Naalala ko 'yong mga katagang sinabi mo sa'kin kanina, "Hindi kita iiwan Krizelle. Lagi lang ako sa tabi mo may problema ka man o wala."
"'Wag kang babalik sa dati ha? Ayokong nakikitang kang umiinom, at nakikipag-flirt sa ibang lalaki. Hindi solusyon 'yon sa paglimot ng problema mo, okay? Ang tanggapin at masaktan lamang ang tanging paraan para kahit papaano ay makalimutan mo ito."
Nandito pa din ako sa sa bahay mo kasi ayoko pang umuwi. Anyway, salamat dahil kahit paano ay nabawasan ang mga sakit na nararamdaman ko simula pa bata. Dahil tuwing may nangyayaring 'di maganda sa bahay, nagfa-flashback lahat ng mga sakit na nangyari sa'kin noon.
Salamat, Nike.

BINABASA MO ANG
Hidden Messages
Teen Fiction"Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa isang taong hindi dapat..." - Krizelle