Chapter:9

2.2K 59 17
                                    

After naming kumain ay nagtungo kami sa taas ng SM, luckily we found a good spot. We sat on the fake grass just like the other people. Finally, I got to see this new structure in SM, madami akong nakikitang post sa Instagram about this garden but unfortunately, they sacrificed hundred of trees for this, the irony.

Nilabas ko ang cellphone ko at pinituran ang paligid. Nilagay ko agad ito sa story ko. Gusto ko sanang mag selfie kaso nahihiya ako sa kasama ko.

"You want me to take a picture of you?" biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Uhh...pwede ba?" nahihiyang sagot ko,nilahad naman niya ang kamay niya kaya inabot ko na sa kanya ang cellphone ko.

"1..2..3"

"Isa pa 1..2..3"

"Salamat. Gusto mo kunan din kita?" tanong ko pagkatapos pero umiling siya kaya tumango nalang ako.

Pagtingin ko sa harap, saktong nag set yung fireworks, nagsilabasan ng camera ang karamihan para kunan ito, fireworks is just normal to me, marami na akong nakikitang ganito sa Manila, but watching it with Mateo is a whole lot different. Tumingin ako sa kanya, nagrereflect ang liwanag ng fireworks sa mukha niya, he looks so calm and adorable, di ko mapigilang ilabas ang phone at picturan siya.

"How are you?" biglang tanong niya sa akin nang di nakatingin.

Tumingin ulit ako pabalik."Okay lang naman, normal na buhay parin. Ikaw?"

"Still hanging in here, but yeah, I'm okay."sagot niya.

"A-about S-shanele's death..."

"What about it?" tanong niya looking at me now.

"Do you miss her?" di ko mapigilang itanong.

Bumalik ang tingin niya sa fireworks."Do you find me weird if I say no?"

Tumingin ako sa kanya."Didn't you love her?"

Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin."I only loved one person in my whole damn life."

Umiwas ako ng tingin, I can't understand him.

"Do you want to go somewhere else?"tanong niya sa akin nang di ako nagsalita.

"Sige."sagot ko at tumayo na.

Lumabas kami ng SM kahit may fireworks display pa, bumaba kami ng session at tumawid sa overpass papuntang Igorot Park. Nagpunta kami ng burnham at nilagpasan ang mga taong mostly ay nag dadate. No one is talking between us, but the silence isn't awkward like before.

"Tayo ka diyan. Picturan kita."turo ko sa isang malaking Christmas tree, maraming nagpapapicture doon.

Nakakunot noo siyang tumingin sa akin."No,it's okay."

Napairap naman ako sabay hila sa kanya at pinwesto sa gilid ng Christmas tree."Sige na kahit dalawa lang, wala ka pang picture eh."

Napabuntong hininga ito sabay tingin sa camera."Fine."

"Ngiti ka naman diyan, para kang nawalan ng isang milyon eh." sabi ko na nagpatawa sa kanya ng bahagya. Agad ko naman itong pinicturan bago pa humupa.

"You stand here too." turo niya sa akin sa kinatatayuan niya, agad naman akong pumunta doon, I was about to give my phone nang ilabas niya ang phone niya kaya binulsa ko nalang ito.

"Halika, dalawa tayo." sabi ko pagkatapos, we still used his phone at binuksan niya ang front camera niya, nagwacky kami sa second pic.

"Send mo sa akin sa insta ha" sabi ko pagkatapos.

"Yeah, whatever." sagot naman niya.

After naming maglibot libot ay napagplanohan naming umuwi na dahil lumalamig na at mas dumadami na ang tao dahil sa night market na malapit nang mag open dahil mag 9PM na.

"Thanks for today." saad ko kay Mateo bago pumasok sa loob.

"Same" nakangiting saad niya.

Pagbukas ko ng room namin ay nagulat ako sa dalawang pares ng mata na nakatingin sa akin.

"Sana all may date." pang aasar ni Hans.

"Sana all nang iiwan." biro ni Krystal.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sahig at naglalaro ng video game,may dalawang box din ng pizza sa sahig at dalawang milktea.

"Anong date? Gumala lang kami, tsaka ginigising kaya kita kanina kaso ayaw mong gumising."pagdedepensa ko.

Nginisian lang ako ng dalawa kaya napailing nalang ako.

"By the way, bat dadalawa lang kayo? Nasan sila Li tsaka Nikkolai?" tanong ko nang mapagtanto ito.

"Siguradong nag date ang dalawang 'yon. Hanep nga eh, umidlip lang ako saglit wala na ako akong kasama, kala ko umaga na, muntikan na akong nagbihis ng pang ospital." sagot sa akin ni Hans.

"Same sis, ako rin paggising ko wala na akong kasama." dagdag pa ni Krystal kaya napailing nalang ulit ako.

Nagpunta ako sa banyo para maghugas at magpalit narin ng pang tulog, paglabas ko nag aayos na sila ng kalat nila, sumalpak nalang ako sa kama at kinuha ang phone ko.

Binuksan ko ang Instagram ko at mukha ko agad ang bumungad sa akin kasama si Mateo.

Wait, pinost niya?

mateodnl.acosta.
Eli💛.

—🌻
ps.sorry for the short update hehe :>

The Epitome of Love (Medical Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon