Message of Love

22 2 0
                                    

Dear Krizelle,

Bakit ang ganda mo? Ang bait mo? Ang kulit mo? Please, pakisagot. Hihi~ (landi ko. XD)

Naalala mo ba nung first year tayo? Yung mahangin na lalaki na bully na gangster na makulit na laging nagpapansin sa'yo? Walang araw yata na di ka niya kinukulit sa walang katuturan na bagay eh.

Eh, naalala mo yung gangster na mahangin na yon ng tulungan mo siya sa subjects niya? Yung hindi niya ma-gets yung mga lessons kaya lumapit siya sa'yo. Nung una, di mo siya pinansin at sinabing, "Bahala ka jan! Mag-aral ka mag-isa mo."


Hahaha! Naalala ko 'to! Ang sungit ko pala sakanya noon? HAHAHA!


Tapos tatlong subjects na ang nakalipas, di mo pa din siya pinapansin hanggang sa uwian na no'n, kinukulit ka pa din niya. At parang nakaramdam ka na ng awa, inis at galit sa gangster na mahangin na 'yon kaya sinabi mong, "Oo na! Tutulungan na kita! Leche! Manahimik ka na!"

Hindi mo alam ang nararamdaman nung gangster na mahangin na yun kung paanong saya ang nararamdaman niya noong pinansin at tinulungan mo siya. Kasi nga .... crush ka na niya kaya ka kinukulit ng gano'n.


"Ah.. Nike? Totoo ba 'to?" tinuro ko yung part na crush chuchu.

Ngumiti siya at tumango, "Lahat ng nakasulat jan, totoo."

"First day pa lang, may paghanga nang nararamdaman." dagdag niya.


Yung gangster na mahangin na yun, tumigil sa pangbu-bully kasi nakilala at nakakasama na niya si Krizelle. Hindi niya alam, pero bigla na lang nagbago siya dahil sa babaeng iyon. Parang sa tuwing kasama niya si Krizelle, hindi na niya magawang mamansin sa mga binubully niya noon dahil kay Krizelle lang niya gustong magpapansin. Nagdiwang nga yung mga binubully niya eh. Tsk.

"Uyy! Happy first anniversary bilang mag-bestfriends natin!!"

Binigyan mo yung gangster na mahangin—- hindi na siya gangster, mahangin na lang—- ng keychain noon. Yung design non, skull na silver. Cool nga non eh! Tapos syempre, binigyan ka din niya ng gift. Tatlong origami na flowers na color blue, pink and yellow.


Naitago ko pa yun. Hihi~ Importante kasi sa'kin yon.


Okay, fast forward na. Naalala mo yung oras na umiiyak ka sa bestfriend mo? Yung paulit-ulit mong sinasabi sa bestfriend mo na, "Bakit siya pa? Pwede namang ikaw!" Kahit hindi mo sabihin sa bestfriend mo kung sino yung nanakit sa puso mo, alam niya kung sino yun.


Nike... leche ka talaga.

Naramdaman kong may parang tumusok sa puso ko. Para akong nagi-guilty kasi hindi ko sinabi sa kanya yung nararamdaman ko noon tungkol kay Jacob. Haays, ito talagang sapatos na to.


Ayaw niyang nakikitang nasasaktan yung bestfriend niyang si Krizelle kaya tinuruan niya ng leksyon yung lalaking nanakit kay Krizelle, si Jacob. Nakaramdam kasi siya ng pagka-gangster noong nakita niyang umiiyak si Krizelle sa kanya.

Bago niya gawin yun kay Jacob, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili niya na, "Krizelle, sorry. Kailangan ko 'tong gawin. Ayoko kasing nakikita kang nagkakaganyan dahil sa kanya. Sorry talaga, Krizelle. Mahal kita kaya gagawin ko to. I'm sorry.. Sana mapatawad mo ako kapag nalaman mo yung ginawa ko balang araw."

Hidden MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon