Message #80

27 1 0
                                    

Pumunta ka sa room namin kanina. Tumambay ka 'don. Nakita mong may hawak akong gitara at tumutugtog. Hiniram mo 'yon at sinabing "Ate, pahiram muna ha." At nginitian din kita pabalik.

Bago ka mag-strum may tinanong ka ulit sa'kin na 'di ko makakalimutan.

"Ate, anong pangalan mo?" - Jino

Natulala pa nga ako no'n eh.

"Ahh! Krizelle." - Ako

Tapos ngintian mo ako. May eyesmile ka pala?

"Krizelle?" - Jino

"Hmm?" - Ako

"May pick ka?" - Jino

"Meron, kuya Jino." - Krizelle

No'ng kumakanta ka na. Natatawa ako. Pareho kasi tayong sintunado, at hanggang paggi-gitara lang tayo. Hahaha! Naisip ko tuloy bigla kanina na meant to be talaga tayo.

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon