Ang kulit mo talaga. Pumasok ka pa kanina kahit alam mong nilalagnat ka. Naawa na tuloy ako sa’yo kanina. Pero nakita kitang sumigla no’ng nilapitan kita at sinabing, “Jacob, pagaling ka ha.” Ngumiti ka sa’kin pabalik at niyakap akong bigla. Sa ngiti at yakap mo, napawi lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
أدب المراهقين"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle