Nagluluto ako ngayon ng adobo dahil maaga akong natapos sa ospital nang biglang bumukas ang pinto, di na ako bumaling pa dahil alam ko na kung sino ito. Ewan ko ba talaga, nag karoon ata siya sa akin ng matinding attachment simula nung pasko. Di mo talaga alam kung pinaglalaruan kayo ng tadhana o ano eh, kailan lang nung halos magpalamon na ako sa lupa tuwing nakakasalubong at nakakausap ko siya, tapos ngayon halos tumira na kami sa iisang bobung at komportable na isa't isa, though my one sided love is still there, di 'yon mawawala, it's growing day by day.
"Urgh I wanna die!" rinig kong reklamo niya at sumalpak sa sofa. Masyado na kasing hectic ang mga schedules niya ngayon, halos sa surgery room na siya tumira kasama ang mga seniors namin.
"What are you cooking Eli? nagugutom na ako." nagulat ako dahil nakaupo ng pala siya sa stool sa likod ko at nakapahalumbaba.
"Adobo." maikling sagot ko.
"You okay?" bakas sa boses niya ang pag aalala, medyo matamlay kasi ako ngayon dahil madami akong iniisip.
"Oo naman." sagot ko at pilit na ngumiti.
"You sure?" tanong niya ulit kaya tumango ako.
"Ah paabot nga pala ng baso." saad niya, binuksan ko naman yung cup board at kumuha ng baso, kukunin na niya sana ito ngunit bigla ko ulit itong nabitawan, buti nalang at di ito glass at di nabasag.
"Hey, ayos ka lang?" concern na tanong ni Mateo matapos pulutin ang baso.
"Oo, pasensya na. Uh...Cr muna ako." mabilis kung sabi at nagtungo sa CR. Napahawak ako sa lababo at tinitigan ang sariling mukha sa salamin bago tumingin sa mga kamay kung nanginginig. I tried opening the faucet to wash my face para mahimasmasan ako pero di ko maramdaman ang gripo, di ko na napigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
"Eli?" narinig ko ang pagkatok ni Mateo sa pintuan kaya agad kong pinunasan ang aking mga luha at binuksan ito.
"Are---" di ko alam kong 'bat siya tumigil sa pagsasalita.
"Did you cry?" gulat na tanong nito. Nice, he notice it.
Sasagot pa sana ako ng bigla niya akong yakapin.
"I know you're not okay, I can sense it, but you kept on saying that you're alright. You know you can tell me what's wrong."Gusto kung maiyak sa balikat niya pero pinilit kung hindi, I should be strong—atleast infront of him.
"Thanks." tanging saad ko.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa ospital dahil may naka schedule kaming surgery, siya ang mag oopera at ako ang mag a-assist.
"Tell me if you're feeling better, you can take a break, I can find another assistant." this is the 10th time he asked me kung ayos lang ako.
"Ayos lang nga, kulit neto." pagirap ko sa kanya at nauna nang pumasok sa loob.
"Siguraduhin mo lang, I don't want to see you fainting later." pangungulit niya habang nakasunod sa akin.
"Alam mo ang O.A mo." saad ko at inirapan ulit siya.
Matapos ang sanitary procedure ay pumasok na ako sa surgery room, agad naman akong sinuutan ng surgery gown,mask at gloves ganoon din si Mateo na nakasunod sa akin.
Nang ma settle na ang lahat ay nag proceed na kami.
"7:41 AM, I'll start the surgery." pagsisimula ni Mateo.
"Scalpel." saad nito at agad ko itong iniabot, sinimulan niya namang hiwain ang bandang dibdib ng pasyente. Our goal is to remove the bullet, biktima siya ng ligaw na bala, gladly the bullet did'nt reach his heart, malapit ngalang so we need to remove it bago pa ito umabot doon.
BINABASA MO ANG
The Epitome of Love (Medical Series#1)
Teen FictionLauren Fernandez is secretly admiring Mateo Acosta a guy from her High School, but unfortunately, Mateo's heart was set to someone else. After finishing college, they met again in Medical School and took their residency on the same hospital.