Chapter: 7

2.4K 49 13
                                    

"What the fuck!?" gulat na saad ni Sharry kaya bahagyang napatingin sa banda namin ang ibang costumer ng cafe. Sabado kasi ngayon at wala akong nakatalang shift.

"Bunganga mo, lakas lakas." pagsuway ko sa kanya pero inirapan niya lang ako.

"So he started talking to you huh?" nakangising sabi ni Sharry after niyang magulat sa kwento ko.

"Yeah? Sort of? di nga ako sanay eh. I don't even know why he started talking to me." sagot ko uminom sa iced coffee ko.

"Girl, baka naman may gusto din 'yon sayo." saad ulit ni Sharry.

Muntikan ko naman ng mabuga ang iniinom ko." Tigang ka ba? Alam mo, puro mga imposible sinasabi mo."

Umirap ulit ito sa akin bago magsalita."Duh, walang imposible Lau, yung pusa nga nanganak ng aso eh."

Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng kaibigan ko." Well of course because it's a movie, it's fiction. We're talking about real life here in case you're lost."

Tumawa naman ito bigla, di ko talaga magets ang mood ng babaeng 'to.

"I think you need to get check." umiiling sabi ko bago inubos ang kape ko at umalis.

Pag Uwi ko, maliligo na sana ako kaso inabala ako ni mama kaya I end up digging into my old things sa box na matagal ng nakatago.

"Saan mo ba sinulat? I told you to write it right kasi alam mo naman makakalimutin ako." she keeps on demanding me to think kung saan ko ba sinulat ang old password and email address niya sa facebook niyang dati.

"Ma, can you please stop talking and nagging, I can't think properly, at tsaka bakit parang kasalanan ko pa, anim na taon na ang nakaraan ng isulat ko 'yon." I answered feeling frustrated.

Nilapag ko sa sahig ang phone ko at in-on ang speaker.

"You need to find it Elizabeth! May importante akong titingnan sa mga messages ko dati." dagdag pa niya, kaya napapikit nalang ako at di siya sinagot.

Agad din akong napamulat ng maalala ko kung saan ko 'yon sinulat.

"I know na! I wrote it in my diary." saad ko.

"Then look at it now!" my mom said desperately.

"Sorry, mom, but it's been 5 years since I lost that diary." mahinang sabi ko, agad akong napatakip ng tenga ng sumigaw siya. After that i-end niya na yung tawag. My mom has a temper but she's nice.

Speaking of that diary, ngayon ko lang ulit 'yon naalala, back then kasi, I enjoyed writing every events of my life, even my deepest secrets were written there. I don't even know kung paano ko 'yon nawala, basta pag uwi ko, nakita ko nalang na wala siya sa bag ko. I even cried for days because I cannot find it.

Instead of showering, kinuha ko yung maliit kung wallet para bumili ng ice cream sa baba. Paglabas ko ng apartment ko, may nakasalubong ako sa hallway na middle aged woman,parang ka-age lang ni Mama, and she was so elegant but what stopped me is, I felt odd, I felt something in my heart? ewan. Sina Walang bahala ko nalang 'yon at sumakay na sa elevator pababa.

Pagkabili ko ng Ice cream aakyat na sana ako, kaso nakita ko si Krystal na papalapit sa akin, I'm wondering kung anong ginagawa niya dito.

"Hi Eli!" masayang bati niya gamit ang nickname na binigay niya sa akin, well it's not new, some of my cousins called me that.

"Hi, anong ginagawa mo dito?" di ko mapigilang itanong.

"Ah, mag aaral ulit sana kami kila Mateo para may kasama siya, kasi alam mo na. Pero nag text siyang tambay muna kami dito sa lobby kasi dumating ang mommy niya." sagot niya. Di kaya Mama niya ang nakasalubong ko kanina.

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon