"Yung nanay? or any related family except yung bata kanina?" tanong ko ulit sa nurse.

"On the way na daw po sila."sagot nito.

Tumango nalang ako.

"What happened here?" napabaling ako sa nagsalita at nakita ko si Mateo na pawisan.

"According to the symptoms, it's coronary artery disease, but we are waiting for the confirmation sa EKG blood test at image test niya tsaka sa Family niya for her Medical history." pag i-explain ko.

Tumango naman ito at tumingin sa pasyente, Sakto ang pagdating ng Mama ng pasyente.

"Anak ko!" tumatakbong sigaw nito papunta sa amin, pinakalma naman siya ng mga nurse.

"Doc, anong nangyari sa anak ko?" tanong nito sa amin.

"We had a theory po pero we need a confirmation galing sa inyo. May time po ba na bigla bigla nalang po siyang natutumba? o di kaya di makahinga?" saad sa kanya ni Mateo.

"Opo, nag pacheck po kami sa Doctor sa kabilang ospital po at ang sabi ay may namuo pong taba sa puso niya, inadvice-an po siyang kumain ng mga low fats po at binigyan na rin po siya ng Medication, huminto narin po siya sa pagtakbo dahil isa po siyang atleta dati. Di ko po inaasahang lalala ang sakit niya." sagot sa amin ng Nanay.

Kahit wala pa ang result ng EKG niya kompirmado na ng Coronary heart disease siya. Dumating ang result at dinagdagan ang patibay. We conducted CT scan to confirm the test image and the cholesterol plaque or yung taba at lumalawak na ang sakop at tinatakpan lalo ang artery niya causing her to breath abnormaly.

"I think we need to conduct surgery now, because from what I can see the cholesterol plaque is going to rupture, and if that happens, it will cause heart attack--a death and life situation." saad ni Mateo, mas lalo namang naiyak ang Nanay.

"Sige, tatawagan ko lang si Doctor Gonzaga para sa surgery." saad ko at tumango naman ito.

Nagready na kami para sa Surgery nang dumating ni Doctor Gonzaga, We stayed in the surgery room for almost 4 hours, masyadong madami ang namuong taba sa puso niya, good thing nasugod siya agad dito bago pa ito nag rupture.

So far the surgery went well at nilipat na siya sa isang kwarto."Good job everyone." bati sa amin ni Doctor Gonzaga bago umalis.

Napaupo naman ako sa bakanteng upuan sa hallway at tinanggal ang surgery mask, umupo din si Mateo sa tabi ko at tinanggal din ang kanya."Wanna grab lunch together?"

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon