Chapter:1

3.5K 58 0
                                    

Muntikan na akong mahulog sa sofa nang biglang tumunog ang cellphone ko, dahan dahan akong tumayo at agad kong naramdaman ang sakit ng buong katawan ko dahil sa sofa nanaman ako nakatulog, nag aral na naman kasi ako magdamag at nakakalat pa ang mga papel at highlighter ko sa mesa at ang iba na ay nahulog sa sahig.

Tunog ng tunog ang phone ko ngunit di ko mahanap kung saan ko ba ito nilagay, hanggang sa nakapa ko ito sa silok ng sofa.

"Hello?" sagot ko agad nang di tinignan ang caller I.d

"Oh, halatang kagigising mo lang ah." sagot nito mula sa kabilang linya. Boses pa lang alam ko ng ang best friend ko ito.

"Bakit, ano nanaman ang sasabihin mo?" I asked instead while picking up the papers on the floor.

"Let's have lunch together, free time din ng iba nating kaibigan and sabado naman ngayon so it means wala kang shift."

"Hala, pasensya na, di ako makakapunta, may nirurush kasi akong report at hinigingi na ng senior ko via email ngayong araw." malungkot na pagtanggi ko. Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya.

It's been a long time since I spent much time with my friends, di kami makomplekompleto dahil sa akin. Minsan naiingit ako sa kanila, they are all successful now, my best friend is already managing her family's company, and my two other friends are both successful architects, they're already building their own legacy while me, still half way from pursuing my dreams, here I am, stuck, nag aaral pa rin. Halos isang dekada na akong nag aaral mula grumaduate ako ng koleyo hanggang sa Med School. Minsan nga napapatanong ako kung bakit ito ang daan na tinahak ko.

I fixed my things at inayos ang hinigaan kong sofa, eto na nagiging routine ng buhay ko ever since I attended Medical School and started my residency. Most of the time, di ko na napapaabot sa kama ang antok ko, mag do-doze off nalang ako kung saan ako pumwestong mag aral and when the morning comes, I'll just find myself lying on the floor, on the sofa or on the table.

Nagpunta ako sa kusina at nag timpla ng kape, bago nag pakulo ng tubig, I'll just eat noodles for breakfast dahil kailangan kong tapusin ang report ko real quick.

Pasado 12 na ng ma send ko sa email ang report ko. Para akong nabunutan ng malaking tinik pag katapos. Inayos ko ulit ang mga gamit ko at naglinis ng bahay pagkatapos ay nilagay ko lahat sa malaking bag ang mga labada ko. Mag papaloundry nalang ako sa baba.

Lumabas ako dala dala ang malaking bag, nakasout lang ako ng puting oversized shirt at grey sweatpants tsaka tsinelas, magpapalaba lang naman ako tsaka kakain eh.

Iniwan ko sa laundry shop sa tapat ng apartment complex na tinitirhan ko ang mga labada bago nagpunta sa isang kalapit ng fast food chain at doon kumain,pumuwesto ako sa malapit sa binta kaya kita ko ang mga dumadaan.

Napako ang tingin ko sa dalawang taong dumaan at pumasok sa loob ng restaurant. It was Mateo and Nikkolai, they are both holding thick books, nakasabit sa damit ni Nikkolai ang specs niya habang nakasuot naman kay Mateo.

Binawi ko lang ang tingin ko sa kanila ng may naalala ako. It's been two weeks when Shanell died, kalilibing niya lang last friday and unfortunately di ako nakadalo dahil may shift ako at surgery na pagoobserbahan sa araw na 'yon.

Napatingin ulit ako sa kanila ng mapansin kung may umupo sa kaharap kong table. He looks fine but looks can be deceiving, and we can easily hide our true feelings by wearing a fake happy mask, that's why many people thought that we are always happy without knowing that we are breaking inside already, the irony.

I finished my food and left the restaurant. I can't stand hearing him laughing, it's breaking me when I know that it's a fake happiness.Natatakot ako, dahil baka sa loob ng mga ngiting 'yon ay may pwedeng mangyaring di maganda. I'm not praying for it, but I can't help thinking about it.

Naglakad lakad muna ako sa labas hanggang sa nakarating ako sa isang park na walang masyadong tao. Di ko nga alam na may nag eexist na ganitong park dito eh, di kasi ako pala labas, bahay ospital lang ako. I sat on the empty swing at doon tahimik na pinagmamasdan ang mga taong naglalakad and most of them were couples.

Naalala ko tuloy ang tanong sa akin ni Mama noon, kung bakit hanggang ngayon wala pa raw akong boyfriend eh matanda na ako, and I joking answered that I'm going to marry my medical books, pero ngayon I asked the same questions to myself. Maybe the love I was looking for is nowhere to be found or maybe it's not yet the time, o baka naman hanggang ngayon nastruck parin ako sa taong alam ko namang di para sa akin.Kelan kaya ako lalaya?

Natigil ako sa pag duyan ng tumunog ang cellphone, it was from the laundry shop at sinabing tapos na ang labada ko, that's my cue now to leave, bumalik ako sa laundry shop at doon kinuha ang mga damit ko.

Saktong pagbukas ng elevator ang pagtunog ulit ng phone ko, it was an unknown number so I slowly answered it.

"Hello po, sino po sila?" maingat kung tanong.

"Is this Ms. Fernandez?" tanong niya pabalik, medyo pang middle age na yung boses kaya mas lalo akong na curious kung sino ito.

"O-opo, sino po ulit sila?"

"I am one of your adviser in High School and I am inviting you to the incoming reunion of your batch this Saturday. I hope you can come." saad nito. Medyo natigil ako ng konte, reunion? bakit parang biglaan naman ata.

"Ah, okay po, sige po, I'll try to come po." sagot ko bago binaba ang tawag.

Pumasok na ako sa loob ng apartment ko at agad hinanap ng mga mata ko ang kalendaryo.

I still have 7 days to think if i'll go. It's not that I have a trauma back in high school, it's just a just.

And then I remembered him, pupunta kaya siya?


-🌻

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon