Ito na ang pinakahuling maisusulat ko sa papel dahil wala na akong nararamdaman para sa’yo.
Mula sa’yo, madami akong natutunan. Natuto akong magka-crush, ma-inlove, umasa at masaktan. Madami akong na-realize na bagay na tama at mali. Masaya akong isa ka sa taong tumatak sa buhay ko.
Ang akala ko noon magkakaroon tayo ng happy ending pero kabaligtaran pala. Akala ko nga magkakagusto ka din sa'kin, pero lagi na lang akong mali. Masasabi kong isa ‘tong one sided love. Oo, napatunayan ko ‘yon kasi in-obserbahan kita ng husto nung mga panahong hindi kita pinapansin at no’ng may nagustuhan kana.
Alam kong sa una palang mali nang magustuhan ka kasi madaming may ayaw, magseselos at magagalit. Pero diba, pare-pareho naman nating hindi ginusto ‘to. Ganun pa man, sa huli naging maayos naman na tayo at tama ang mga ginawa kong desisyon sa pag-ibig ko para sa’yo.
Kung mababasa mo man ‘to, umaasa akong magiging masaya ka dahil sa mga ginawa kong desisyon para sa’kin, para sa’yo, at para sa mga taong nakapaligid sa’tin.
Salamat, Jacob. =)
- END OF CHAPTER ONE -
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle