Bakit ganito? Sabi ko magiging matigas ako. Sabi ko hindi ako iiyak. Bakit ngayon? Ano 'tong nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako at umiiyak ngayong nag-aaway na naman ang mga magulang ko. Ang alam ko wala akong pakialam sakanila. Bakit sila, may pakialam ba sa'kin? Wala! Isang malaking kalokohan kung pakikialamanan ko sila.
Aaminin ko, matigas, walang puso at hindi ko pinapansin ang mga magulang ko hanggang ngayon. Bakit? Noong bata pa ako, no'ng panahong kailangan ko sila kasi 'di ko maintindihan ang nangyayari sa paligid ko, nasaan sila? Wala! Nag-aaway, o kaya naman busy sa anong mga kabalbalan.
Ang mommy ko ngayon ay step-mom ko. Hindi kami close. Alam kong mabait siya sa'kin at sa daddy ko pero hindi ko siya kayang pakisamahan, pero nire-respeto ko siya bilang step-mom ko. Pero hindi siya 'yong kailangan kong tumayong nanay sa tabi ko, kundi 'yong tunay kong ina.
Bata pa lamang ako, alam ko na ang tama at mali, ang totoo sa hindi. Natuto agad akong mag-conclude sa utak ko kung anong nangyayari sa paligid. Kahit wala silang binabanggit sa'kin na bakit hindi 'yong tunay na mommy ko ang nasa tabi ko, alam ko ang dahilan. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ako nagtatanong sa mga nangyayari dahil mas gusto kong ako 'yong tutuklas, 'di 'yong iaasa ko sa iba.
Nararamdaman ko naman ang pagmamahal nila sa'kin. Binibigay nila ang gusto ko. Kapag may inuutos sila, sinusunod ko. Nire-respeto ko sila.
Ngayong may nangyayari na namang problema dito sa bahay, gusto ko na namang bumalik sa dati. 'Yong Krizelle na gabi-gabing nagpa-party, umiinom, naninigarilyo at kung ano ano pang ginagawa ng mga katulad kong nagre-rebelde pero nag-aaral pa din. Ganyan ako, pina-priorotize pa din ang pag-aaral kahit nagre-rebelde ako. Ano nga bang dapat na itawag sa'kin?
Ang gusto ko lang naman na makasama kahit sandali 'yong totoo kong ina ngayong may problemang nangyayari dito sa bahay. Kahit one week lang. Gusto ko siyang makasama. Pero sabi ni daddy at ni mama, hindi pwede. 'Yan ang ikina-iinis ko sakanila. Bakit ayaw nila akong pagbigyan?! Gusto ko sabihin sakanila 'yan, pero mas pinili kong manahimik at maging cold sakanila.
Gusto kitang tawagan kasi alam kong ikaw lang ang nakakaintindi sa'kin tungkol dito. Gusto kitang puntahan kasi alam kong ico-comfort mo ako kasi bestfriend mo ako. Gusto kitang yakapin at manatili sa tabi mo hanggang sa humupa ang nararamdaman kong poot, galit at sakit sa puso ko, Nike.
BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle