Chapter:12

2.2K 50 8
                                    

"Arrythmia nga." pagpupumilit ko sa case na pinagaawayan namin.

Nasa apartment ko kami at kasalukuyang pinagdedebatehan kung ano ba talagang sakit mayroon 'yong pasyenteng pinagaaralan namin.

"For fucking sake Eli, I know it's Arrythmia but it's under Tachycardia kasi rapid heartbeat lang mayroon siya because the electrical impulses that coordinates the heartbeat do not work properly." pagpipilit niya rin.

Kanina pa kami ganito, I know it's Tachycardia, sadyang wala lang talaga akong magawa sa buhay ko at siya an pinagtripan ko, his frustrated face is priceless.

"Hahahahahaha." di ko na napigilan ang tawa ko dahil kulang nalang isampal niya sa akin yung makapal na medicine book niya.

But instead, he throw his highlighter towards my face at tumama ito sa noo ko."Don't talk to me."

Natawa ulit ako, kahit sobrang seryoso na nang mukha niya, ultimo yung sakit ng noo ko dahil sa tumamang highlighter ay di ko na maramdaman."Sorry na, HAHAHAHAHA."

"Whatever Eli."seryosong saad niya habang nakatitig sa libro at pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Sorry na nga eh, ang seryoso mo naman kasi." medyo kalmadong saad ko, but still, I wanted to laugh but thats a little bit childish na so I contempt myself not to do so.

"Ipagluluto nalang kita, di pa tayo kumakain eh, gutom narin ako." sabi ko nalang dahil wala talaga siyang balak kausapin ako.

Tumayo naman na ako at nagtungo sa kusina, tumingin ako sa fridge kung anong pwedeng lutuin, I saw one dressed chicken kaya 'yon nalang ang kinuha ko, nilagay ko ito sa lababo at binuksan ang faucet para ma defrose ito, habang natutunaw ang ice nito ay nagbalat naman na ako ng patatas na pangsahog, yes, I'm going to cook adobo.

Matapos matunaw nung manok ay hahatiin ko na sana dahil medyo buo pa ito pero agad inagaw sa akin ni Mateo yung malaking kutsilyo.

"Ako na, baka madurog pa 'to kung ikaw." seryoso paring sabi niya. Nagpagilid nalang ako habang umiiling, grabe din pala magtampo ang isang 'to.

Pagkatapos niya hiwain ay kinuha ko naman na agad para hugasan."Salamat po."

Winisik niya lang sa akin yung natitirang tubig sa kamay niya matapos niyang maghugas.

"Oh walang ganyanan."tumatawang sabi ko habang pinupunasan ang mukha.Ngumisi lang ito at bumalik na sa sala. Napailing nalang ulit ako at bumaling na ulit sa lulutuin ko.

Pagkatapos kung magluto ay naghain narin ako."Kain na po mahal na hari."

Tinanggal naman nito ang sout na specs at sinara ang binabasang libro. Umupo ito sa harap ko, nilagyan ko ng kanin at ulam ang plato niya, nakatingin lang ito sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay."What?"

Di ito sumagot at nagsimula nang kumain, napailing nalang ulit ako.

Habang tumatagal, di ko napapansing nagiging mas malapit na kami sa isa't isa, halos dito na siya namamalagi at kumakain, we are even joking and pissing each other now, kumpara noon na halos iwasan ko siya dahil sa hiya.

Ito na ang last day ng duty namin ngayong December bago kami tuluyang mag Christmas break, 8:30 na ng gabi, medyo nag overtime kami dahil nga huling araw na namin ito. Palabas na sana ako ng may tumawag sa akin.

"Doc Lauren!" napalingon ako at nakita si Lian, yung nurse na nakilala ko noon.

"Oh, nurse Lian." bati ko nang makalapit ito.

"Uh...free ka ba ngayon?" nakahawak pa sa batok na tanong niya sa akin.

"Uh...oo?"patanong na sagot ko habang iniisip kung may gagawin ba ako ngayon pero parang wala naman.

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon